webnovel

chapter 1

Ang tunay na pag ibig daw ang pinakamasarap na bagay na makukuha mo dito sa mundo. Ito lang daw kase ung tanging bagay na makakapagpasaya sayo. Kapag ito raw ay nakita mo na, wala ka raw ibang mararamdam kung hindi puro saya, ligaya, bagay na di kayang bilhin ng pera. Totoo ba? Wala bang pag-ibig na hindi nabibili ng pera? Kase kung meron man, baka lahat tayo'y pareparehas ng masaya, yung wala nang malulungkot, maiingit, maghihinntay at higit sa lahat wala nang masasaktan at aasa. Yun ay kung nabibili ang pag ibig, dahil kung nabibili man ito, baka isa na sa mga pumila si Fella.

"Happy birthday!"

Isang malakas na pag-bati na gumising kay Fella.

"Hoy! Anu ba naman kayo nakita nyo nang natutulog pa ang tita nyo, alam nyo namang pagod pa yan sa byahe. Ang ingay-ingay nyo!" wika ni Jane, ang nakatatandang kapatid ni Fella.

"Ayos lang ate, gising naman narin ako." wika ni Fella, na agad tumayo sa higaan.

"Hi tita! Tara na po kumain na po tayo, pinagluto po kita ng paborito mong sinigang sa kamias na hipon." wika ng kanyang pamangkin na si Dhin, na agad syang hinila sa lamesa."

"Tita sariwa pa po yan, kakahuli ko lang po nyan kagabi, may mga giway (alimango) pa po don." wika ng isa nya pang pamangkin na si Gerald na kumuha ng alimango, na agad na nagpangiti kay Fella.

"Salamat, kayo ha mukang naglalambing lang kayo sakin. Mukhang alam nyo may pasalubong ako sa inyo eh." biro ni Fella.

"Kamusta naman ang byahe mo? Di ko na namalayan yung pagdating mo kaninang madaling araw." ani ni Jane.

"Oo nga te eh mabuti nga't gising na tong si Gerald, at na sundo agad ako." sagot ni Fella."

"Nako kagabi pa excited yang mga yan, nung nalaman nilang pupunta ka. Mukhang di na nga natulog yang mga yan eh." biro ni Jane.

"Mukha nga, Dhin kunin mo ung plastik dun sa kwarto, katabi ng bag ko nandun yung mga pasalubong ko." ani ni Fella, kaya agad na nagmadali ang kanyang mga pamangkin upang kunin iyon, habang kumakain si Fella kasama ang ate nya.

"Asan nga pala si kuya Bert?" tanong ni Fella."

"Nako! alam mo naman yung asawa ko na iyon, laging wala dito. Tsaka, mas ok na ung wala sya dito, para walang maingay." ani Jane.

"Nga pala ate may dala akong rice cooker para sayo, para di kana mahirapan na mag saing"ani ni Fella."

"Nako! Maraming salamat talaga sayo bunso ha! Oh! Basta pagkatapos mo dyan, magpahinga ka ulit sa kwarto. Maghahanda lang ako, punta tayo ng dagat, maligo tayo. Alam ko naman na isa yan sa pinunta mo dito eh." alok ni Jane.

At nagpatuloy nga sila sa pagkain.

Maaliwalas na paligid, mabangong parang, mayayabong na puno't halaman, malinis na dagat at tahimik na buhay. Yan ang buhay na meron ang ate ni Fella, sa Anda, Pangasinan . Dahilan kung bakit taon-taon na nagbabakasyon si Fella, sa probinsya ng Panggasinan.

Sa isang kotse huminto mula sa harapan nila Fella, ay nagulat ang lahat.

"Sessy!!" Isang napakalakas na sigaw, na halos marinig na nang lahat ng taong nasa Anda Market.

"Alex!? Akala ko di ka makakasama?" ani ni Fella, na nagulat ng makita n'ya ang kanyang kaibigan na si Alexa.

"Matitiis ba naman kita? Eh, wala naman akong choice, di sinumpa mo ko kung di kita sasamahan." ani ni Alex, matapos halikan at yakapin si Fella.

"Akala ko ba sira ang kotse mo? kaya di ka makakapunta?" tanong ni fella.

"Syempre char-char lang yun nuh! Alam mo naman ako, maraming eme-eme sa buhay.." biro ni Alex.

"Eme-eme ka pa dyan, eh kung sinabay mo nalang ako, di sana nakatipid pa'ko sa pamasahe." ani ni Fella.

"Kaya nga urprise diba! Surprise!! I'm here!" biro ni Alex.

"Arte mo! Nga pala ate, si Aleksa, friend ko." pakilala ni Fella, na agad namang nginitian ng ate at mga pamangkin ni Fella.

"Excuse me! It's Alexa! Not Aleksa, but you can call me Alex. And we're best friend, right!? *tumingin kay fella* Pakilala ni Alex, matapos makipagkamay sa kapatid at pamangkin ni Fella.