"Hindi man lang niya alam ang kahit ano tungkol sa medisina?" nangatog ang katawan ni Guild Leader Mu Hong.
Nangangahas siyang hamunin siya kahit na wala man lang siyang alam tungkol sa medisina... kailan pa naging ganito kababaw ang posisyon ng isang guild leader?
"Anong nagyari? Ipaliwanag niyo nang maayos ang lahat sa akin!"
Nang may kompleksyon na sobrang dilim, sumigaw siya.
"Ganito... ganito kasi..."
Ipinaliwanag ni Ya Rou at ng punong bantay ang sitwasyon ni Liu laoshi nang detalyado kay Guild Leader Mu Hong.
Matapos marinig ang mga salita ng dalawa, kahit si Mu Hong, Du Rao, Cheng Feng, o ibang mga physician, lahat sila ay napanganga.
Paanong nagkaroon ng ganoon kabaliw na tao sa mundo…
Ang magawang makapunta sa Wall of Dilemma nang ganon, ang swerte naman niya!
"Guild Leader, dahil napagana niya ang Wall of Dilemma, naisagawa na malamang ang koneksyon sa headquarter. Ano nang gagawin natin ngayon?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com