webnovel

Ang Paghihiganti ni Cao Xiong

Editor: LiberReverieGroup

"Nandito din si Xiao Yu?"

Kumislap ang mga mata ni Bai Xun.

Matapos silang sabihan ni Master Lu Chen na mag-aral sa ilalim ni Zhang Xuan kahapon, nagmadali siyang pumunta rito ngayong umaga. Kung ganun, paanong nakasunod sa kanya si Xiao Yu!

Sa gitna ng kanyang pagsasalita, isang eleganteng tao ang naglakad papasok ng pinto. Ang kanyang dilaw na pang-itaas ay nagpakita ng kanyang payat at pinong katawan. Ang kanyang balat ay singputi ng nyebe at katulad ito ng kay Shen Bi Ru.

"Nagbibigay-pugay kay Zhang laoshi!"

Sa oras na pumasok siya sa silid, lumapit siya papunta kay Zhang Xuan at yumuko.

"Un!" Nang malaman na ang taong iyon ay nandito na may parehong motibo gaya ni Bai Xun, sumakit ang ulo ni Zhang Xuan at kinuskos ang kanyang glabella.

Glabella -> Pagitan ng mga kilay

Sa katunayan, wala siyang alam sa pagpipinta at ang alam lang niya ay punahin ang mga pagkukulang dito! Hindi man lang niya alam kung saan siya magsisimula sa pagtuturo sa kanila ng pagpipinta.

"Nagbibigay-galang sa young mistress!"

Habang nalilito siya kung paano niya ito aaminin sa kanila, lumapit si Elder Mo at magalang na pinagsaklob ang kanyang mga kamay at binati si Huang Yu.

"Young mistress?" Isang ideya ang sumagi sa isip ni Elder Shang Chen, dahilan para manghina ang kanyang mga binti at matumba siya. Habang namumutla ang kanyang mukha, nagtanong siya, "Hindi ba siya... Hindi ba siya ang anak ni guild leader Huang ng Teacher Guild, ang... henyo na nagawang maging isang low-level associate Master Teacher kahit na hindi pa siya umaabot sa edad na dalawampu?"

Kanina lang, nakikipag-usap pa siya kay Elder Mo tungkol sa henyo sa Teacher Guild na naging isang low-level associate master teacher sa murang edad, at siya ay nag-iisip kung gaano siyang higit na kahanga-hanga kaysa sa isang matandang tulad niya. Hindi niya kailanman inasahan na siya ay si Huang Yu xiaojie at kung titingnan ito... mukhang malapit siya kay Zhang Xuan!

Xiaojie -> Binibini/ Young Mistress

[Diyos ko, anong nangyayari?]

Sa oras na inakusahan niya si Zhang Xuan na walang kakayahan na magbigay kaalaman sa iba, ipinadala ng Wang clan ang kanilang anak sa kanya, at umalis pa sa kanyang pagtuturo para lang gawin ito! Sa saglit na sinabi niya na mahina si Zhang Xuan, lumitaw si Bai xiao wangye para kumpirmahin ang lakas nito, at sinabi pa na siya mismo ay walang laban sa kanya! Sa oras na sinabi niya na isang master teacher o associate master teacher lamang ang makakabawi ng lisensya ni Cao Xiong sa pagtuturo, lumitaw ang isang associate master teacher…

[Ano ba 'to... Zhang Xuan, ipinadala ka ata ng langit para parusahan ako!]

Nakaramdam lamang si Elder Shang Chen ng pagkalungkot at naisip rin niyang magpakamatay.

Si Cao Xiong, na kanina lang ay nagyayabang, ay namutla sa takot at nagtago sa likod.

Kanina lang, sigurado na siya na hindi mababawi ni Zhang Xuan ang kanyang lisensya sa pagtuturo, subalit, sa isang iglap, siya ay sobrang natakot.

"Diba isa lamang siyang basura na nakakuha ng pinakamababang marka sa Teacher Qualification Examination? Bakit ang dami niyang kilala? Bakit nirerespeto siya ng lahat? Hindi ko ito matatanggap..."

Nagkaskasan ang mga ngipin ni Cao Xiong at nagsisigaw siya sa kanyang isipan.

Bago pa ang araw na 'to, bale wala lang sa kanyang mga mata si Zhang Xuan. Wala man lang siyang kakayahan na makipagpaligsahan sa kanya, pero ngayon... Naging isa itong mataas na bundok na kaya lamang niyang tingalain.

"Siya... Siya..." nagkaskasan din ang mga ngipin ni Shang Bin.

Sa oras na ito, mukhang nagbagong anyo si Zhang Xuan mula sa isang langgam na kaya niyang durugin at naging isang malaking dinosaur.

Ang ganitong pagbabago ay higit pa sa kanyang imahinasyon!

"Isa kang associate master teacher?"

Nang marinig ang mga nakakagulat na sinabi ni Shang Chen, tinitigan ni Zhang Xuan ang dalaga nang may pagkalito.

Mas bata pa sa kanya ang dalagang ito. Para maging isang associate master teacher ang isang tulad niya, totoo nga na hindi mo dapat husgahan ang isang tao sa kanyang itsura.

"Nagkataon lang na nakita ko si Liu shi, at dinala niya ako dito para tulungan siya!" Ngumiti si Huang Yu. Mapagkumbaba man ang kanyang mga salita, pero makikita ang lumiliwanag na tiwala sa sarili sa kanyang mga mata.

Shi -> mas maikling bersyon ng laoshi

Para maging isang associate master teacher, unang-una, kailangan na mayroon kang talento na nakalalamang sa iba. Ikalawa, kailangan mabigyan ka ng pagkakataon!

Kahit na taglay mo ang isang kakaibang talento at ang kakayahan mong gumabay sa mga estudyante at magbigay-kaalaman ay kahanga-hanga, kung hindi ka makakakuha ng pagkilala ng isang master teacher, balewala lamang ito.

Si Huang Yu, bilang anak ng pinuno ng Tianxuan Kingdom Teacher Guild, siya ay may pribilehiyong makakuha ng magandang edukasyon mula pagkabata. Higit pa rito, dahil sa mga kakilala ng kanyang ama, ang pagiging isang associate master teacher ay hindi na nakapagtataka.

"Buti na lang isa kang Associate Master Teacher. Itong si Cao Xiong ay natalo sakin sa Enlightenment Will Trial at tumatanggi siyang tanggapin ang parusa sa pustahan..."

Kanina, sinabi ni Elder Mo na maaaring mabawi ang lisensya aa pagtuturo ni Cao Xiong kung magsasalita ang isang associate master teacher tungkol dito. Pagdating sa mga kumakalaban sa kanya, hindi lang sila basta palalampasin ni Zhang Xuan.

"Iyon pala ang nangyari!" Sumimangot si Huang Yu. "Bilang isang guro, ang magtanim ng galit dahil sa isang maliit na pagtatalo, at ang pag-abot sa paggamit ng Enlightenment Will Trial para ipahiya ang iyong kasama, sisirain lamang niya ang pangalan ng mga guro kung mananatili pa siyang isang guro."

"Elder Mo!"

Lumapit si Elder Mo.

"Naniniwala akong hindi siya nararapat na maging isang guro. Gawin mo na ang proseso para dito ngayon na!" May awtoridad na sinabi ni Huang Yu.

"Masusunod!" Tumango si Elder Mo. Lumingon para tingnan si Cao Xiong, at napailing siya.

Bilang isang associate master teacher, si Huang Yu ay may mataas na posisyon, bukod pa sa pagiging anak ng guild leader. Sa kaunting salita, hinatulan niya si Cao Xiong.

Ang mga nagtataglay ng pagkatao ng isang guro ay respetado kahit saan man sila magpunta. Kung ang isang guro ay matatanggalan ng lisensya sa pagtuturo, ibig-sabihin lang nito na may mali sa kanyang pag-aasal. Sa ganitong track record, walang tatanggap sa kanya kahit saan siya magpunta.

"Ako ay..."

Nang marinig ang hatol, bumagsak sa lapag si Cao Xiong, ang kanyang namumutlang mukha ay nabalot ng paghihinagpis.

Nagtiyaga siya ng sobra para lang makuha ang kanyang lisensya sa pagtuturo. Ang maisip na... mababawi ito sa kanya nang ganito lang!

Dahil lang sa hinamon niya ang isang basura na nakakuha ng pinakamababang marka sa Teacher Qualification Examination?

[Hindi ko ito matatanggap, hindi ko ito matatanggap!]

"Tama..." muling tumayo si Cao Xiong. Galit siyang tumingin kay Zhang Xuan, "Zhang Xuan, hindi ka pa panalo! Nakakuha ka ng pinakamababang marka sa Teacher Qualification Examination at naging dahilan ng pagwawala ng cultivation ng isang estudyante. Kapag naipaalam ito sa Teacher Guild, matapos ang masusing pagiimbestiga, matatanggalan ka rin ng iyong lisensya sa pagtuturo!"

Maaaring nakakuha nga ng pinakamababang puntos si Zhang Xuan sa Teacher Qualification Examination, ngunit isa lamang itong panloob na examination sa Hongtian Academy at hindi ito awtorisado. Ganun pa man, kapag naipaalam ito sa Teacher Guild, at kung mapatunayan ito, maaaring matanggalan din siya ng lisensya sa pagtuturo!

Higit pa rito, meron din siyang kaso ng pagwawala ng cultivatuon ng kanyang estudyante sa kanyang record.

Ito pa lang ay lagpas na sa ilalim ng limitasyon ng isang guro!

"Tama, Zhang Xuan, hindi ka dapat matuwa dito! Matanggal mo man ang lisensya ni Cao Xiong sa pagtuturo, pero hindi mo din mapanghahawakan ng matagal ang lisensya mo! Ipapaalam ko ang bagay na ito sa Teacher Guild at pagagawan ko sila ng impartial abjudication tungkol sa bagay na ito!"

Nang marinig ang galit na sigaw ni Cao Xiong, kumislap ang mga mata ni Shang Bin at nagliyab muli ito.

Ang pagsasama nila ni Zhang Xuan ay tuluyan nang nasira. Ngayong may taglay nang malaking imluwensiya ang kabilang panig, malamang hindi na siya mamumuhay ng payapa sa paaralan na ito ngayong nandito siya. Kung kaya't hindi niya papayagang makalampas si Zhang Xuan!

Higit pa rito... maging ang kanyang Diyosa ay nagsasalita na para sa kanya ngayon. Kung hahayaan niya na matalo siya nang hindi lumalaban, paano siya makakabangon sa hinaharap?

Tinitigan nang masama ni Shang Bin si Zhang Xuan at tila may masama siyang balak sa kanyang mga titig.

[Diba kahanga-hanga ka?

Lumagpas sa 60 ang trust level ni Liu Yang sayo? Inuudyokan ka ng Wang Clan na tanggapin si Wang Tao?

Maaaring umaayon sayo ngayon ang mga pangyayari, tingnan natin kung anong gagawin mo matapos kang mawalan ng lisensya sa pagtuturo!

Tingnan natin kung anong karapatan ang meron ka para manatili sa Hongtian Academy at anong karapatan mo para magturo sa mga estudyante mo!]

"Totoong kaduda-duda ang mga kakayahan at moral ni Zhang Xuan. Associate Master Teacher Huang Yu, Elder Mo, ang kanilang mga sinasabi ay totoo. Nagawa ni Zhang laoshi na magwala ang cultivation ng kanyang estudyante, at nakakuha rin siya nang pinakamababa sa nakaraang Teacher Qualification Examination. Sana ay mahawakan ito ng guild nang patas at maialis na sa paaralan ang salot na ito!"

Sa isang iglap, nanumbalik ang liwanag sa mukha ni Shang Chen. Matikas at tuwid ang kanyang tayo, at nagsalita siya.

Hindi man niya mailigtas si Cao Xiong, pero hindi niya mahahayaang makawala dito si Zhang Xuan nang basta-basta!