×××
ALICE P.O.V
Ilang araw na pero binabagabag parin ako ng mga malabong alaala. Hindi ko alam kung sino ang lalaki na nasa alaala ko. Pag pinipilit kong alalahanin kung sino ang taong ito ay biglang sumasakit ang ulo ko, na kulang nalang gusto kong sumigaw sa sobrang sakit.
Buti nalang may gamot na pain relever kaya hindi na muli sumasakit ang ulo ko. May mga gamot naman ako sa ulo para bumalik ang alaala ko kaya nga lang napaka labo ng image para maalala ko kung sino ang lumalabas sa utak ko.
Kasalukuyan ako na nasa klase at naka upo sa desk habang nag d-discuss ang professor namin. Pero itong utak ko ang layo ng iniisip. Ang dami ko ng iniisip dahil sa mga alaala na laging lumalabas sa utak ko. Hindi ako mapakali, gusto kong malaman kung sino ang lalaking lage na nasa alaala ko.
Merong masayang alaala at meron ding masakit pero feeling ko ako ang may kasalanan. Lumabas sa alaala ko na nakipag hiwalay ako do'n sa lalaki.
Napa buntong hininga ako at napa tukod na lamang ng siko sa sariling desk habang ang kamay ay nasa pisnge na napa tingin sa kisame.
Gusto ko tuloy mag sorry sa lalaking iyon. Ang alam ko boyfriend ko siya dahil nakita ko sa alaala ko na nag hiwalay kami pero hindi ko maalala kung ano talaga ang dahilan ng break up namin.
"Alice!"
Tapik ng kung sino dahilan ng bumalik ako sa sarili. Pag tingin ko si Dwayne at kasama nito si Zkei na naka sandal sa desk at naka halokipkip ang kamay naka poker face na naka tingin sa'kin.
Nilibot ko ang tingin ko sa buong classroom at kami nalang tatlo ang tao.
"Tika nasa'n ang mga kaklase ko? 'tsaka bakit kayo nandito?"
Takang tanong ko sa kanila.
"Hindi mo ba napansin lunch time na. Kanina pa walang tao rito"
Naka simangot na sabi ni Dwayne. Napa kamot na lamang ako sa pisnge dahil sa pagkailang at pagkahiya.
"G-gano'n ba sorry, hindi ko napansin"
"Siguro dahil ang layo ng iniisip mo, kanina ka na rin namin tinatawag mukha kang estatwa"
"Tsk! Ang dami niyong sinasabi puwede na ba tayong kumain? Kanina pa ako gutom"
Reklamo ni Zkei. Napa iling naman din si Dwayne sa kaniya at hinarap siya.
"Kung mauna ka nalang kaya. Nag uusap pa kami"
Masungit na pagkakasabi ni Dwayne. Sinamaan naman siya ng tingin ni Zkei.
"Asa ka! Alice tara na, iwan natin 'tong kolokoy na'to. Gutom ka na rin ngayon hindi ba?"
Tanong nito sa akin at hinawakan ang kamay ko para umalis na. Tumango na lamang ako sa sinagot niya.
Kaya lang biglang hinawakan ni Dwayne ang kabila kong kamay kaya napa tingin kaming pariho ni Zkei kay Dwayne.
"Bastos ka ah! Nag uusap pa nga kami gan'yan kana umasta!"
Sigaw ni Dwayne at humarap ito sa akin.
"Alice sa'kin kana sumama ililibre kita ng kahit anong gusto mo. Basta hindi natin siya kasama!"
Sabi ni Dwayne at itinuro si Zkei sa malakas na boses at hinila ako palapit sa kan'ya kaya lang hawak ni Zkei ang kabila kong kamay. Parang silang nag t-tug of war at ako ang tali sa pagitan nila. Nagkakasamaan na rin sila ng tingin habang hila-hila nila ako. Pakiramdam ko mapipigtas na ang mga kamay ko sa mga pagkakahila nila sa akin.
"T-tika lang nasasaktan na 'ko"
Sabi ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.
"Bitawan mo si Alice!"
Mariin na sabi ni Zkei.
"Bakit ko naman bibitawan hindi naman din siya sa'yo"
Pang aasar ni Dwayne. Nagkakainitan na ata ang dalawa ngayon.
"Please bitawan niyo na ako"
Reklamo ko pero ayaw parin ako pakinggan.
"Sabi ng bitawan mo siya!"
Malakas na boses na sabi ni Zkei. Parang galit na ito dahil sa pag igting ng panga niya habang naka tingin kay Dwayne. Habang si Dwayne naman kalmado lang pero nababakas sa hitsura niya na nag e-enjoy ito na makita si Zkei na naasar.
"Ikaw ang bumitaw. Sino ka para utusan ako? Sa akin sasama si Alice"
"Gusto mo ba ng gulo! Bitaw!"
Sigaw na ni Zkei namumula na ito sa galit. Natatakot na ako.
"Bitawan mo na ako Dwayne, galit na si Zkei"
Sabi ko habang naka tingin kay Dwayne, pero si Dwayne naka ngisi lang na naka tingin kay Zkei. Alam kong inaasar niya lang ito pero somu-sobra na si Dwayne.
"Pag hindi ka bumitaw pag sisihan mo ito"
Pag babanta ni Zkei. Nang marinig ito ni Dwayne bigla niyang binitawan ang kamay ko at napa taas na lamang ng dalawang kamay na parang sumusuko.
"Woah! Woah! Chill lang Zkei inaasar lang kita"
Pag aamin ni Dwayne. Inismiran lang siya ni Zkei at tuluyan na akong hinila papunta ng Canteen.
Habang nag lalakad kami ni Zkei sa corridor tinignan ko siya sa mukha. Salubong ang mga kilay niya habang deretso ang tingin sa daan.
"Ayoko talagang umaaligid siya sa'yo. Sobrang hadlang niya sa relasyon natin"
Wala sa sariling sabi niya. Napa kunot naman ang noo ko sa pag tataka.
"Relasyon? Anong ibig mong sabihin?"
Tanong ko. Napa tingin naman din siya sa akin at huminto sa paglalakad. Habang naka titig siya sa mga mata ko napapa urong ako hanggang sa nabangga ako sa pader. Bigla naman din niya akong kinorner sa pader gamit ang dalawa niyang kamay.
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kakaiba ang tibok. Hindi kaba kundi parang may feelings akong nararamdaman sa kan'ya.
"Sino ka ba talaga? Bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo?"
Naka titig na sabi ko sa kan'ya. Naka yuko ito sa akin at pinagmasdan akong mabuti. Hanggang balikat niya lang ako.
"Hindi ko masasabi sa'yo pero pag may naalala kana, do'n mo lang malalaman kong sino talaga ako"
"Bakit kailangan ko pang alalahanin? Bakit hindi mo nalang sabihin sa'kin?"
Sabi ko habang deretsong naka tingin sa kan'ya. Napa buntong hininga naman din siya.
"Alam kong matagal mo na akong kilala. Pero bakit hindi ka magpa kilala sa'kin? Magpaka totoo ka sino ka ba talaga?"
Dugtong kong sabi.
"Hindi pa ngayon ang oras, pero umaasa akong makilala mo rin ako. Kaya sana Alice kong may mga naalala ka sabihin mo sa'kin"
Sabi niya habang hawak ang mga kamay ko. Hinawi ko ito sa inis. Naiinis ako dahil ayaw pa niya sabihin. Ano ba ang kinatatakot niya dahil pa sa kondisyon ko? Ano naman ngayon kung sumakit ng sobra ang ulo ko, basta bumalik lang ang alaala ko.
"Huwag na, hindi ko na kailangan malaman. Kung ayaw mo namang sabihin hindi na kita pipilitin. Tutuklasin ko nalang sa sarili ko. Pag may naalala man ako hindi ko sa'yo sasabihin!"
Masungit na pagkakasabi ko at umalis sa harap niya.
Sinundan naman din niya ako ng tingin.
"Galit ka ba?"
Sigaw nito. Hindi ko siya pinansin at dere-deretso lang na naglakad papunta mag-isa sa Canteen. Bahala siya, sana pala kay Dwayne nalang ako sumama may libre pa akong pagkain. Hays! Pag kasama ko iyong lalaking iyon kung ano-anong mga pakiramdam ang nararamdaman ko na hindi ko lubos maintindihan. Mukha akong mababaliw na ewan.
-- --
DWAYNE P.O.V
Lumabas na ako sa pagkakatago sa likod ng locker nang matapos nilang mag usap dalawa ni Alice. Nilapitan ko naman agad si Xian na ngayon ay napansin akong dumating at lumapit sa kan'ya.
"Kaya ba hindi mo masabi-sabi ang gusto mong sabihin dahil una pa lang alam mo nang nagmamasid ako sa inyo"
Naka ngisi kong sabi habang bitbit ang bag ko. Sinukbit ko ito sa isang balikat ko at naka pamulsa naman ang isang kamay ko.
Humarap siya sa akin at pinanliitan ako ng mata na parang nanggigil na sabay turo sa pagmumukha ko.
"Alam mo sagabal ka talaga sa amin ni Alice. Puwede ba huwag ka ng maki alam sa aming dalawa?"
Malakas na boses na pagkakasabi nito.
"Kaibigan ako ni Alice, magtataka siya kung bakit bigla nalang ako mawawala sa buhay niya. 'tsaka ako lang ang kilala niyang kaibigan pag nawala ako anong gagawin mo? Ang tingin lang naman sa'yo ngayon ni Alice kaibigan, at kaya ka niya pina-kikisamahan ay dahil sa akin"
Pang aasar kong sabi sa kan'ya dahilan ng sinamaan niya ako ng tingin napansin ko rin na nag igting ang panga niya sa inis.
"Pa salamat ka at kaya kong tiisin ngayon ang lahat para kay Alice, pero pag sa susunod na maalala na niya ako, umalis kana sa buhay ni Alice"
Pag babanta nito sa akin napa ngisi naman ako at mas lalo siyang nilapitan. Naghahamon ako ng away sa kan'ya.
"Depende nalang kay Alice, kase kahit kailan hindi ako susunod sa mga pinagsasabi mo. Boy best friend at ex boyfriend nalang ang labanan natin dito kaya good luck sa'yo"
Sabi ko at tinapik ang balikat niya. Aakmang aalis na sana ako ng magsalita siya.
"Ito ba ang gusto mo? Sige pag bibigyan kita. Ganito, pag naalala ako ni Alice umalis kana sa buhay niya"
Hamon nito sa akin. Napa iling ako at napa lingon sa kan'ya na naka pamulsa.
"Paano naman kung hindi ka niya maalala? Ikaw ba ang aalis sa buhay niya? Okay, deal. One month, pag one month na hindi ka parin niya maalala umalis kana sa buhay niya"
Pagbabanta ko sa kan'ya. Hindi niya ata na isip iyon kaya napa lunok siya ng laway sa kaba. Parang hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon sa kaniya.
"Ano aatras ka ba sa hamon mo sa'kin o baka nahihirapan ka? Naghahamon ka pero takot ka rin pala sa mga sinasabi mo"
Asar ko sa kan'ya habang may mapang asar na ngisi. Dahil sa inis niya kwenelyohan niya ako habang masama at nakaka matay na mga tingin niya sa akin. Hindi naman ako natinag at naka tingin lang sa kaniya ng deretso.
"Bilang Campus Prince hindi kita uurungan. Deal, panghahawakan natin ang mga sinasabi natin ngayon basta wala na 'tong atrasan; iyak ang matatalo; dahil sigurado akong ako ang maaalala ni Alice"
Confident na sabi nito. Nag kibit balikat lang ako habang naka ngiwe.
"Sabi mo eh. Dahil alam ko sa sarili ko hindi mangyayare iyon. Basta ang usapan natin hindi mo sasabihin sa kaniya kung sino ka talaga. Hayaan natin si Alice na kusang alalahanin ka"
Sabi ko sa kaniya. Bakas sa mukha niya iyong kaba pero wala na siyang magagawa napag usapan na namin 'to ngayon at wala ng bawian.
"Deal, may tiwala naman ako sa pagmamahal sa akin ni Alice, maaalala niya rin ako kahit hindi na abutin ng ilang buwan"
Napa ngisi ako.
"Sabi mo eh, ngayon na natin 'to simulan. Good luck"
Sabi ko at nilagpasan na siya para sundan na si Alice sa Canteen baka kumain na iyon ng mag-isa.
Pero ng pumasok ako sa Canteen at hinanap siya hindi ko siya makita. Tika? Nasaan ba iyon nagpunta?
Habang hinahanap ko si Alice maraming naka tingin sa akin at pinag bu-bulungan ako.
"O.M.G! Hindi ba si Asher Dwayne Barientos iyan? Ang guwapo niya pala talaga"
"Oo nga girl! Ang alam ko basketball player siya no'ng high school. Kung do'n lang sana ako nag-aral dati; baka naging boyfriend ko na siya. Napaka pogi~ kini-kilig ako!"
"Ay basta ako kay Xian Yzkeil Perez, sobrang guwapo nun! Campus Prince; kinahuhumalingan ng maraming babae! Pati ngayon grabe gusto siyang gawing boyfriend. Kaya lang ang pagkaka alam ko masungit"
Rinig ko sa paligid dito sa Canteen. Napa iling na lamang ako hanggang sa nag simulang mag tilian ang mga kababaihan dito sa canteen.
"Kyaaah~ nandito na iyong isang pogi!"
Tili na sigaw ng isang babae kaya nag sitakbuhan agad na ang napakaraming babae nang makita si Zkei para lapitan ito; nang maka pasok ito sa loob ng canteen ay pinalilibutan agad siya ng mga ito, kaya nag simulang mairita si Zkei at umalis sa mga naka palibot na mga babae.
Mukhang hindi siya interesado at hindi pinansin ang mga babaeng nagkaka gusto sa kaniya. Samantalang ako chill lang. May nagkaka gusto naman sa akin pero ni r-reject ko agad pero madalas may palihim talagang sumusunod sa'kin kung saan man ako mag punta, hinahayaan ko nalang kase alam kong mag sasawa at mapapagod rin ang mga gano'ng babae.
Napansin ko si Zkei na nilibot ang buong paningin sa loob ng sulok ng Canteen na ito, si Alice rin ang hinahanap. Nang namataan niya ako agad siyang lumapit sa akin. Sinundan naman siya ng tingin ng mga babae at kini-kilig parin kahit wala namang ginagawa si Zkei. Grabe talaga ang charisma ng lalaking ito.
"Nasa'n si Alice? Bakit hindi ko siya makita?"
Nag aalalang tanong nito sa akin.
"Bakit ako tina-tanong mo? Kakarating ko lang din dito"
Sagot ko sa kan'ya. Palihim naman din siyang napa mura at hindi alam kung saan hahanapin si Alice sa laki ng University na ito.
"Hinahanap niyo ba iyong pangit na weirdo kung manamit na may salamin sa mata na mukhang pang 80's ang fashion? Sorry ha pero hindi kase kami basta-basta nag pa-papasok ng mga hindi namin ka level"
Masungit na sabi nung babae sa amin ng mapansin niyang iyon ang hinahanap namin.
Pinanliitan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya tungkol kay Alice.
"Buweset ka ah! Anong karapatan mong laitin si Alice! Matoto ka naman tumingin nang maigi sa salamin. Mukha kang unggoy na hindi na nag evolve. Pangit ka pa sa pangit!"
Sabi ni Zkei. Na bigla ako pati iyong babaeng nilait niya. Grabe pati babae pa-patulan niya? Hindi talaga ito pumipili ng mga makakalaban niya pagdating kay Alice.
"Tama na iyan, babae kina-kalaban mo"
Awat ko kay Zkei pero hindi ito nagpapaawat at nilapitan iyong babae.
"Kaya niyo pala siya pinaalis kase mga pangit na tulad mo lang ang kumakain sa Canteen. Tandaan mo maganda si Alice, natural beauty hindi tulad niyo na mukhang espasol sa sobrang puti ng mukha hindi na pumantay sa leeg! Mga hipon! Laitin mo lang siya ulit at ako ang makakalaban mo"
Pananakot nito sa babae at umalis na sa Canteen. Nang maka alis si Zkei bigla nalang umiyak iyong babae dahilan ng humingi agad ako ng pasensya habang pinapatahan ito.
Napa subo pa tuloy ako dahil sa kagagawan ng lalaking iyon.
Alam kong nagalit rin ako sa sinabi ng babae pero may mataas naman akong pasensya kaya hindi ko nagagawa iyon katulad nalang nang ginawa ni Zkei sa babae. Siguro kailangan ko turuan ng magandang attitude ang lalaking iyon para bumait naman ng kaunti.
Sobrang haba na no'ng sungay nun eh, abot langit.
Kaysa tumayo na lamang ako rito sinundan ko nalang si Zkei kung saan ko man siya nakitang dumaan. Hindi ako papayag na solohin niya si Alice sa ganitong setwasyon.
Hinahanap ko rin si Alice hanggang sa nakita ko siya sa lilim ng isang puno. Naka upo ito sa damuhan at katabi nito si Zkei.
Habang pinagmamasdan ko sila hindi ko maiwasang hindi masaktan. Nag seselos ako. Pero alam ko naman sa sarili ko na wala na akong puwang sa puso ni Alice dahil may Zkei nang nag mamay-ari ng puso niya. Ang tingin na lamang nito sa akin ay isang kaibigan. Aaminin ko gusto kong sumagi rin sa isip ko na magpaka traydor at linlangin si Alice na ako ang lalaking nasa alaala niya pero hindi ko magawa. Natatakot ako na balang araw baka maka alala siya at malaman niyang nag si-sinungaling ako.
Ayokong mangyare iyon— na magalit siya sa'kin at kamuhian ako. Pero gagawin ko ang lahat para kay Alice, at ang kailangan ko lang gawin ay ang mapasaya siya. Baka pag napasaya ko siya may tyansang magustuhan niya rin ako. Wala namang masama roon 'di ba? Ang mangarap at gawin ang mga iyon na walang bahid na pagka traydor. Depende na kay Alice kung ano ang mga nararamdaman niya? Kase ako, naghihintay akong sabihin niya na gusto niya rin ako. Na ako na ang mahal niya.
Nagparaya ako pero hindi ibig sabihin nun na mawawalan na ako ng pag-asa na pipiliin din ako balang araw ni Alice. Break naman din sila ni Zkei kaya hindi masama ang mga ginagawa ko.
Pero sa kabilang banda pakiramdam ko sagabal ako sa kanilang dalawa. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Tapos na silang dalawa at para sa'kin ang dating magka relasyon kapag nasira hindi na maaring magka-ayos pa. Pero kung pagdating naman sa true love walang imposible.
Makakaya ko kayang lagpasan si Zkei sa puso ni Alice?
Kaya ko bang palitan ang nararamdaman ni Alice para kay Zkei?
Ang daming tanong na pumapasok sa isipan ko na walang ka siguradohan na sagot. Alam kong masama kalabanin ang taong nag mamahalan. Sabihin na nang lahat na kuntrabida ako pero masisisi niyo ba ang isang tulad ko na nagmahal lang sa isang babaeng hindi naman ka gandahan?
Inaamin ko nakaka baliw ang totoong pag-ibig kahit ano man ang hitsura nito ay wala kang paki alam. Kahit maging kontrabida ka man sa paningin ng iba ang nasa isip mo lang ay mapa-sayo siya.
Hindi ba baliw na ako? Baliw na baliw na ako kay Alice. Pero aware naman ako sa setwasyon na meron ako at sa mga taong nasa paligid ko. Hindi pa ako sinobra sa pagka baliw tulad ng ginawa ni Farra na halos ma-patay na niya si Alice sa sobrang selos.
Hindi pa ako gano'n. Kaya ko pang kontrolin ang sarili ko, may presepyo parin ako na natira sa sarili ko 10% nga lang pero okay na iyon. Kailangan kong maging matatag pag nangyaring maka alala na si Alice.
Pang hahawakan ko ang deal na sinabi sa akin ni Zkei kanina dahil iyon na lamang ang pag asa ko na mapasa-akin si Alice.
Alam kong masama pero wala na akong pake alam. Pag dating sa pagmamahal wala na akong pake alam sa kung anong sasabihin ng iba sa'kin.
Ang para sa'kin lang ay mapasa-akin ang babaeng pinaka-mamahal ko at iyon ay si Alice.
×××
XIAN P.O.V
Nang makita ko si Alice agad ko rin siyang nilapitan. Tumabi ako sa kan'ya dahilan ng magulat siya at walang nagawa na sinundan lang ako ng tingin na umupo sa tabi niya.
"Anong ginagawa mo rito 'tsaka paano mo ko nahanap?"
Tanong nito sa akin at pa simpleng pinahid ang luha na nasa mata at pisnge niya.
Napa buntong hininga ako.
"Binu-bully ka na naman ba?"
Tanong ko sa kan'ya. Hindi niya napigilang mapa-kagat labi para pigilan ang luha niya sabay tumango sa'kin.
"Lage nalang ako kinu-kutya ng mga tao, wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Bakit nila pinapa-kialaman ang buhay ko, akin naman 'to atsaka susuotin ko ang mga bagay na nagpapa komportable sa akin"
Sabi niya. Parang galit ito habang mangiyak-ngiyak na sinabi ang mga salitang iyon.
Hindi ko mapigilang hindi siya yakapin dahilan ng magulat siya.
"Pasensya kana, nahuli ako para ipagtanggol ka"
Paghingi ko ng sorry. Nalulungkot at nasasaktan ako dahil hindi ko magawang protektahan si Alice. Hindi ko alam kung may tama ba akong nagawa sa kan'ya. Pakiramdam ko wala akong nagawang tama sa mga panahon na magkasama kami.
"Sorry Alice kung hindi man sapat ang pagmamahal ko sa'yo. Ito lang ang maka-kaya ko pero pipilitin kong dagdagan para sa'yo"
Wala sa sariling sabi ko dahilan ng tinulak niya ako sa pagkakayakap ko sa kan'ya, para tignan ako ng mabuti habang may pag kunot ang noo niya.
"A-anong sabi mo?"
Hindi maka-paniwalang tanong niya dahilan ng mapagtanto kong narinig niya ang sinabi ko.
"Wala guni-guni mo lang ang narinig mo"
Pagtanggi ko.
"Pero narinig ko ang pangalan ko?"
Tanong niya na may pagkunot pa ng noo.
"Baka hinahanap ka na ni Asher. Tara na kumain na Lang tayo sa Canteen"
Yaya ko sa kaniya pero napa simangot siya.
"Ayoko do'n dito nalang ako"
Malungkot na sabi niya. Napa tahimik naman din ako.
"Dito ka lang bibili ako ng makakain natin"
Malamig kong sabi at tumayo na sa damuhan. Sinundan naman din niya ako ng tingin.
"Sigurado ka ba d'yan?"
Tanong niya.
"Sa palagay mo. Hindi ba gutom kana? Papakainin kita. Ayokong nagugutom ang... Mahal ko"
Bulong ko sa huling sinabi at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko namumula ang pisnge ko at tenga ko.
"Anong sabi mo?"
Tanong niya.
"Wala"
At mabilis na umalis para maglakad at bumili ng pagkain namin.