webnovel

Gusto kong Makipag Debate Tungkol sa mga Gamot

Editor: LiberReverieGroup

"Oh? May ganung paraan din?"

Nagningning ang mga mata ni Zhang Xuan.

Alam niyang imposibleng makagawa siya ng isang grade-1 na gamot dahil wala siyang pagsasanay. Subalit, iba ang Pill Debate. Gamit ang Library of Heaven's Path, hangga't mayroong sapat na mga libro at kaalaman, madali lang para sa kanya ang matuto!

"Mukhang simple ang paraan na ito, pero kahit ang mga master teacher ay mas gugustuhin pang matuto ng paggawa ng mga gamot kaysa subukan ang paraang ito!" Nang mapansin niya ang pananabik ni Zhang Xuan, muling nagsalita si Ouyang Cheng at umiling.

"Bakit?"

Naguluhan si Zhang Xuan.

Kapag nagawa ng isang tao na makapasa sa pagsusulit base sa mga teorya at maging isang apothecary, hindi na nila kailangang mag-aksaya ng oras nila para matuto ng paggawa ng mga gamot.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com