6 Anong Ginawa mo sa Aming Munting Binibini

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Para matapos na ang lahat, inabangan ni Zhao Ya na ipahiya ni Zhang Xuan ang kanyang sarili.

Biglang may naisip na ideya si Zhao Ya, at naglabas siya ng isang Record Crystal mula sa kanyang damit.

Ang Record Crystal ay isang bagay na may kakayahang kumuha ng mga video at audio sa paligid nito. Nais niya itong gamitin bilang 'ebidensya' ng mga panloloko ni Zhang Xuan. Dahil dito, hindi niya maaaring malusutan ito kapag ipinagkalat niya ang tungkol sa mga krimen ni Zhang Xuan.

"Tignan natin kung paano ka mapapahiya. Kung sa tingin mo kaya mong tapatan si Lu Xun laoshi, puwes mangarap ka na lang!"

Kapag nakakuha siya ng ebidensiya laban kay Zhang Xuan, naisip ni Zhao Ya na parusahan agad si Zhang Xuan para maibsan ang nararamdaman niyang pagkainis, nagningning ang kanyang mga mata at muntik na niyang di mapigilan ang kanyang pagtawa. Pinipigilan niya ang kanyang kasiyahan, at habang hinihintay niya kung anong kalokohan nanaman ang sasabihin ni Zhang Xuan, nagulat siya nang may sumulpot na mga mata na para bang mga lantern sa mismong harapan niya.

"AHH..."

Napatalon sa gulat si Zhao Ya at mabilis na napaatras. Doon lang niya napansin na si Zhang Xuan laoshi pala ang nakatitig sa kanya. Nagngingitngit siya sa galit at sinabing, "Anong ginagawa mo?"

"Huminahon ka, tinitignan lang kita!" Inilagay niya ang mga kamay niya sa kanyang likod, at nagpaikot-ikot sa paligid ni Zhao Ya. Pagkatapos, bigla siyang huminto sa harap ni Zhao Ya na mayroon lamang humigit-kumulang na isang chi [1] sa pagitan nila.

Nararamdaman ni Zhao Ya ang init ng katawan ni Zhang Xuan. Namula ang mukha ni Zhao Ya. Mula pa noong bata siya, wala pang kahit sinong lalaki ang nakalapit sa kanya nang ganoon. Bumilis ang tibok ng puso niya. Pagkatapos ay may narinig siyang boses na nagsasabing, "May sakit ka!"

Nang marinig ang mga salitang iyon, nabigla si Zhao Ya at nahimatay. "Ikaw ang may sakit, pati na ang buong pamilya mo..."

Halos mabaliw na si Zhao Ya sa nangyayari.

Ano bang problema sa pag-iisip ang mayroon ang taong ito. Nagpakita siya ng ilang martial arts techniques kay Zhang Xuan upang ituro niya ang mga kahinaan nito. Sa halip, sinabi ni Zhang Xuan na may sakit siya. Paanong nagkaroon ng ganitong kasamang tao na nabuhay sa mundong ito!

"Bakit bigla mo na lang akong iniinsulto ha?" Sumimangot si Zhang Xuan. Maya-maya ay naisip niya na maaaring iba ang pagkakaintindi ni Zhao Ya sa mga sinabi niya at napangiti na lamang, "Ang ibig kong sabihin, ay may sakit ka, hindi ko intensyon na insultuhin ka!"

"Wala akong sakit!" Ang malamig na tugon ni Zhao Ya. "Para sakin, ikaw ang may sakit! May sakit ka sa utak!"

Halos kasing lakas siya ng isang baka. Ang isang suntok niya ay may lakas na higit pa sa 100kg. Nakasisiguro siya kung may sakit siya o wala.

"Pakinggan mo muna ang mga sinasabi ko. Madalas ka bang makaramdam ng pananakit sa iyong danzhong [2] at sa iyong jujue [3] acupoint? Lalo na sa mga gabi na bilog ang buwan, at umiihip ang malamig na hangin, may mga pulang marka na lumilitaw sa iyong katawan at pakiramdam mo..." Sa puntong ito, nag-alinlangan si Zhang Xuan sa kanyang mga sasabihin, na para bang ang hirap sabihin ng mga nalalaman niya. Nagpatuloy siya, "Kahit na anong pag-eensayo mo, pakiramdam mo ayaw kumalma ng puso mo?"

"Paano mo nalaman yan?"

Balak sanang balewalain ni Zhao Ya ang lahat ng sasabihin ni Zhang Xuan, pero dahil sa mga narinig niya, namula ang kanyang mukha at natulala na lamang.

Hindi dahil ang mga sinabi ni Zhang Xuan ay puro mali, kundi dahil ang lahat ng ito ay...totoo!

Itong mga nakalipas na araw habang nag-eensayo siya, may nararamdaman siyang pananakit sa kanyang danzhong at jujue, pero hindi na lang niya ito pinapansin dahil hindi naman ito malala. Pero ang tunay na problema dito ay... Tuwing gabi na bilog ang buwan, kapag umihip ang malamig na hangin, may nararamdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan. Kapag namula ang kanyang katawan, bigla siyang nakakaramdam ng matinding pagnanasa. Dahil hindi niya mapigilan ang kanyang mga nararamdaman, pakiramdam niya ay hinahanap hanap niya ang yakap ng isang lalaki....

Isa siyang sixteen o seventeen taong gulang na dalaga na wala pang kahit anong karanasan sa pakikipagtalik, kaya wala pa siyang ideya kung ano ba ang nararamdaman niya. Nahihiya lamang siya sa tuwing mararamdaman niya ito. Noong una, akala niya kaya niya itong tiisin at mawawala din ang mga nararamdaman niyang ito. Pero habang tumatagal, patindi rin ng patindi ang nararamdaman niya. Habang lumalaki siya at nagkakagulang ang katawan niya, mas lalo pa siyang nahihirapan na kontrolin ang mga nararamdaman niya.

Dati, nawawala ang nararamdaman niyang ito matapos niyang gamitin ng dalawang beses ang kanyang cultivation technique. Pero ngayon, kahit sampung beses pa niya ito gawin hindi basta basta nawawala ang nararamdaman niyang ito. Tumitigil lang siya sa kanyang pagsasanay hanggang sumikat ang araw.

Dahil masyadong maselan ang kondisyon niyang ito, wala siyang kahit na sinong pinagsabihan tungkol dito. Kahit na ang pinakamatatalik niyang kaibigan at ang kanyang ama ay walang nalalaman sa kondisyon niya!

Kahit na walang sino man na nakakaalam ng sekreto niyang ito... Paanong nalaman ng taong ito ang tungkol dito?

Isa rin sa mga dahilan kung bakit siya pumasok sa akademya ay ang kagustuhan niyang makahanap ng lunas sa problema niyang ito.

"Isa akong guro. Nalaman ko iyon dahil sa punching routine na ipinakita mo ngayon lang!" Ang mahinahon na sagot ni Zhang Xuan.

Syempre, imposibleng malaman niya ang lahat ng iyon dahil lang sa nakita niya. Ang Library of Heaven's Path ay talagang nakamamangha. Hangga't mayroong kahinaan ang isang tao, kahit na wala man itong kinalaman sa mga skill niya, maisusulat ito dito.

Dahil nga nakita niya ang mga problema ni Zhao Ya, kaya napatingin ng kakaiba si Zhang Xuan sa kanya.

"Mayroon bang solusyon sa problema ko?"

Nagtanong si Zhao Ya sa kanya, at kitang kita ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa sobrang hiya.

Matapos niyang ipagpilitan na ilantad ang panloloko ni Zhang Xuan, bandang huli ang mga itinatago niya pang problema ang nailantad ni Zhang Xuan. Dahil dito, nakaramdam siya ng matinding hiya.

"Mayroong paraan para masolusyonan ang problema mo. Pumunta ka sa klase bukas at ipapaliwanag ko sayo kung papaano!"

Ikinumpas ni Zhang Xuan ang mga kamay niya.

"Talaga?"

Nanlaki ang mga mata ni Zhao Ya dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nalaman.

Alam niya sa sarili niya na may problema sa katawan niya. Dahil hindi niya makontrol ang mga nararamdaman niya, naging mainipin at mainitin ang ulo niya sa lahat ng bagay. Noong una, ang akala niya tanging ang pagtatago lamang ng problema niya ang magagawa niya at wala nang paraan pa para masolusyunan ito. Subalit, hindi niya inasahan na malalaman ng pinakawalang kwentang guro sa buong akademya ang tungkol dito sa isang tinginan lang.

Higit pa rito... mayroon siyang alam na paraan upang masolusyunan ito.

"Kung hindi ka naniniwala sakin, maaari ka nang maghanap ng ibang guro sa akademya!" iwinasiwas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay at tumingin ng parang isang tunay na eksperto.

"Hindi, hindi... Guro, ikaw lang ang gusto ko!" ang mabilis na sagot ni Zhao Ya.

Ilang araw na ang lumipas nang magsimula ang problemang ito ni Zhao Ya. Ilang eksperto na ang tumingin sa kanya sa lungsod at wala kahit sino sa kanila ang nakakaalam kung ano ang problema sa katawan niya. Kahit na ang mismong ama niya na si City Lord Zhao ay walang alam tungkol sa problema niya. Ngunit, nalaman ito agad ni Zhang Xuan laoshi sa isang tingin lamang. Walang sino man ang makakapantay sa kakayahan niyang mangilatis!

Iyon ang dahilan kung bakit naisip niyang may alam na paraan si Zhang Xuan upang masolusyunan ang kanyang problema.

"Iyang Record Crystal na yan, may balak ka pa bang itago yan?"

May itinuro si Zhang Xuan sa kanyang damit.

"Ah..."

Nagulat si Zhao Ya. Ngayon lang niya naalala ang Record Crystal na sinadya niyang iwan upang makakuha ng ebidensya laban kay Zhang Xuan. Kapag kumalat ang laman ng recording na iyon, paano pa siya makakaharap ng may dignidad sa mga tao?

"Hindi, wala na akong balak..."

Gamit ang kanyang mga palad, 'kacha', binasag ni Zhao Ya ang Record Crystal.

Matapos basagin ang Record Crystal, muli siyang tumingin kay Zhang laoshi. Ngayon, hindi na puro galit at pagkainis ang nakikita niya kay Zhang Xuan. Sa halip, siya ay puno ng misteryo.

Kahit na itinago niyang mabuti ang Record Crystal, nakita pa rin ito ni Zhang Xuan. Hindi lang iyon, pati ang mga problema sa katawan niya ay nalaman din nito. Paanong ang isang taong may ganitong klaseng kakayahan ay nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination?

"Hindi siguro importante sa kanya ang katanyagan at reputasyon niya, wala siyang pakialam sa tingin sa kanya ng ibang tao! Narinig ko ganoon lahat ng mga eksperto..."

Nang sumulpot sa isipan ni Zhao Ya ang ideyang ito, biglang tumaas ang tingin niya kay Zhang Xuan, mula sa pagiging manloloko, isa na ngayon siya sa pinakamagagaling na eksperto sa mundo.

"Kunin mo na ang iyong identity token para makuha mo ang iyong higaan at mga libro. At maghanap ka na rin ng matutuluyan mo habang inaasikaso mo iyon. Magsisimula tayo agad ng leksyon bukas..."

Dahil nagkaroon nanaman siya ng bagong estudyante, ikinumpas niya ang kanyang kamay habang nagbibigay ng mga panuto kay Zhao Ya. Bigla na lang silang nakarinig ng malakas na sigaw galing sa labas, at mabilis na pumasok ang isang tao.

Hu!

Ang taong pumasok ay isang lalaki. Ramdam sa kanya ang isang mabagsik na aura nang pumasok siya sa silid aralan. Sa isang tingin pa lang, makikita na hindi siya mahina.

"Young Mistress!"

Matapos pumasok ng pinto, huminto ang lalaki at lumuhod sa tapat ni Zhao Ya.

"Uncle Yao, anong ginagawa mo dito?"

Napatitig sa kanya si Zhao Ya.

Siya ang butler mula sa Baiyu City na hinanap ng kanyang mga kaibigan, siya si Yao Han!

Habang paalis na siya matapos ihatid sa akademya si Zhao Ya, nagmadali ang mga kaibigan ni Zhao Ya na hanapin siya at sinabi na gusto ni Zhao Ya na maging estudyante ng guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination at inutusan pa ang kanyang young mistress ng guro na ito na maglinis ng inidoro...

Halos sumabog sa galit si butler Yao Han, nang marinig niya ang lahat ng iyon.

Ang nag-iisang anak na babae ng City Lord! Walang sino man ang naglakas loob na utusan siya sa kanilang pamamahay. Para utusan siyang magwalis ng sahig at maglinis ng inidoro... Ang lakas naman ng loob niya para gawin iyon!

Kung isa sana si Zhang Xuan sa pinakamahuhusay na guro sa akademya, maaari pa sana niyang palampasin ang ginawa nito dahil karaniwang mas mapili ang mga mahuhusay na guro. Pero ang tunay na problema dito ay dahil... Ang guro na ito ay ang guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examination, hindi lang iyon, nagwala pa ang isang estudyante nang dahil sa kanya...

Bakit naman gugustuhin ng Young Mistress na mag-aral sa ilalim ng isang tulad niya?

Kahit na noong nasa lungsod pa sila, ang mga nagturo sa kanya ay pawang mas mahusay kaysa sa taong ito!

"Young Mistress, sigurado ka bang..." Nakatingin siya ng masama kay Zhang Xuan, pagkatapos ay bigla siyang lumingon sa dalaga.

"Si Zhang laoshi na ang pinili kong maging guro ko!" Ang sabi ni Zhao Ya.

Kahit na nagmadali pa siya sa pagpunta kay Zhao Ya, hindi niya naisip na mahuhuli pa rin siya sa pagdating. Nagdilim ang mukha ni Yao Han at hinila si Zhao Ya papunta sa likod niya. Tumingin siya kay Zhang Xuan, "Alisin mo na ang aming young mistress sa iyong klase! Pagkatapos ay humingi ka ng tawad! Kung hindi, malalaman ng lahat na inakit mo ang isang dalaga para maging estudyante mo!"

"Inakit ko ang isang dalaga?" Sumosobra ka na ata sa pinagsasabi mo!" Napailing si Zhang Xuan.

Kapag narinig ng iba ang mga sinasabi ni Yao Han, iisipin ng mga tao na may ginawa siya kay Zhao Ya. Alam ng langit na wala siyang ibang ginawa kundi tanggapin lang ang isang estudyante, wala siyang ibang intensyon sa ginawa niya...

"Huwag ka nang magmaangmaangan pa. Isang henyo ang aming young mistress. Hindi siya nababagay na turuan ng isang guro na gaya mo. Kung tatanggalin mo siya sa iyong mga leksyon ngayon, maaari kong palampasin ang ginawa mo. Kung hindi, sisiguraduhin kong malalaman ito ng punong guro at siguradong matatanggal ka..."

Sumigaw si Yao Han. Pero, bago pa man siya makatapos sa mga sinasabi niya, pinigilan siya ni Zhao Ya.

"Uncle Yao! Anong ginagawa mo! Kusang loob kong pinili si Zhang laoshi para maging guro ko, gusto mo ba akong mapahamak?"

Ipinadyak ni Zhao Ya ang kanyang paa.

Ang dahilan kung bakit siya pumasok sa akademya ay upang makahanap ng solusyon sa problema niya. Masaya na siya dahil nalaman niya na kaya siyang tulungan ng guro na nahanap niya, tapos sisirain lang ni Yao Han ang pagkakataon niyang ito. Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

"Kusang loob mo siyang pinili?" Lumingon si Yao Han sa dalaga. "Tingin mo ba talaga matuturuan ka niya para mas lumakas ka pa?"

Alam niyang isang mapagmataas na tao ang kanyang young mistress. Posible nga kayang maturuan siya ng maayos ng itinuturing na pinaka walang kwentang guro sa buong akademya? Kaya siya pinili nito?

"Mas mapalakas ako? Hindi yun ang ginawa niya..." Umiling si Zhao Ya.

Nalaman lamang ni Zhang Xuan ang sakit niya, hindi niya ito tinuruan tungkol sa cultivation nito.

"Hindi? Kung ganoon..." Naguluhan si Yao Han.

"Tama na yan, Uncle Yao, huwag ka nang magtanong!" Nang maalala niya ang sakit niya, biglang namula si Zhao Ya.

Nalito si Yao Han nang makita ang inaasal ng kanyang young mistress. Pagkatapos nito, nakita niya ang basag na Record Crystal sa sahig, napasimangot si Yao Han at ilang saglit pa ay, biglang nagwala si Yao Han.

"Walang hiya ka, anong ginawa mo sa aming young mistress? Papatayin kita sa ginawa mo..."

Boom!

Sa sobrang galit niya, lumabas ang malakas na aura galling sa kanya at humangin ng malakas. 'Jiya', nabiyak ang lupa dahil sa tindi ng pwersang nanggagaling kay Yao Han.

[1] 1 chi = 33.3cm

[2] Danzhong = Ito ay isang acupoint na matatagpuan sa gitna ng patayong linya na dumadaan sa ating dalawang utong.

[3] Jujue = Ito ay matatagpuan sa may bandang gitna sa baba ng ating ribcage.

avataravatar
Next chapter