webnovel

Let's play, Shall we?

3 boys found a old notebook. What would they found out. Are you ready to find out? Are you ready to know everyones secret? Are you prepared to play their game? Can you survive? You ready to die? Are you ready to play? THEN LET'S PLAY, SHALL WE?

Kuya_Scam24 · Sci-fi
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 1

Dear dairy:

07/07

"Zhap!!zhap!!zhap!!" Paulit ulit na tawag ni tainah.

Nasa cr ako at naglalagay ng eye liner kaya sigaw sya ng sigaw sa labas.

"Tss.. ano bayon?" inis kong tanong at sumilip sa labas. "Problema mo?"

"May nakita akong invitation sa labas" sabay pakita sakin ng sobre.

"Anong gagawin ko dyan?" Taas kilay kong tanong.

"Takteng yan. Ako na nga magbabasa para sayo" irita nyang sambit at sinimulan ng buksan ang sobre.

"Ano sabi?" Tanong ko.

"Takte yan. Saglit lng ah. Ok ito na. Dear Zhappir Santos" parang sa mmk sambit.

"Putsa naman oh ayusin mo. Wala ka sa tv" inis kong sambit.

"Wag ka kinakabahan ako" napairap nlng ako "ito na talaga, we are from Retani University?" Sabay takang tingin sakin nagkibit balikat lng ako "you are enrolled at our school. Please attend your classes enjoy. Signed by the school Principal, Mr.A" nagtataka kaming nagtinginan.

"I... hindi naman ako nagenroll sa school na yan" napatingin ako sa kawalan.

"Baka nahanap ka na ng family mo" napaisip ako sa sinabi nyang yon.

"No,hindi. Kokontakin ako ni Red kung nalaman na nila" sigurado ko don dahil may tiwala ako kay red.

"Takteng yan. So sinong nagenroll sayo multo ganon" sarkastikong sambit nya.

"Tss... malalate na tayo. Hayaan mo na yan" nagmadali na ko sa pagaayos bago kami umalis at nilock ang pinto.

Nakatira kami sa isang apartment malaki nmn kasya kaming dalawa at hati din kami sa renta. Papunta kaming trabaho sa Mcdo malapit lng kaya nilalakad lang namin. Habang naglalakad ay may napansin akong nakasunod samin.

"Hoy, parang ano to. Natatakot na ko sayo kanina payan ah" praning nyang sambit.

"Tss.. tumahimik ka nlng at maglakad mapagalitan tayo ni manager nyan" inis kong sabi at luminga linga.

Malapit na kami tsaka palang nawala ang pakiramdam nayun. Habang naglalakad na abutan namin si manager na naglalakad din.

"Man!!, manager!!" Sigaw nya napangiwi naman ako sa lakas non.

Huminto at tumingin naman si manager samin at ngumiti.

"Oh kayo pala dalawa" nakangiti nyang sambit.

"Hindi tatlo kami,tatlo yung isa ikaw lng ang nakakakita" nakangti nyang sambit ngunit sarkastiko.

Napatawa nalang si manager at napairap naman ako. Sabymay sabay narin kami pumasok at nag in. Nagsuot na ko ng kailangan isuot at pumunta na sa cashier.

"Welcome to McDo" sabay sabay naming sambit sa mga napasok.

"Ano pong size ng fries nyo?" Nakangiti kong tanong sa costumer.

"Reg.." hindi natuloy ng costumer ang kanyang sinabi ng may narinig kaming sigawan kaya lahat kami ay tumingin sa gawing iyon.

"ANO BA LUMABAS KA NA NGA DITO! WALA KA NAMANG PERA" rinig naming sigaw.

"ANO BA DI KA BA AALIS" sigaw pa ng isang kasama.

Nakita kong matanda ang kanilang sinisigaw sigawan. Tss... mga kabataan nga naman ngayon. Bago pa lalong magkainitan pumagitna na ako.

"Ahm... sir ako na pong bahala sa kanya, wag nyo na pong sigawan" ngiti kong sambit.

"Sige, ayoko ng makita yang matandang yan" padabig syang umupo.

"Anong problema dito?" Nagulat ako ng lumabas si manager.

"Man, ako na bahala" nakangiti kong sagot.

"Hmm... ok" ngiti nya pabalik.

Inalalayan kong lumipat at pinaupo sa walang naka upo ang matanda.

"Dito na lang po kayo, nagugutom po ba kayo?" Alala kong tanong.

Tumango naman sya bilang sagot, ngumiti naman ako para ipakitang hindi nya na kailangang matakot. Napatitig naman sya sakin bago rin ngumiti ng kaunti.

"Ano po ang gusto nyong kainin? Ibibigay ko nlng po sainyo" nakangiti pa ring sambit ko.

"Salamat, iha pero wala akong pambayad" malungkot nyang sabi

"Ako na po ang bahala don, hindi nyo na po kailangan magbayad" ngiti kong sambit

"Salamat iha. Akoy nagugutom na talaga" ngiti nyang sambit.

"Wala po yun, basta wag na po kayong pumasok dito ah" tumingin mo na ko sa paligid bago bumulong sakanya "sa labas po pagkatapos ko nagdadala po ko ng pagkain jan sa kanto, sige po hintay lang kayo dito ah bibigay ko nalang po mamaya yung pagkain nyo ok?" Nakangiti kong sambit bago bumalik sa pwesto ko kanina.

Pagkarating ko ay si taina ang nasa pwesto ko.

"Oh musta supergirl" ngiting salubong nya sakin.

Inirapan ko lng sya at tumingin kay josh.

"C1 nga" tipid kong sabi.

"Ok"

"Pang ilan na yan?" Tanong ni tiana.

"Tss... parang ewan eh" inis kong sambit.

"Haha nako po" tawa naman ni josh.

"Anong nakakatawa sa pagtulong?" Inis kong sambit kay josh.

"Nako po. Wala naman akong sinabi ah" pagtatanggol nya sa sarili.

"Yan tawa pa" natatawang sambit ni tiana.

"Nako po" sambit nya na parang natalo sa lotto at biglang umalis.

"Mukha na syang nako po" mataray kong sabi.

"Haha tama tama. Nako po" panggagaya nya kay josh.

Napailing nalang ako dahil dun.

"Oh c1, ako ba magbibigay o ikaw?" Mataray na tanong ni Josh.

"Ako na" at kinuha ang pagkain at pumunta ulit sa pwesto ni manang.

"Ito na po, kain na po kayo. Pagkatapos nyan uwi na po kayo ha baka mangyari nanaman yumg kanina ok po?" Nakangiti kong paalala.

"Oo iha, maraming salamat talaga" nakangiti din nyang sagot.

Nakangiti akong tumango at iniwan sya doong kumakain.

"Yung ngiti talaga yun eh" nakangisi sambit tiana. "Kaya maraming nahuhumaling dahil sa ngiting yan"

Inirapan ko naman sya. Tama sya maraming nagkagusto sakin dito costumer man o katrabaho dahil daw sa ngiti ko. Ano namang meron sa ngiti ko pangkaraniwan lang naman.

"Oh bukas ulit ah" paalala ni manager.

"Opo" sabay sabay naming sagot.

"At saang lupalop mo nanaman ibibigay yan?" Taning ni tiana sakin dahil sa dala kong pagkain.

"Alam mo naman kung kanino, tatanong pa?" Sarkastiko kong sagot.

"Takteng yan, halika na nga ng mabigay mo na yan" napangisi naman ako.

"Tss.. kung hindi lng kita kaibigan eh iwan kita dito" napairap nanaman ako sakanya.

"Oh edi iwan mo. Ang tanong kaya mong maglakad mag isa?" Nakangisi kong tanong.

Luminga linga sya bago sumagot. "Joke lang naman eh ito naman oh dali ibigay mo na yan supergirl"

Napailing nalalang ako sakanya at lumapit sa mga batang musmos.

"Ito na pangako ko" nakangiting bungad ko.

Gumanti rin sila ng ngiti at isa isa ng kumuha ng pagkaing dala ko.

"Shalamat po ate zhap"

Ginantihan ko lng sila ng ngiti.

"Oh sige na aalis na kami, ingat kayo jan" tumango naman sila bilang sagot sakin.

Lumapit ako kay tiana at sinenyasan syang umalis na kami.

"Iba talaga pagmayaman ka noh" sambit nya kaya natulak ko sya. "Aray ko naman"

"Ang ingay mo, may makarinig sayo" inis kong sabi sabay tingin sa paligid.

"Ikaw alam mo parang ewan. Takte aalis alis pa...." hindi nya na tuloy ang kanyang sasabihin ng takpan ko ang kanyang bibig.

"Ano ba, may makarinig sayo" inis kong sabi.

Marahas nyang tinanggal ang aking kamay na nakatakip sa kanyang bibig.

"Ikaw naman kasi..." hi di nanaman nya natuloy dahil may narinig kaming kumalabog.

"A-ano yun?" Takot nyang tanong at nagtago sa likod ko.

Naging alerto ko at tumingin tingin sa paligid. Ngunit agad naman nawala dahil may nakita kaming pusa galing sa ingay.

"Takteng yan, pusa lang naman pala bwiset" inis nya kong tinulak.

"Tss... bat ako tinutulak mo!" Inis kong sambit sakanya.

"Malay ko bang natulak ka, sorry" napailing nalang ako.

Ngunit alam kong hindi lang pusa iyon at may tao talaga doon. Sya ang kaninang tanghali ko pa nakikita.

"Oo nga pala, tungkol doon sa sobre anong balak mo dun?" Tanong nya habang inilapag nya ang kanyang gamit sa sofa.

"Ewan, nakatanggap din ako ng text kanina. Confirmation kung natanggap ko yung sobre" kanina yun nangyari habang abala ako sa paglilinis ng lamesa.

Napabuntong hininga nalang kaming dalawa. Kinuha ko ang sobre at binasa ulit ang naka sulat. Nagtaka ako dahil sa date na nakasulat.

"July 9?" Napalakas kong basa.

"Oh anong meron sa july 9?" Takang tanong ni tiana.

"Yun yung start ng class" sagot ko.

"Ang bilis naman non, kakakuha mo lang ngayon ah"

Nagkibit balikat lng ako dahil wala akong masagot.

Ace's POV

"Ace magwash ka na, and sleep ok?" Rinig kong sigaw ni mom

"Yes mom" sigaw kong pabalik.

Weird. Ano kaya meron dun.

_____________________

"Secret is a problem you cant keep forever" - by kuya scam

_____________________

Vote and Comment

Got this story in my wattpad account "bastagwapoko" you can search it.

Like I said there there's a scene that is not there that I'm gonna put it here so it's little diferrent

Enjoy ^_^v

Kuya_Scam24creators' thoughts