webnovel

LEGENDARY DEVILS

Ang LEGENDARY DEVILS ay kwento ng tatlong kilalang demons sa mundo ng underworld. They were called LEGENDARY DEVILS because of their well-known skills and been the greatest demon of their time. But demons have only one rule: DO NOT FALL IN LOVE. Breaking the rule will make them automatic ascend. They will lose their power and can no longer curse too. They will also have the lifespan of a human. RENOWN: LEGENDARY DEVIL 1: DEMETINEIRRE—the grandson of Deumos and Balam. Deumos is a female demon with four horns and a crown. She was also known as the greatest spell caster in underworld. Balam is a terrible king with three heads and commands 40 legions. Demetineirre possessed an ill-tempered at grouchy attitude. But regardless of everything, he specialize every cursed known in their world. He was also trained to govern the 66th legion the king of underworld. LEGENDARY DEVIL 2: INCONNU—the wisest among three devils. He knew every technique. He thinks before he acts. He was the son of Berith, the great duke of hell who governs 26 legions. He appears as a red soldier on a red horse. LEGENDARY DEVIL 3: BALDASSARE—a skilled devil specialized in summoning evil spirits. He was the son of Asmodeus-the demon of wrath, banished by Raphael because of his evil deeds. Tumakas kasi ito noon sa underworld para maghanap ng aanakang babae. Nagtagumpay si Asmodeus at agad siyang ipinadala sa underworld para maitago sa mga anghel na gusto siyang patayin. Sa huli, nahuli ni Asmodeus ni Raphael at pinarusahan.

Cranberry_Laurel · Fantasy
Not enough ratings
84 Chs

ASMODEUS' BOOK

"FUCK! DAMN it!" galit na sigaw ni Baldassare ng hindi pa rin maalis ang sumpang nakabalot sa kanya. Itinapon na lang niya sa kung saan ang black booklet. Hirap man ay nagawa niyang makauwi sa Goshun Peak. Ang bundok na iyon ang ginawa nang tirahan ni Baldassare sa matagal na panahon. Hinayaan na rin siya ni Hades na mamalagi doon.

Sa black booklet nakasulat ang ilang inaral niyang iba't ibang uri ng incantation at spell para makapag-summon ng mga halimaw, makapag-cast at makapag-break ng spell. Sa loob ng ilang araw na isinumpa siya ni Hades ay iyon ang ginawa niya. Lahat nang natunanang pangalis ng sumpa ay ginamit niya pero sa kasamaang palad ay walang nangyayari.

Hades' spell was really beyond recognition. Hindi na alam ni Baldassare ang gagawin. Hinang napahiga na lang siya sa umuusok na lupa. Minsan, gusto na ring mag-give up ni Baldassare. Sana, patayin na lang siya ni Hades para ma-satisfy ito at magkaroon nang kalayaan.

Pero sa tuwing naiisip niya si Maricon, kahit wala na siyang pag-asa sa kalagayan, nagkakaroon siya ng pag-asa. Kahit wala na siyang kawala kay Hades, naiisip pa rin niyang mayroon. Maisip lang si Maricon ay naiisip niyang magiging posible ang mga imposible.

Maybe, that's how Baldassare loves Maricon. Sa tuwing naiisip niya ito, nagkakaroon siya ng motibasyong lumaban. His love for Maricon was like a candle in the midst of darkness and his hope in desperate times.

"Maricon..." anas ni Baldassare at nangilid ang mga luha niya. Damn. This was really the first time he felt so damn lonely. Noong magisa siya sa impyerno at hinahamak ng mga demon, nakaramdam siya ng galit at lungkot pero hindi kasing tindi nang nararamdaman niya ngayon.

At alam ni Baldassare na dahil iba na ang lahat. He was sad because he was too far away from Maricon. Kasabay noon ay matinding pagaalala niya rito. Wala itong nakakasama ngayon sa mundo ng mga tao. What if Hades did something terrible to her? Ah, hindi niya ito mapapatawad!

What he thought made him motivated even more. Bumangon siya at nagkalkal sa mga gamit. Naghanap siya ng puwedeng magamit para maalis ang sumpang nakabalot. Habang naghahanap ay hindi niya mapigilang maluha. Ramdam niya ang kawalang pag-asa pero lumalaban pa rin siya. Para kay Maricon! Gagawin niya ang lahat!

Kung tutuusin ay ascended demon na si Baldassare pero dahil isinumpa siya ni Hades ay hindi siya makaalis. But still! He'll do everything. Kahit ikamatay na niya ang gagawin!

"Shit! There's nothing in here!" desperadong bulalas ni Baldassare. Muntikan na niyang maihagis ang mga gamit pero kumalma lang siya. Kalkal dito, kalkal doon ang ginawa niya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng pagasa.

Think, Baldassare! Think! giit ni Baldassare sa sarili kaya nagisip pa siyang maigi. Hindi nagtagal, napansin niya ang isang itim na booklet na pilas-pilas. Tumalon ang puso niya. Agad niya iyong kinuha at sinuri. Sa pagkakatanda niya ay booklet pa iyon ng ama. Hindi niya iyon gaanong pinapansin dahil ang sabi ni Hades noon ay hindi mahalaga ang mga incantation na nakalagay doon. Ito kasi ang nagturo sa kanya magbasa noon ng Latin. At sa pagkakatanda niya rin ay walang pilas iyon noon!

Nanikip ang dibdib ni Baldassare. Hindi niya napigilang pagisipan ng hindi maganda si Hades. Ito lang ang naiisip niyang kukuha ng mga pages ng booklet dahil ito lang ang nakakaalam noon!

Hindi nagaksaya ng sandali si Baldassare. Dali-dali siyang bumalik sa kaharian ni Hades. Bitbit ang black booklet ng ama. Pigil hiningang pinasok niya iyon ng walang nakakapansin. Binalutan din niya ng sumpa ang sarili para hindi maramdaman ng ibang demon. Bumigat ang pakiramdam niya dahil sa patong-patong na sumpa pero tiiniis niya. Ang mahalaga ay makapasok siya.

Hirap man si Baldassare ay nagawa rin niyang makapasok sa kuwarto ni Hades. Nagtaka siya kung bakit wala ito sa kaharian pero sa huli ay ginamit ni Baldassare ang pagkakataong iyon para mangalkal.

Lahat ng libro ni Hades, hinalungkat niya. Pawisan na siya at kinakabahan pero binilisan pa rin niya ang kilos. Nang walang makita sa kuwarto nito ay nilibot niya ang buong lugar hanggang sa makarating sa basement.

Tumalon ang puso ni Baldassare nang makita ang itim na scroll ni Hades sa gitna noon. Nagiisa lang iyon. Iba ang kutob ni Baldassare kaya minabuti niyang lapitan. Pero hindi pala ganoon kadali ang lahat.

Una'ng hakbang ay nagsilabasan ang mga dog hounds ni Hades. Pula ang mga mata noon at nagsisilabasan ang mga naglalakihang mga pangil. Naglalawa din ang mga laway ng mga ito at alam ni Baldassare na oras makagat siya ng mga iyon ay katapusan na niya. Ang mga laway nila ay naglalaman ng sulfuric acid na kahit isang demon ay walang kawala.

Baldassare fight those dog hounds using his summoning technique. Nagsilabasan ang mga naglalakihang halimaw na walang awang pumisa sa mga asong iyon. Hindi nagtagal ay nawala rin sila.

But the second step was more intense. Lumabas ang isang magiting na halimaw ni Hades. Si Ephiphani. Bigla tuloy niyang naisip na mukhang napakaimportante ng scroll na iyon para pagaksayahan ni Hades ng ganoon karaming bantay.

Gayunman, hinding-hindi pa rin magpapapigil si Baldassare. Ephiphani was like an Egyptian warrior. Malaki ito. Higanteng spirit. Nagtataglay din ito ng kapangyarihan. She could summon an evil spirit and make him attack.

At ganoon nga ang ginawa ni Ephiphani. She summoned dark spirits. Gayunman, agad namang nakagawa ng paraan si Baldassare. Nagsimula na siyang tawagin ang mga naglalakihang fiends. He called his giants too. Mga higanteng kamukha sa movie na Jack, the Giant slayer.

Naglaban ang mga mga ito. Baldassare almost lose his power but at the end, he won. Lagas man ang mga higante niya, nagawa pa rin nilang patayin si Ephiphani. Siguradong lalong magngingitngit si Hades.

At last, he could see what's in that scroll now. Agad na iyong nilapitan ni Baldassare. Nang mahawakan niya iyon ay bigla siyang napasinghap. Ramdam niya ang malakas na puwersa na galing doon.

And the scroll shines. Binuklat niya iyon at lumantad ang mga pahinang magkakatabi. Base sa pilas sa gilid noon ay mukhang galing nga iyon sa black booklet. Napalunok si Baldassare nang makita ang mga curses at incatation. Doon niya nakita ang sumpang iginawad ni Hades. At nandoon din ang latin incantation para ma-break ang spell na iyon!

"Ut gladium linguas execratione maledicta congessit." na ang ibig sabihin ay 'lift up my curse'. Dahil na rin sa tagal niya sa pagbabasa ng mga latin incantation, maning-mani na lang sa kanya iyon ngayon.

At humangin nang pagkalakas-lakas. Dumilim din ang buong paligid. Nagkaroon din ng pagyanig. Napasigaw si Baldassare nang biglang sumikip ang pakiramdam niya. Parang mapipisa na siya. Pero hindi nagtagal, ramdam niya ang kadenang sumisikip sa katawan na bigla na lang napigtal. At kasabay noon ay biglang humangin ng malakas at sumama sa sa hangin. Parang hinigop siya ng isang ipo-ipo!

"Aaaaaaaaaaaaaaaaah!" malakas na sigaw ni Baldassare nang mabilis na liparain patungong Avernus. Bumukas iyon at nasilaw siya sa liwanag.