webnovel

Reminiscent

Marceline's Point of View

Everything went back to normal as what I thought it would be. Wala pang isang araw ay nagbago na agad ang pikikitungo nila sa akin. Hindi na hatred ang aking mga naririnig kundi guilts na. I even heard them saying "sorry" to me. I can't blame their change of heart. Ako rin naman nagulat sa nakita ko sa screen kahit na nasaksihan na iyon ng sarili kong mga mata.

Napaka-laki ng impact ng ginawa ng nasa tabi ko ngayon, he just revealed a shocking truth in every single corner of the Academy.

Pinatawag kami ng councilor para pag-usapan ang kawindang-windang na ginawa nitong si Thorn.

"Why did you do that Mr. Acheron?" The councilor's question made Thorn stopped from what he's doing, looking at the floor.

"Did you just asked me why?" rinig sa boses niya ang pagkainis. Marahil mainit ang dugo nya sa councilor o ayaw lang talaga n'yang sagutin 'yon.

Bumuntong-hininga ang kaharap naming opisyal ng school. Ano bang laban niya sa anak ng may-ari ng eskwelahang ito? Maliban sa ang ama ni Thorn ang nagpapasweldo sa kanya may chance na kung bampira siya, kaharap niya ngayon ang anak ng hari which is ang Prinsipe ng kanilang uri.

Hindi na humaba pa ang pinag-usapan dahil the main topic was only the reason why Thorn did it? Hindi siya sumagot. Nang ako ang tanungin sinabi kong even me, doesn't have any idea. Sana'y pinanindigan na lang niya ang pagiging wala n'yang pakialam sa akin. That's much appreciated.

Pumunta ako sa practice room ng fencing para magbihis, basa pa rin ang damit ko kahit sandali lang namalagi ang ulan.

Bumungad sa akin ang naglalaban na dalawang nakaprotective clothing, hinanap ng aking mata si Ian, ngunit wala siya.

May mga bumati sa aking kakilala bago ako pumasok sa locker room. Naayos agad ang nasirang pinto sa shower room, kakaiba talaga ang Larrson.

The door reminded of what happened last last night.

Kampante na akong wala ng mangyayari sa akin. Naligo ako at saka nagbihis ng panibagong damit. Dito lang ako mayroong ekstrang damit kaya wala akong choice kundi rito mag-bihis.

Paglabas ko ng locker room. Si Ian agad ang unang nakita ng mata ko, I tried to ignore his presence but it'll be too unrespectful. Siya ang aming trainer kaya wala akong naging pagpipiliin nang tawagin niya ang pangalan ko't tanungin.

"Magpapractice ka ba ngayon, Haven?" ang tanong niya. Hindi ko siya matingnan sa mata dahil naalala ko ang kasinungalingan mga sinabi niya sa kaniyang testimonya.

"Nagbihis lamang ako at aalis din. I don't think I can practice later," Ayoko lang talagang magtagal doon dahil pakiramdam ko nasa impyerno ako.

I was already halfway on leaving the room but Ian grabbed my arm.

"Celine, let's talk, alone," bulong niya. Kahit na ayoko. Nagpumilit siya kaya pinagbigyan ko na rin. Gusto ko ring dinggin ang reason niya. Why he did it, for what or for whom?

Sa meeting room kami pumunta walang tao roon, tanging kami lang dalawa.

I looked at him but he's not looking at me. Nakatingin siya sa sahig at anytime mukhang iiyak na.

What he did next wasn't expected. Lumuhod siya sa aking harapan at hinawakan ang aking kamay.

"I'm sorry, Celine. Natakot lang ako. Natakot lang akong saktan niya si Carys," His words sound sincere. Talagang tunog makatotoohan. Ganito rin ba ang tono ng kaniyang boses ng mag kunyaring witness? At anong koneksyon ng kambal ni Anais dito?

"Bakit nasama si Carys dito?"

Tiningala niya ako, looking at my eyes with a meaningful look. Napalunok tuloy ako. "I love Carys," nagulantang ako sa kaniyang sinabi. Mahal niya ang babaeng iyon? "Anais told me. Kung hindi ko siya tutulungang gumawa ng pekeng testimonya, sasaktan n'ya ang kambal n'ya."

Ganoon ba kademonyo ang mukhang anghel na si Anais para pati ang kambal nito, ang kasama niya habang wala pa siya sa mundong ito ay kaya niyang saktan?

"And you believed her?" I asked him. Napababa muli s'ya nang tingin sa sahig.

"Mayroon ba akong pagpipilian? Hindi ko na nga kayang mahalin ng sigawan si Carys, ako pa ang magiging dahilan kapag nasaktan siya? Kung hindi ko sinunod si Anais, pagsisisihan ko iyon. Iyon na lang ang kaya kong gawin sa taong mahal ko, ang mailigtas siya kahit na mali ang paraan," he did it for the sake of the person he loves. That's an act of true love but one sided.

Tinanggap ko ang pag-sorry ni Ian. Naintindihan ko siya. Kung ako rin naman, kung ang mahal ko ang nakarisk gagawin ko ang kahit na anong ipagawa sa akin ng isang tao.

Ang hindi ko lang maintindihan ay si Anais. Why did she did all of those? Binalaan niya pa si Ian na sasaktan ang sarili niyang kapatid kapag hindi siya nito tinulungan.

Lunch ngayon at kasama ko si Seer and Malcolm. Buntot nang buntot ang lalaking 'to. Do I have a choice? Kahit na ipagtabuyan ko siya kumukusa pa rin siyang bumalik sa akin.

While eating hindi mawawala ang bulungan sa lahat ng dumadaan. I'd just endure it. Pansamantala lang naman ang isyung ito, I bet after a week makakalimot na sila.

"Mga wala ba silang sariling buhay kaya ang isyu ninyo ni Anais ang pinakakaabalahan nila?" tanong ni Seer habang humihigop sa straw ng kanyang milkshake.

"Hayaan mo na sila, ngayon lang 'yan, maglalaho ring parang bula ang isyung ito."

She nodded. "You're right. Kung gaano ito kumalat na parang apoy, maglalaho rin itong parang bula. Anyway, kamusta na ba si Anais? Kailan kaya babalik ang bruhang 'yon."

"Nasa ospital pa rin siya. Sha, noong isang araw lang siya tumalon sa second floor," ekstra ni Malcolm na kasama nga pala namin. Hindi kasi siya kumikibo. Unusual of him but it's actually him, him calling names. May tawag na rin pala siya kay Seer, let's see kung mahandle niya ang umaapoy na ilong ng kaibigan ko.

Sinamaan ng tingin ni Seer ang aking katabi at saka inirapan. Bubugahan niya sana ng apoy si Malcolm ngunit biglang nag-alarm ang kaniyang relos hudyat na time na para pumunta siya sa kaniyang next subject. Habang kaming dalawa vaccant ang susunod na klase.

"Tell me, sa tingin mo bakit tumalon si Anais from 2nd floor lang? Bakit hindi sa rooftop?" napatingin ako sa kasabay ko ngayong maglakad na si Malcolm. "Just simply because, she's scared to die, well, hindi naman siya agad mamamatay sa simpleng pagtalon dahil she's a vampire," napatigil ako sa huli niyang sinabing pabulong lamang.

"Oh, anong nangyari sayo?" napatigil din siya't tiningnan akong may bahid ng pag-aalala.

"She's like us?" I asked, wala siyang hesitasyong tumango.

Hindi na dapat ako magulat pa pero wala sa itsura ni Anais ang pagiging bampira. Ibig sabihin ba nito'y tinrap niya ako sa isang bagay na hindi siya gaanong masasaktan? Sa aming dalawa ako ang mas masasaktan? Because she's a vampire. Hindi ganoon kasakit ang pakiramdam niya ngayon. Kaya ba binigyan niya pa ako ng smirk? Ang sabi ko iintindihin ko siya kahit na akong mangyari but I don't think I still can.

"Why did you fúcking tell him."

"Bakit ka nag-sumbong!"

"The heck. Do I look like fine to you? Alam mo ba kung anong sinabi niya sa akin? Fúck!"

"He said, he'll kill me. Should I kill you first?"

"No. I shouldn't kill you now. Papatayin niya ako 'pag nalaman niya. I should hurt you little by little until you die. Am I right?"

Naalala ko ang kaniyang mga sinabi. May namabanta sakaniya. Sino kaya iyon?

"Didn't you know? Hindi ba sinabi sayo ni Thorn?" he asked me as if there is really something important I wasn't aware of. More than Anais being a vampire.

I shook my head. Kung ano man iyon, bakit hindi n'ya sinabi sa akin?

"Candidate ang kambal na Johnsen sa pagiging marked, marami pang iba. Sa pagkakaalam ko ayaw ni Carys dahil may gusto siyang tao," si Gio. I released a breathe, does that mean marami pang bampira sa paligid? More specifically girls? Paano pa kaya kung isasama ang mga lalaking bampira. "Habang si Anais, gustong-gustong maging markado. Unfortunately, the night you met him, ikaw ang hindi niya sinasadyang maging parte niya," we're still talking while sauntering.

Love is really a dangerous thing. Kung ayun man ang dahilan kaya niya nagawa sa akin 'yon at hindi sa may nambanta sa kanya. "Ganun ba kabaliw na baliw si Anais kay Thorn? I can't see anything special about that guy,"

"Ibig mo bang sabihin hindi mo type si Thorn?" napakunot ako sa tanong n'ya.

"Of course not," bulaslas ko.

"I'm glad," bulong niya.

"Ha?" tanong dahil namali ata ako ng dinig.

Itinaas niya ang kaniyang kanang kilay. "Wala," nakangiti siya habang sinasabi iyon. Ang weird niya rin minsan.

Naalala ko ang pag-ligtas sa akin ni Malcolm noong isang gabi. I wasn't able to thank him that night due to the trauma I had.

"Malcolm, salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin. You even broke the door for me. Hindi halatang malakas ka," I was smiling but it faded the moment he stopped from walking and gave me a frown. "Why?" ang tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit naging ganon ang reaksyon niya sa pasasalamat ko.

Nakangiti siya nang sumagot sa akin. "It's not me, Celine. It was Thorn," naestatwa ako. Si Thorn? My eyes trembled in disbelief. I can't believe it.

I thought it's Malcolm, pero si Thorn pala iyon. The jacket. Iyong "You're safe now," it's not him but Thorn.

Nagpaalam sa akin si Malcolm nang may tumawag sa kaniyang phone. Importante raw kaya kinailangan niyang magmadali para imeet ang kaniyang kausap.

Naglalakad ako habang nakatingin sa sementong aking dinadaan dito sa hallway hanggang sa maging kulay berde na ito hudyat na nasa grounds ako.

I really can't believe it.

I was preoccupied by the fact that the knight-in-shining armor I thought wasn't really the one but Thorn Casimir Acheron. Kaya naman hindi ako naging alerto sa aking paligid. Nakalimutang nasa grounds ako which is nag-lalaro ang soccer team, natamaan lang naman ako ng bola na nilalaro nila. Tumama diretso sa aking ulo.

Hinawakan ko ang aking ulo. Kumikirot ito dahil sa sakit.

"Crap, are you okay?" tanong ng isang boses ng lalaki.

Nagawa ko pang tumango kahit sobrang sakit ng aking ulo. "Okay lang ako," the moment I face him, nakita ko na agad ang pagkakamukha nila. "Ansel?" tanong ko.

But, it's impossible. He's already dead. He died 2 years ago. How can a dead person face me and even talk?