3 Ang Kapintasan sa Daanan ng Langit

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Isang paligsahan sa pagitan ng dalawang guro sa pagbibigay ng payo sa estudyante?"

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zhang Xuan.

Kahit na naisalin sa kanya ang lahat ng alaala ng dating Zhang Xuan, hindi pa rin naman niya tuluyang napagtatagpi at naiintindihan ang lahat ng ito. Sa kalagayan niya ngayon, kaunti pa lamang ang kanyang nalalaman hinggil sa iba't ibang cultivation realms. Kung sa pagbibigay lang ng payo at gabay sa isang estudyante, siguradong wala ring magagawa ang dating Zhang Xuan, paano pa ang isang tulad niya na ngayon lang naging isang guro!

Pagdating sa pagbibigay ng payo... Imposibleng matapatan niya si Cao laoshi!

Kapag natuloy ang laban nila, siguradong matatalo siya!

"Bakit? Natatakot ka bang tanggapin ang hamon ko? Malinaw na nakasulat sa palatuntunan ng paaralan na maaaring magpaligsahan ang mga guro para makapili ng maigi ang estudyante kung sino ang magiging guro niya, kaya naman hindi mo ito matatawag na pangaagaw!" Napahagikhik si Cao Xiong at tumindig ng may pagmamalaki.

"Anong klaseng payo naman ang ibibigay natin sa mga estudyante?"

Alam ni Zhang Xuan na kapag hindi niya tinanggap ang hamon ni Cao Xiong, maaaring mawala sa kanya ang nag-iisang estudyante na mayroon siya. Nagngitngit sa matinding pressure si Zhang Xuan.

Maraming aspeto na maaaring pagtuunan ng pansin ng isang guro sa pagbibigay niya ng payo sa mga estudyante; ang pagpapaunlad sa isang estudyante, ang kanilang istilo ng pakikipaglaban, ang mga kahinaan ng kanilang istilo at galaw... Sa mga aspetong ito, may kanya-kanyang larangan ang mga guro.

"Ganito na lang. Tutal lahat naman ng mga estudyante dito ay bago lamang, bakit hindi natin sila hayaang magpakita ng isa sa mga alam nilang punching routine at magbigay tayo ng payo hinggil sa mga kahinaan ng kanilang estilo? Pagkatapos, hayaan natin silang subukan uli ang kanilang punching routine, ang mananalo ay ang guro ng estudyante na mas-aangat ang performance. Ano sa tingin mo?"

Hindi magiging ganito kakampante si Cao Xiong kung ibang guro ang katapat niya, pero dahil ang katapat niya ay ang guro na may pinakamababang puntos sa Teacher Qualification Examination, kampante siya na siya ang mananalo.

Nag-alinlangan si Zhang Xuan sa hamon ni Cao Xiong.

"Hindi mo naman siguro tatanggihan ang hamon ko? Kanina lang ipinagmamalaki mo pa na marami kang tinanggihang estudyante. Kung tunay ngang magaling ka, patunayan mo. Huwag mong hadlangan ang kinabukasan ng dalagang ito ng dahil lang sa pagiging talunan mo!" Ang pakutyang sabi ni Cao Xiong.

"Iyon ay... Sige na!"

Napatango na lamang si Zhang Xuan.

Kung sabagay, ang pinakamalalang maaaring mangyari sa isang tao ay ang mamatay! Di malayong mauwi ang lahat sa kanyang pagkatalo. Kapag hindi niya tinanggap ang hamon, siguradong mawawala sa kanya ang estudyanteng pinaghirapan niyang makuha! Mas magiging mahirap ang kanyang sitwasyon kapag nangyari iyon.

Kung sakali man na matalo siya, mag-iisip na lang siya ng paraan para magpalusot. Kung sabagay, makapal ang pagmumukha niya, kaya bale wala sa kanya ang kaunting kahihiyan...

"Magpapaligsahan sila Cao laoshi at Zhang laoshi!"

"Yung tinutukoy mo ba yung guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examinations na si Zhang laoshi?"

"Siya nga!"

"Kahit na siya ang tinuturing na pinaka walang kwentang guro sa akademyang ito, nakuha niya pang hamunin ang ibang mga guro? Totoo ba yang sinasabi mo? Gusto niya ba talagang mapahiya?"

...

Nang marinig ang tungkol sa tagisan ng dalawang guro, nagsimulang magkumpulan ang mga kumakain na estudyante sa paligid nila.

Ngayon ang araw ng pagpaparehistro ng mga bagong estudyante. Karamihan sa kanila ay narinig na ang tungkol sa guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examinations kahit na hindi pa nila ito personal na nakilala. Karamihan sa kanila ay interesadong makita ang kahihinatnan ng duwelong ito.

"Alinsunod sa mga palatuntunan, bibigyan mo ng payo ang estudyante ko habang ako naman ang magbibigay ng payo sa estudyante mo!"

Dahil alam niyang maraming tao ang nanunuod sa kanila, mas ginanahan si Cao Xiong na magpakitang gilas. Inangat niya ang mga braso niya at ngumiti ng may kompyansa sa sarili.

Upang makasiguro na magiging patas ang lahat, hindi pinahihintulutan sa kompetisyon na magbigay ng payo ang isang guro sa sarili niyang estudyante upang maiwasan ang pandaraya. Karaniwan ay nagpapalitan ng estudyante ang mga guro para sa kompetisyon.

"Munting binibini, lumapit ka dito at ipakita mo ang iyong punching routine. Patamaan mo ang haliging iyon gamit ang iyong buong lakas!"

Pagkatapos kumpirmahin ang mga detalye ng kompetisyon, tinawag ni Cao Xiong ang dalaga para lumapit sa kanya.

"Ako ay..."

Sa sobrang hiya niya, kabadong tumingin si Wang Ying kay Zhang Xuan. Matapos makitang hindi galit ang guro sa kanya, tsaka lamang siya nagpatuloy sa gagawin. Pagkatapos nito, inilagay niya ang kanyang mga kamay sa gilid niya, at bigla siyang binalot ng malakas na enerhiya.

Huhuhu!

Pumito ang hangin sa sobrang lakas ng suntok na pinakawalan niya.

Mahirap isipin na ang dalagang ito ay may ganitong natatagong lakas kung hindi mo ito personal na makikita.

Maayos at matikas ang kanyang tindig. Sa isang tingin pa lang, makikitang napakaganda ng kanyang pundasyon.

Di nagtagal, natapos siya sa kanyang routine.

Matapos niyang makita ang ginawa ni Wang Ying, lalong nalugmok si Zhang Xuan.

Kahit na nasa kanya pa ang mga alaala ng dating Zhang Xuan, hindi pa rin niya makita kung ano ang mga kahinaan sa ipinakita ni Wang Ying.

Hindi na nakapagtatakang zero ang nakuha ng dating Zhang Xuan sa Teacher Qualification Examinations, masyadong mahina ang kakayahan niyang mangilatis!

"Magaling! Ngayon, patamaan mo yung haliging iyon gamit ang buong lakas mo!"

Nang makitang magaling si Wang Ying, napatango na lamang si Cao Xiong at halatang kuntento ito sa ipinamalas ng dalaga.

Mayroong haliging nakatindig malapit sa kanila. Ang haliging ito ay may kakayahang sukatin ang lakas ng pwersang tatama dito. Ang mga haliging gaya nito ay ikinalat sa buong paaralan upang magamit ng mga estudyante sa tuwing kakailanganin nila na mas maintindihan pa ang kanilang sariling lakas.

Muling naglakad si Wang Ying at lumapit sa haligi.

Gamit ang lakas na naipon mula sa kanyang ipinakitang punching routine, nagpakawala siya ng isang napakalakas na suntok sa haligi!

Peng!

Nayanig ang haligi, at may lumitaw na mga numero sa harap nito.

53!

"53kg, ang lakas ng suntok mo ay hindi na masama!" Sang-ayon na pagtango ni Cao Xiong.

Tunay na kamangha-mangha ang ipinakita ni Wang Ying. Nakakagulat na ang isang freshman na tulad niya, na kahit minsan ay hindi pa sumailalim sa pagtuturo ng isang guro, ay nagtataglay ng ganitong katinding lakas, lalo na't isa siyang babae.

"Ang iyong punching routine ay malakas at masigla. Subalit, napansin kong napakaikli ng abot ng mga suntok mo. Kung susubukan mong pabilisin pa ang pag-pihit ng iyong mga binti, maaaring mas mapalakas nito ang iyong mga suntok! Kung hindi ako nagkakamali, mayroon kang problema sa iyong mga binti!"

Ang sabi ni Cao Xiong.

Gaya ng inaasahan sa isang guro! Ang kanyang kakayahang mangilatis ay higit na mas mataas kaysa kay Zhang Xuan. Sa ilang saglit lang, nalaman niya agad na ang kahinaan ng routine ni Wang Ying ay ang posisyon ng kanyang mga binti, at mula dito nalaman niyang nagkaroon ng pilay sa binti si Wang Ying.

"Opo!" Ang naguguluhang tugon ni Wang Ying.

"Dahil sa iyong pilay, nag-aalangan kang pwersahin ang iyong mga binti. Kaya naman, hayaan mong bigyan kita ng isang formula. Huwag kang mag-alala, hindi nito mapapalala ang pilay mo sa mga binti mo!"

Matapos nito, itinuro ni Cao Xiong ang isang paraan upang makontrol ni Wang Ying ang kanyang pwersa.

"Susubukan ko ito!"

Upang makamit niya ang mas malakas na pwersa sa kabila ng kanyang pilay, malaking papel ang gagampanan ng kakayahan ni Wang Ying sa pag-intindi. Hindi nagtagal at naintindihan niya ang konsepto ng formula na itinuro sa kanya ni Cao Xiong. Pagkatapos nito, muli siyang lumapit sa haligi at naghanda sa pagsuntok. Napakalakas na pwersa ang kanyang pinakawalan, na para bang sinapian siya ng isang dragon.

Peng!

63!

Sa ilang saglit lamang na pagtuturo, nadagdagan agad ang lakas ng suntok ni Wang Ying ng 10kg!

"Dahil nadagdagan ang kanyang lakas ng 10kg, nangangahulugan lamang ito na ang lakas niya ay umangat ng 20%! Tapos na ako sa aking pagpapayo. Ikaw naman!"

Napangiti si Cao Xiong nang Makita ang resulta, at hindi maikakailang natutuwa siya sa nangyayari.

Ang madagdagan ang lakas ng isang estudyante ng 20% sa isang beses lang na pagpapayo ay sadyang nakamamangha.

"Zhang laoshi!"

Lumapit ang isang estudyante galling sa likod ni Cao Xiong at inihanda ang sarili sa pagpapakita ng kanyang punching routine.

"Sandali lang!"

Itinaas ni Zhang Xuan ang kanyang kamay.

"Bakit? Iniisip mo bang umatras sa laban?" Ang tanong ni Cao Xiong.

"Umatras? Kalokohan. Sa tingin mo ba babaliin ko ang pangako ko?" Ang madiin na tugon ni Zhang Xuan, ngunit sa loob niya, hindi na niya mapigilang mataranta.

Bilang isang transcender na kararating lang sa mundong ito, paano naman siya makapagbibigay ng payo sa mga estudyante? Kung gusto nila matuto kung paano magdownload ng mga pelikula sa internet ng libre, isa siyang eksperto doon, pero dahil wala naman talaga siyang alam na kahit ano tungkol sa martial arts, paano siya makapagpapayo tungkol doon?

"Sa tingin ko lang..." Sa karamihan ng tao na nakatingin sa kanya, nilunok na lamang ni Zhang Xuan ang kanyang pride at nag-isip ng paraan kung paano siya makalulusot sa sitwasyong iyon. "Dahil estudyante mo siya, posibleng hindi niya ibigay ang lahat ng kanyang makakaya matapos ko siyang turuan. Kung ganoon ang mangyayari, hindi ba't maaaring matatalo ako nang walang kalaban-laban?"

"Sinisiguro kong ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko! Mayroon pa rin naman akong kredibilidad!" Nagngitngit sa sobrang inis ang estudyante dahil sa mga sinabi ni Zhang Xuan.

"Sige, magtitiwala ako sayo. Subalit, hindi patas ang dwelo nating ito!" Dahil nagbitaw na ng ganoong mga salita ang estudyanteng iyon, hindi na nagpatuloy pa si Zhang Xuan sa pagsasalita hinggil sa kredibilidad ng estudyante dahil alam niyang babatikusin lamang siya ng mga tao kapag itinuloy niya pa iyon. Sa halip, itinuon na lamang niya ang pansin sa ibang bagay at umaasang makakahanap siya ng mailulusot sa sitwasyong ito.

"Hindi patas? Anong hindi patas dito?" Ang sabi ni Cao Xiong.

"Estudyante ko si Wang Ying, at kung sakaling Manalo ako, wala akong makukuha. Sa kabilang banda, kapag natalo naman ako, magiging estudyante mo na siya. Paano naman matatawag na patas ang kompetisyong ito kung ganoon? Tutal nagpupustahan tayo, nararapat lang na pantay ang mga pusta natin. Sa larong ito, ako lang ang talo... Sa tingin mo ba patas ito?" Ang sabi naman ni Zhang Xuan.

"Ah..." Di malaman ni Cao Xiong ang sasabihin.

Kung iisiping mabuti, hindi nga naman patas ang kompetisyong ito.

Ang pustahang ito ay hindi nalalayo sa isang panloloko. Ang kabilang partido ay maaaring mawalan ng isang estudyante, samantalang, wala namang kahit anong mawawala kay Cao Xiong.

"Sige. Kapag natalo ako, magiging estudyante mo si Liu Yang!"

Matapos makaag-isip-isip, nagsalita si Cao Xiong at tinukoy ang estudyanteng nasa harapan niya.

Si Liu Yang ang freshman na lumapit kani-kanina lang.

"Guro..." Hindi niya inasahan na magdedesisyon ng ganito si Cao laoshi. Naguluhan si Liu Yang sa nangyari, at halata sa kanyang pagmumukha ang pagiging balisa.

Mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa maging estudyante ng isang guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examinations...

"Huwag kang mag-alala, hindi ako matatalo!" kompyansang tumingin sa kanya si Cao Xiong.

"Opo!"

Nang makasiguro sa desisyon ni Cao laoshi, lumapit si Liu Yang at 'huhuhuhu', hindi na niya inintindi kung nakatingin ba si Zhang Xuan o hindi, basta't nagpatuloy na lamang siya sa kanyang punching routine.

"Ito ay..."

Susubukan pa sana niyang magsalita upang pigilan ang estudyante. Pero sa kanyang pagkadismaya, mabilis na ipinamalas ni Liu Yang ang kanyang punching routine, at hindi na siya binigyan pa ng pagkakataong makapagsalita. Tuluyang nalugmok si Zhang Xuan sa nangyari.

Sa totoo lang, wala siyang kaalam-alam kung ano ang punching routine na ipinakita ng estudyante, kaya paano naman niya malalaman kung ano ang mali dito? Imposibleng makapagbigay siya ng kahit na anong klaseng payo dahil dito.

"Ano bang kahinaan ng punching routine na ito..."

Pinagpawisan ng matindi si Zhang Xuan, napuno ng kaba ang pag-iisip.

Kapag pumalpak siya, hindi lang siya basta mapapahiya. Mawawala pa sa kanya ang estudyanteng pinaghirapan niyang makuha, at mapapatalsik pa siya mula sa akademya!

Boom!

Nang mapuno ng kaba at takot ang kanyang isipan, biglang lumitaw ang Library of Heaven's Path sa kanyang isipan, at para bang may kulog at kidlat na dumagundong sa kanyang mga tainga.

Sa loob ng library sa kanyang isipan, may lumitaw na apat na salita sa ibabaw ng mga lagayan ng libro.

Mali ang Heaven's Path!

Damang dama ni Zhang Xuan ang mga salitang ito sa kanyang puso, at ramdam niya ang walang kapantay na otoridad sa mga ito.

Sa oras na lumitaw ang mga salitang ito, nalaglag ang isang libro mula sa kinalalagyan nito, at nalaglag sa harap mismo ni Zhang Xuan.

"Ano ito?"

Panandaliang tumigil ang puso ni Zhang Xuan. Agad siyang tumungo at tinignan ang librong nasa mga kamay niya.

Mayroong dalawang salita na nakasulat sa pabalat ng libro ----- Liu Yang!

Nang buklatin ang libro, agad na nagsulputan ang mga salita sa unang pahina ng libro.

"Liu Yang; nagmula sa pamilya ng Liu galling sa Lungsod ng Xiayun. Estudyante ng Hongtian Academy, Fighter 1 – dan Juxi Realm!"

"Cultivation Technique: Lotus Acupoint Breakthrough Might!"

"Battle Techniques: Soaring Flower Fists (Mababang antas), Dragon Inch Fist (Mataas na antas)!"

Mga Kahinaan: 12 aspeto. No. 1, gumagamit siya ng sobrang lakas sa kanyang mga atake... No. 2... No. 3... No. 4... No. 12, kahit na mas malakas ang kaliwa niyang braso, mas angkop ang kanyang punching routine para sa mga gumagamit ng kanang kamay. Kaya naman, hindi niya nailalabas ang lahat ng kanyang lakas..."

"Ito... Ito ay..."

Habang binabasa ang mga nilalaman ng libro, pakiramdam ni Zhang Xuan na para bang mababaliw na siya sa kanyang nakikita.

Totoo ba ito?

Habang desperado siyang alamin ang mga kahinaan ni Liu Yang, gumawa naman ang Library of Heaven's Path ng isang libro na naglalaman ng lahat ng kahinaan ni Liu Yang.

Kung totoo lahat ng nakasulat sa librong iyon, ibig sabihin lamang nito na tunay na makabuluhan ang natanggap niyang regalo bilang isang transcender!

Lahat ng tao sa mundo ay may kahinaan, at ganun din pagdating sa mga istilo ng pakikipaglaban. Ang pagiging perpekto ay isang konsepto lamang na hindi kailanman magiging totoo. Upang malaman ang mga kahinaan ng isang tao at gawin itong libro, ito ang kakayahan ng library na ito na tapatan ang langit!

Peng!

Habang nakatuon ang atensyon ni Zhang Xuan sa mga pagbabago sa library sa isipan niya, kasalukuyan namang katatapos lang ni Liu Yang sa kanyang punching routine. Kasabay ng matinding pagyanig, may lumitaw na mga numero sa haligi.

"62!"

Ang lakas ng suntok ni Liu Yang ay 62kg!

"Zhang laoshi, tapos na si Liu Yang sa kanyang pagpapakitang gilas. Bakit hindi mo siya bigyan ng payo?"

Ngumiti si Cao Xiong.

Nang marinig ang mga salitang ito, napako ang atensyon ng lahat ng manonood kay Zhang Xuan. Inaabangan nila kung ano ang gagawin ng kaisa-isang guro na nakakuha ng zero sa Teacher Qualification Examinitions.

avataravatar
Next chapter