webnovel

LADY AKIRA [FILIPINO]

Lady Akira a girl with an abnormality condition. It started when she was younger, being hatred or bashed by your neighbors is not equal. She accept the fact that she's not normal when she burn the house of her Older brother ex. Not until she found a friend.

Enialaqt · Others
Not enough ratings
13 Chs

Charles

Tumakbo ako papasok sa isang butas. Doon ako madalas lumusot at makakalabas ako sa isang likod bahay.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa butas. Rinig na rinig ko parin ang tawag ni mama sa pangalan ko.

Tatakbo na sana ako paalis para makapunta sa park ng makita ko ang babaeng binubuksan ang tangke ng kapitbahay.

Nagtago naman ako para malaman kung anong gagawin nya. Kinilabutan ako ng lumabas sya ng bahay at kinuha ang mga bote na may lamang tubig?pero bat ganon kulay?

Napakamot ako sa ulo at naisip na baka nangiinis lang sya ng kapitbahay. Pero nagulat ako ng ibuhos nya yon. At mas binuhos pa sa kurtina.

Napanguso ako at umalis na baka biglang lumusot si mama at makita ako lagot na. Tinalikuran kona ang bahay at tumakbo papapunta sa park.

Pero may nakita ako nagtitinda ng ice cream! kaya napatakbo ako don at bumili. Maraming nagsidatingan na bata at matanda para bumili.

Inabot ako ng ilang minuto bago makalapit kay kuyang tindero pero napatigil kaming lahat ng magsalita ang bata.

"mommy may usok oh!" ani nya sabay turo sa isang bahay

Hindi ko iyon pinansin at bibili na sana pero biglang may pumutok sa kung saan kaya napatingin kaming lahat. Nasusunog na ung bahay!

Ung bahay nayon. Ung kanina yon ah?ung batang babae binuhusan- hala! napatingin ako sa paligid at humanap ng pulis para isumbong

Nagkakagulo na ang mga tao at katatawag lang daw sa pulis. Napatingin ulit ako sa bahay na nilalamon na ng apoy. Hinanap ko naman ung batang babae at nakita syang nakatingin lang sa nasusunog na bahay.

Naglakad na sya paalis sinundan ko naman. Bawal sya makatakas! papakulong ko sya! bad sya!

Nakarating kami sa park na dapat pupuntahan ko kanina at nakita syang nagsswing lumapit naman ako at natigilan

Ngayon ko lang nakita ang buo nyang muka. Maganda sya, Pero hindi sya mukang mahinhin parang maldita nga eh.

"hoy ikaw" tawag ko sa kanya

Pinilit ko naman magmatapang eh bakit lumambot boses ko?!

Napaturo naman sya sa sarili at tumango ako. Tumingin pa sya sa paligid at nakitang kami lang ang tao ron

"ako?bakit?" tanong nya at lumapit sa akin kaya napaatras ako agad

Bad sya!

"Ikaw ung nagsunog nagbahay nila" ani ko nakita ko namang nagulat sya!

Edi sya nga! Bobo naman nya dapat hindi ganon naging reaksyon nya.

"ako?bakit ako?"

"oo nakita kaya kita, don ako dumadaan sa likod nila para makatakas sa mama ko tapos nakita kita" paliwanag ko sa kanya sunod sunod naman pagkurap nya

Lumapit pa sya sakin kaya umatras ako ulit. Bad sya! bawal ako lumapit sa Bad!

"Takot ka sakin?" tanong nya sinagot ko naman agad

Hindi ako takot sayo! Bata ka lang

"hindi"

"kaya kong sunugin bahay nyo" ka nya kaya nagsalubong kilay kk

"isusumbong kita sa pulis" saad ko nagulat naman sya

Nakita ko namang para syang maiiyak at umiyak na sya. Naguilty naman ako pwede ko naman syang kausapin ng mahusay kaya lumapit ako

"uy sorry na" sabi ko pero todo iwas lang sya

"susum-susumbong moko pulis!" saad nya sabay hikbi

"bad ka kasi" bulong ko kaya mas lalo syang umiyak

"sinaktan nya kuya ko! ayaw ko sakanya!" sigaw nya sakin pero hindi naman pwedeng sinaktan kuya nya sunugan na ng bahay

"ganon?sige hindi na." ani ko para tumigil na sya kakaiyak baka sabihin ng makakita inaaway ko sya

Napatingin naman ako sa hawak kong panyo at nagdalawang isip kung ibibigay yon. 

"hindi na kita susumbong, sorey na. wag kana iyak" saad ko at lumapit para ibigay na ang panyo

"pa-pangit bako umiyak?" tanong nya napailing naman ako agad

Ang Ganda nya.

"maganda ka nga" ani ko at nakita ko namang namula pisngi nya!

"talaga?pogi ka!" saad nya sa akin nakagat ako sa ibabang labi

sabi nung tito ko pagmay crush daw ako pakasalan kona.

"talaga?edi.." hindi kona sana itutuloy kasi nakakahiya

Inaway ko sya eh.

"edi ano?"

"edi bagay tayo" bulong ko

Lumapit sya sa akin pero hindi nako umatras dahil mabait naman sya. Pogi daw ako sabi nya.

"tao tayo diba?" inosenteng tanong nya sakin sa muka

Napayuko naman ako at nakaramdam ng hiya. Bata pa nga sya pero nagulat ako ng mas lumapit sya

At hinalikan ako sa pisngi!

Nagulat ako sa ginawa nya peri agad ring nakabalik ng sabihin nya na

"Oo bagay tayo!" lumiwanag naman muka ko at ngumiti sa kanya

"Charles!" ani ko sabay abot ng kamay

"Akira!" ani nya at nagkamayan kami at saka bumungisngis

Ang lambot ng kamay nya. Balang araw pakakasalan kita.

#

"Good Morning!" bati ko kay Aki ng makapasok ako sa studio

Bakasyon kasi ngayon at napagpasyahan namin na magenroll sa isang dance studio.

Mahilig kasi sumayaw si Aki, kaya sumali din ako. Ayokong naiiwan pagganitong may bago sa buhay nya.

"morning!" bati nya pabalik at sumabit sa braso ko

Sabay pa kaming pumasok sa loob ng studio na nagsanhi ng hiyawan. Sanay na kami kaya natatawa nalang kami

Alam kong alam nyana may gusto ako sa kanya. Pero hindi nyako iniiwasan kada magpapakita ako ng hints o ano kinikiss lang nyako sa pisngi.

"good morning love birds!" bati sa amin ng ibang kasamahan

"ano ba yan?kelan ba official nyan-" napatigil kaming lahat ng pumasok ang instructor namin na may dala dalang projector?

"morning sir!" bati nila at tinulungan pa si sir magkabit

"para san ho yan sir?" tanong ni aki pero ngumis lang ang instructor

"manonod tayo later" napatango nalang kami

Naexcite naman ang iba. Pero sa isang pikit eto kami at nakatunganga lang habang pinapanood ang mga sarili naming nakahubad.

Alam kong may mali kay Aki simula pa lang. Matalino sya at kuryos sa lahat ng bagay. Minsan nga napapaisip akonkung makakakita sya ng multo siguradong babatiin nyapa yon.

Eto kami at nanunuod kay Akira na pinagtatawanan ang instrutor na nagwawala o nababaliw na? Sino ba namang hindi mababaliw?

Kung ano ang sinabi ni Akira bago nya iplay ang mga video ay sya ring mismong lumabas sa video.

Paulit ulit to at parang walang katapusan. Tumingin sa akin si Akira kaya ngumiti ako sa kanya.

Inaasahan ko namang hindi normal ang mangyayari kaya hindi nako nagulat. Pero kahit anong mali sa ginagawa nya hindi parin nagbabago nararamdaman ko para sa kanya.

"hindi ko kayang idelete kaya pinalitan ko nalang HAHAHA"

#

Sa haba ng reklamo ni Rhea sa office ko ay nakay Aki lang ang paningin ko. Ngiting ngiti pa sya hindi naman ako makangiti dahil may ibang tao.

Pinalabas ko muna sya dahil nadidistract ako. Kahit kelan talaga hayz. Accelerated ako kaya sya nagaaral pa at ako nagtratrabho na.

Nagiipon na para samin.

Dagdag mo pang bata pa talaga sya at muka lang matanda dahil matured. Napabuntong hininga nalang ako ng makita si Rhea na nakangisi sa akin

Inimbitahan nyako sa party nila mamayang gabi at may binabalak. Pinaliwanag nya lahat nung una hindi ako makapaniwala ng kinwento sa akin yon ni Akira

Um-oo nalang ako at nakita ko namang natuwa pa sya. Lumapit sya sakin at niyakap pako kaya medyo tinulak ko sya.

Nang makapasok ako sa mansyon ng Presidente nila ay bakas ang saya at excitement sa muka nila. Binati naman nila ako.

Pigil na pigil ang galit ko ng makitang tuwang tuwa sila na makitang bumabagsak si Aki. Hinawakan ko ang bewang nya at umusbong yon ng hiyawan

Pinaakyat na nila kami sa taas pero tumigil kami sa hagdan. Kitang kita ko kung paano sila magulat ng inilabas ni Akira ang juice sa bibig nya.

"Congratulations Guys!" bati nya sa kanila habang naghirap na hirap huminga

Hinarao ko ang muka nya sa akin para halikan sya. Sa ganoong paraan sya bumabalik sa dati.

"Akira"

"I love you Sir Charles"

#

"Charlesss! dapat ba sumuko ako?o gawin ko-" tinakpan ko ang bibig ni aki dahil nagwawala na naman sya

"relax! hindi naman natin alam na andon pala sya. and kung pupunta ka don edi ikaw na nakulong! and i won't allow that!"

"pero charles"

"that's his desicion akira! stop worrying!" sigaw ko sa kanya

Bakit?alam kong may gusto ung Eron sa kanya, Pero hindi ko maisip na andon pala sya sa taas at napanood lahat.

"wtf?! stop worrying? he just arrested! and im here! happy with you?! are you fuckin with me?!" sigaw nya sa muka ko

Masyado naman yatang syang nagpapaapekto don. Bumuntong hininga nalang ako at binitawan sya at naglakad na paalis

Sa ganitong sitwasyon hindi ko sya mapipigilan sa pagpapanic o ano.

"Then go there, akuin mo lahat"

#

Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong malikot sa tabi ko. Pero hindi ako humarap siguradong kukulitin nya lang ako dahil hindi sya makatulog

Papunta kami sa probinsya ko ngayon para magpalamig, hindi naman hinahanap si akira dahil ang sinabi ko ay natrauma sya sa nangyari

Ang alam nila ay hindi sya nakapunta sa party nayon dahil nagkaroon sya ng emergency sa bahay.

Napasara ako ng kamao ng marinig ang sinasambig ng lalaki kay aki. Hindi nalang ako nangialam buhayin nalang nya ung dugo nya.

Napatingin ako sa driver na hindi mapakali at tingin ng tingin sa likod. Mukang gusto ring sumali tsk

After some minutes hindi kona maramdaman ang paghinga ng katabi ko. Naramdaman ko ring lumilat sa kabilang side si Aki.

Napatingin ulit ako sa driver ng makitang nakangisi sya sakin at inaaya ako papunta sa kanya. Tumayo naman ako at naglakad papalapit sa kanya.

"ikaw muna pre, salamat" bulong nya

Drinive ko naman ang bus papunta sa malapit na bangin. Isang brgy lang kasi don ay probinsya na nanamin

Lumipad ang ilang minuto naramdaman kong naglalakad na si Akira. Tumingin naman ako sa kanya at nakitang dala dala nya ang pagnaming dalawa.

Sakto namang malapit na kami.

Binuksan ko ang pinto at walang awang tumayo at hinila sya para tumalon. Nagpagulong gulong kami sa damuhan pero natatawa dahil rinig na rinig ang sigawan ng mga tao ron sa bus.

"I love you Akira"

"I love you too Charles

#

Kitang kita ko kung paano sya tumawa habang nakaharap sa laptop. Sobrang saya nya nitong buong taon.

Hindi tulad dati na parang wala lang ako sa kanya.

Napatingin naman sya sakin

"hey" bati nya

"i love you" kako at tumalikod na

Sa loob ng ilang taon na magkasama kami dito sa probinsya ay nakatutok lang sya sa pagaaral o di kayay sa laptop o pc.

Bantay na Bantay nya si Eron.

"sigurado kana ba?" tanong ko sa kanya habang nasa hapag kainan kami

Mamaya na ang alis nya para pumunta sa Eron na yon.

"yup!" masigla nyang sagot sa akin

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Hindi ko sya mapipigilan pagdating sa ganon. Matagal nya ng gustong makita ng malapitan si Eron.

"ingat ka" bilin ko sa kanya ngumiti lang sya at hinalikan ako sa pisngi

#

Two?Three?Four? Ilang buwan na ba syang hindi umuuwi sa bahay?

Nakita ko lahat, kita kung paano nya hinayaang halikan sya ni Eron. Hinayaan lang nyang maging close at touchy sa kanya si Eron.

Galit ako pero parang wala akong karapatan magalit.

Kitang kita ko lahat sa cctv. Ayaw kong pumunta don at saktan ang sarili. Baka hindi na sya bumalik dito. Baka nagdecide na sya na don nalang kay Eron

"hi eto pala pinabibigay ulit ni mama!" saad ng bagong kapitbahay at binigay sa akin ang isang platito ng ulam

"Thanks Alaine" ani namula naman sya

"Laine nalang medyo formal Alaine eh! Ano ba yan araw araw nalang Charles!" natawa nalang ako

"Salamat idadaan ko mamaya ang lalagyan. Sige na may duty kapa" tumango naman sya

Nurse sya sa isang hospital sa kabilang bayan. Tumalikod nako at pumasok na sa bahay

Hindi nako nagluluto ng lumipat sila dito. Palagi namang may dalang ulam eh. Masarap pa.

"kumain kana ba?" tanong ko

Asa dilim sya ng gilid ng kusina ko. Nakauwi na sya. Naramdaman ko sya kanina ng makapask ako sa kusina

"kumain na." matigas ang boses nya tumango nalang ako

Kumuha ako ng plato at nilagyan ng kanin para kumain ng munggo. Friday pala ngayon.

"welcome back" kako at sumubo ng pagkain

Napatingin ako sa kanya ng lumabas sya sa dilim. Madilim din ang mga mata nya. Naalerto naman ako tumingin sa bintana at nakitang nakasakay na si Alaine sa tricycle.

"hah! keeping her safe?!" tanong nya habang unti unting lumalapit sakin peri tinignan ko lang sya at pinagpatuloy ang pagkain

"can i ask?if you can keep her safe while your sleepin-"

"don't touch her" mariing saad ko sa kanya

Alam kong may namumuo na naman syang kademonyohan sa isip idadamay pa si Alaine.

"Then watch her."

"oh ive been watching her for months" ani ko at sumubo paulit ng pagkain

"while im gone?" sarcastico nyang tanong

"yeah, while your gone"

"you watch her?!"

"yeah, especially when she stayed for months in my house" ika ko

"she stayed here?!"

"yeah"

Niligpit kona ang pinagkainan at agad ring hinugasan. Naramdaman ko namang lumapit sya sakin

"did you two-" tanong nya natawa naman ako

"muntik lang" katapos kong sabihin yon nabasag na ang isang plato

"Tangina mo!" sigaw nya sakin

"what the fuck? what's your problem?! don ka lilinisin ko muna to!" kako at kukuha na sana ng dustpan ng hawakan nyako sa braso

"Putangina ka Charles! nakakainis ka! muntik na?while im gone?ano ba!" sigaw nya

"so what do you want me to do?wait you here?wala akong matanggap na kahit ano tungkol sayo! and you want me to just wait you here?"

"yes!you just need to wait me here" natawa naman ako

"really? I'll wait here while you're there let Eron kissed you?" natigilan naman sya

"are you there?" humina ang boses nya

"no, but the cctv is" napalunok naman sya

Tumalikod nako at kumuha na ng dustpan para linisin ang bubog. Nakita ko namang syang tumakbo paakyat kaya napailing nalang ako

Pumasok ako sa office ko sa bahay para makapagpirma. Sa company ng kapatid ko ako nagtratrabho kaya pwedeng easy easy lang

Napatingin ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Akira sa isang iglap ay nasa harapan kona sya.

"Charles, I'm sorry." ani nya at hinawakan ang isa kong pisngi

"I'm mad now! but ahm... I'm really sorry. Babawi ako! Promise! Hindi nako aalis sa tabi mo ulit!"

"Akira, okay na. Hindi naman ako galit"

"Charles" para na syang iiyak na ewan

"yes? mahaba ung byahe mo magpahinga kana"

"ano ba! hindi narin gumagana pagiyak ko?"

"so you're just acting?"

"hindi eh bakit hindi na! nakakainis ka naman-"

Pinigilan kona sya at hinalikan

"i love you, now stop bubbling for something. Take a rest, I'll be there just an hour" lumambot naman muka nya

"Really?I love you!" ani nya hinila ako para yakapin natawa nalang ako

I really love her, She will not do something stupid if there's not a reason. I know her.

Nagsimula yata yon ng makita ko syang nagbukas ng tangke.

__________

i don't do cringe things asdfhj