webnovel

Beast Hall [2 in 1]

Editor: LiberReverieGroup

Katahimikan.

Natahimik ang buong lugar.

Nanlaki ang bibig ng lahat sa sobrang pagkagulat, lahat sila ay natulala.

Si Shen Bi Ru, na nagsabing matatalo si Wang Ying, ay daig pa ang nasampal ng malakas sa kanyang mukha. Halos lumuwa ang mga mata niya sa sobrang pagkagulat.

"Isang sipa lang… at napatalsik niya si Du Lei? Paano… Paano niya nalaman kung alin dun ang mga shadow clone, at kung alin ang tunay?"

Sa taglay na bilis ni Du Lei, kahit ang mga ekspertong cultivator na nasa parehong realm ay mahihirapang malaman kung sino ang tunay. Pero, sa isang sipa lang mula kay Wang Ying ay tumalsik na siya ng malayo, na para bang sumipa lang siya ng isang tao na nasa sako.

"Bukod sa kailangan niyang malaman ang pinagkaiba ng shadow clone at ng tunay na tao, malamang yung sipa niya ay mas mabilis pa kaysa sa Du Lei. Kung hindi, imposibleng masaktan niya si Du Lei kung hindi siya kayang sabayan ng mga atake niya."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com