webnovel

Chapter o8: Campus Prince as a Demon

×××

Panibagong araw na naman para sa akin. Nasa school na ako at naglalakad sa corridor ng makarinig ako ng mga nagsisigawan na mga babae.

Biglang naging blangko ang hitsura ko. Alam ko na kung sino ang pinagkakaguluhan nila. Ang prinsepe na namang si Xian.

Tanaw na tanaw ko ang mokong kasi matangkad s'ya kahit pinalilibutan siya ng mga babae.

Nakatayo lang ito at pilit na kinakausap ang ilan sa mga babae. Halatang naiirita na ito dahil naka busangot na ang mukha niya habang nasa malayo ang tingin.

Nang sundan ko ito. Nakita ko kung anong pinagmamasdan niya sa baba ng building na'to.

Sila pala Farra at Dwayne. Nakatayo ito sa lilim ng puno at masayang nag-uusap.

Nako naman bakit hindi na lamang tigilan ni Xian na guluhin ang dalawa.

Bigla na lamang bumalik ang alaala ng panahong may sinabi sa akin si Xian.

"Tutulungan kita sa kan'ya para layuan na niya iyong babaeng gusto ko"

Napabuntong hininga na lamang ako. Oo nga pala may gusto nga rin 'to kay Farra. 

Hindi ko napansin bumaling na pala ang tingin ni Xian sa akin.

"Alice"

Malamig na tawag nito sa akin. Biglang bumilis iyong tibok ng puso ko. Kaya napalingon ako sa kan'ya.

Kahit magkalayo kami, bakit narinig ko parin ang pagtawag niya sa pangalan ko?

Nakatingin ito sa akin at sininsayan akong sumunod sa kan'ya gamit lang ang kan'yang ulo at tumalikod na para maglakad. Nakasunod naman din ang mga babae sa kan'ya.

Kahit naka kunot ang noo nagawa ko pa naman siyang sundan ng tahimik.

Huminto na si Xian sa paglalakad kaya gano'n din ako. May sinabi siya sa mga babaeng sumusunod sa kan'ya at ilang sandali nagsialisan na ang mga babae habang kilig na kilig itong nagpaalam kay Xian.

Nang kami na lamang dalawa tumingin muli siya sa akin at lumapit.

"Simulan mo ng sirain ang samahan ng dalawa"

Sabi nito sa akin. Napa urong pa ako palayo sa kan'ya.

Ano! Sisirain! Nahihibang na ba siya? Hindi ko alam na ganito niya ka gusto si Farra na kulang na lang isipin kong isa s'yang psycho.

"Inuutusan mo ba ako? A-ayoko nga!"

Sagot ko sa kan'ya. Aakmang aalis na ako ng bigla niya kong pigilan sa braso.

Hinarap niya ako sa kan'ya. Saktong nagtama ang mga tingin namin. Napaka lamig ng mga tingin na iyon na minsan ko lang makita kung dalawa lang kami.

Ito ang totoong emotion niya ang totoong siya. Bakit kaya naging campus prince ito?

May dahilan ba ang pagiging campus prince niya?

"Hindi ko hahayaan na talikuran mo ako. Mawawalan ng saysay ang lahat ng pinaghirapan ko pag hindi mo nagawa ang nais ko"

Sabi nito sa akin. Napa impit pa ako sa sakit ng humigpit ang kamay niya sa braso ko.

Sa subrang sakit napa ungol ako. Parang wala naman din siyang pake alam kaya sinapal ko siya ng malakas sa pisngi na kinabigla niya at napabitaw na lamang sa braso ko.

"Hindi ko hahayaan na paghiwalayin mo sila! Hindi ako sasapi sa kasamaan mo! Isa kang demonyo!"

Sigaw ko at tumakbo na palayo sa kan'ya. Iniwan ko siya doon na walang emosyon.

Bahala siya sa buhay niya hindi ko siya tutulungan sa binabalak niya. Pag pinipilit pa niyang sirain ang pagsasamahan nila Dwayne at Farra talagang ako ang makakalaban niya.

"Alice"

Nang may tumawag sa pangalan ko biglang bumalik ang ulirat ko at napalingon sa tumawag.

Subrang saya nito habang palapit ito sa akin.

"D-dwayne ikaw pala"

Pilit kong ngiti at humarap sa kan'ya.

"Oo ako nga, alam mo may eku-kwento ako sa'yo mamaya"

Sabi nito sa akin at hinila na ako para maglakad kami para sabay pumasok ng room.

"Ano ba iyon?"

Sabi ko habang nakayuko at nasa paa ang atensyon.

"Alam mo pakiramdam ko malapit ko ng ma pa oo si Farra"

Masayang sabi nito sa akin. Napa lingon tuloy ako ng hindi oras sa kan'ya.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Tanong ko. Ngumiti muna ito sa akin bago sumagot.

"Nanliligaw ako sa kan'ya at masaya akong naging worth it lahat ng ginawa ko"

Sabi nito sa akin. Umiwas ako ng tingin.

Kung nanliligaw na siya kay Farra paano naman si Xian?

Hindi ko pa alam ang k'wento ng tatlong 'to kahit noong childhood namin 'di ko matandaan. Aish! Bakit ganito?!

Napalingon na lamang ako ng mapansin kong napabuntong hininga siya.

"Kahit gano'n na nanligaw na ako bakit hindi ko parin siya ma pa sagot. Alice may kulang pa ba?"

Malungkot na nitong tanong sa akin. Hindi ako maka sagot. Parang nawalan ako ng busis sa nakikita kong subrang nasasaktan ang damdamin ni Dwayne ngayon.

"Alice sa tingin mo may hinihintay kaya siya?"

Napa tigil ako sa paglalakad sa sinabi niya.

Hinihintay? 

Nanlaki na lamang ang mata ko ng may bigla akong napagtanto.

Hindi kaya si Xian ang hinihintay niya? May gusto ba si Farra kay Xian pero paano si Dwayne?

Pariho kaming napatahimik dalawa. 

Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na at pariho sila ni Dwayne at Xian na nagkagusto sa isang babae.

Aish! Sumasakit ang ulo ko. Ano bang dapat kong gawin. Hindi ko nga alam kung bakit napunta ako sa sitwasyon na ganito.

Grrr! Kasalanan ito ni Xian ang prinsepeng iyon.

"Alice p'wede mo ba akong tulungan kay Farra?"

Sabi nito sa akin kaya napalingon ako sa kan'ya. 

Tulong? P'wede ko bang tulungan si Dwayne?

Biglang lumabas sa alaala ko si Xian kaya napaiwas ako ng tingin kay Dwayne.

Nasa komplekadong sitwasyon ako ngayon kung saan dalawang lalaki ang humihingi ng tulong sa akin. Kamusta naman ang konsensya ko sa dalawang 'to?! Nalilito ako kung sino ang papanigan ko, si Dwayne ba o si Xian?

Gusto ng sumabog ng utak ko. Kaibigan ko si Dwayne hindi ko dapat siya baliwalain pero si Xian.

"Sige tutulungan kita, ano ba iyon?"

I make up my mind. Mas pipiliin kong tulungan si Dwayne kisa kay Xian.

Nang marinig niya ang sinabi ko bigla siyang natuwa kaya napayakap ito sa akin.

Bigla tuloy akong pinamulahan ng pisngi. Ang bango niya. Alam kong gusto ko siya pero hindi niya deserve ang katulad ko. Mas gugustuhin kong mag katuluyan silang Farra na kaibigan ko rin.

Bagay na bagay silang dalawa. Parihong gwapo at maganda. Mabait din silang pariho. 'Di tulad ni Xian na masama ang ugali di bagay kay Farra.