"I DIDN'T save her. Bumagsak siya sa akin kaya hindi siya nahulog." kausap ni Baldassare sa sarili habang nakatitig sa cute na babae. Pakiramdam niya, sa ganoong paraan ay mai-ja-justify niya ang mga nangyari sa rooftop. Kinikilabutan siya sa ideyang 'nailigtas' niya ito kaya pilit niyang isinasaksak sa isip na hindi ganoon ang nangyari.
Hell. Why would he do that? He wants her dead. Because of that, he manipulated everything. Kahit magpalit ito ng sim, automatic niya iyong pinapalitan sa record ng cellphone nila Jocelyn. Maging ang mga ito ay walang idea sa number na napapalitan. Hindi naman kasi nila sinusuri iyon. Ang mahalaga lang naman ay magulo si Maricon at masagad ito.
Hindi naging mahirap para kay Baldassare na matunton si Maricon. He easily sensed her loneliness and depression. Demons love negative vibes. Those were the things that leads him to her. At sa pagkakalapit niya rito ay naramdaman din niya na higit ang sensory at spiritual power ni Maricon. Kaya mas lalo siyang nanggigil na makuha ito. Siguradong matutuwa si Hades oras na alayan niya ito ng kaluluwa ng isang tao na special. Idagdag pang cute ito. She could be Hades bride.
Right. Cute was her exact description. Petite ito. Unat ang itim na itim at lampas balikat na buhok. May kakapalan ang kilay na hindi ahit pero maganda ang pagkakaarko at pagkakaayos. May kaliitan din ang ilong nito. Mahubog at may kakapalan ang namumulang labi. Pero sa lahat ng parte ng mukha nito, ang mga mata ang masasabi ni Baldassare na asset nito. Maiitim at expressive.
He could sense Maricon's purity, innocence and kindness. Ang masasabi niyang pinakanaging kasalanan nito ay ang pagiisip ng pagpatay sa sariling buhay. But of course, if the heavens found out that she regret it with all her heart and asked forgiveness, heaven could also be merciful and forgive her.
At hindi niya makukuha ang kaluluwa nito kagaya na lang ng kaluluwa ni Joaquin. Sa ngayon ay nasa impyerno na ito. Isa na itong magiting na demon warrior. He was completely different in hell. Sa mundo ng mga mortal, para itong bakla samantalang doon ay masahol pa sa madirigma. He transformed after one month intense training. Binura ni Hades ang alaala nito. Natira na lang ay ang ilang kasamaan ng ugaling hindi pansin ninuman.
Joaquin was selfish. Nagpakamay ito dahil sarili lang nito ang iniisip. Hindi nito naisip ang inang maiiwanan at masasaktan. Hindi nito inisip ang lahat ng taong nagmamahal dito. Oo at biktima ito ng labis na pagmamahal pero naging simbulo iyon ng pagiging makasarili. He only thinks of his own pain, no more, no less.
Now, his selfishness was the only thing left in him. Dala nito hanggang impyerno iyon at ginagamit na motibasyon sa pakikipaglaban para maging bida na hindi nito nagawa kay Maricon.
Napahalukipkip si Baldassare sa babaeng wala pa ring malay. Sa ngayon ay nakahiga na ito sa kama. Doon na niya ito dinala. Salamat sa kapangyarihang taglay. Dahil doon ay nagawa niya. Bukod din doon ay kita niya ang nakabalot na sumpa dito. It was like chains. Nakatali iyon sa katawan hanggang kaluluwa nito. Malupit din ang nagpataw ng sumpa. Makakapal ang kadena at walang ibang puwedeng mortal na magalis noon kundi ang nagbigay lang.
Of course he could do something about it. He's a powerful demon anyway. He could break any type of curse. But of course he's not insane to do that. Ang curse nito ang isa sa dahilan kung bakit nito ginustong magpakamatay. Bakit niya aalisin ang isang bagay na puwedeng maging daan para makuha niya ang kaluluwa nito?
Naupo si Baldassare sa tabi ni Maricon at nagmasid. Haggard na haggard ito. Mayroong dark circles sa palibot ng mga mata. Nangayayat dahil sa mga mental torture. Hindi nakuntento si Jocelyn, kinausap pa ang ilang mga kaibigan para pagkaisahan ang babae. Bumili din sila ng maraming sim para i-text ito nang i-text. At mukhang mas lalo itong maliligalig oras na mamulatan ulit siya nito.
Napaisip si Baldassare. Mukhang hindi na magiging effective ang bulong niya sa babae dahil alam na nito ang existence niya. Hindi na ito makikinig. He needed to think another way to get her soul. Puwede naman niya itong iwanan at maghanap ng iba pero ayaw ni Baldassare. She would be his greatest gift. Oras na makuha niya ito, siguradong aani siya ng maraming credit kay Hades.
Napatango si Baldassare sa naisip. Iyon naman talaga ang goal ni Baldassare. Hindi na siya pinakikialaman ni Reaper. Nasabihan na ito ng hari ng impyerno. Walang sinuman ang puwedeng makapiyok kay Hades.
"Now. Ano ba ang puwedeng gawin sa'yo para patayin mo ang sarili mo?" malamig na tanong ni Baldassare at ipinatong ang daliri sa noo nito. He penetrated her sub-consciousness to get some information and he was so shocked when he found out that she was dreaming about Vampire Diaries' actor!
"Paul Wesley..." anas ni Maricon at ngumiti.
Biglang kumabog ang dibdib ni Baldassare sa ngiting iyon. It was the sweetest smile he had ever seen. It was like a star shining in a dark sky. Buong buhay ni Baldassare ay wala siyang ibang gusto at goal kundi ang maging magiting na demon ni Hades. He didn't give a fuck about smiles.
But what the hell? Bakit sa isang ngiti ni Maricon ay biglang niyang nalimutan ang mga goals? Bakit kusang gumagalaw ang daliri niya at marahang idinampi iyon sa malambot nitong labi?
"Shit!" Biglang napaurong si Baldassare nang magising ang diwa. What the hell was that? He felt something weird suddenly consumed him. Hindi niya alam kung ano iyon. Kinikilabutan siya!
Baldassare! Think about the plan!
Mariing ipinikit ni Baldassare ang mga mata. He gathered his thoughts and ignored her cute smile. Kinalma ni Baldassare ang sarili at muling nagisip maigi hanggang sa napatango.
Pumitik siya. Agad siyang nagpalit ng anyo at naging tao. Kailangan niya iyong gawin para hindi naman kada makita ni Maricon ang demon form ay mahihimatay ito. Naisip ni Baldassare na sa ganoon itsura ay makakausap niya si Maricon. Maybe, he could make her fall in love with him. Aba, hindi nalalayo ang human form niya kay Paul Wesley. Siguro naman, oras na nasa ganoong anyo siya ay makikinig ito o mahihirapan siyang tanggihan.
He grinned. Oras na magkgusto ito ay kukumbinsihin na niyang sumama. At ang paraan lang ay tapusin nito ang sariling buhay. Napangisi si Baldassare sa naisip.
"Paul Wesley?" tanong na anas ni Maricon. Mukhang lango pa.
Agad napalingon si Baldassare sa babae. Ngumiti siya. Doon biglang nawala ang antok nito. Biglang nanlaki ang mga mata. Namutla ito at nagulantang siya nang sumigaw!
At hinimatay. Saglit na napamaang si Baldassare at napatingin muli sa salamin. Labis siyang nagtaka. Guwapo naman siya. Bakit ito nahimatay?