webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · General
Not enough ratings
213 Chs

Sabi mo eh!

I..s..s..a..y?! .... Ikaw ba yan?!

Issay! Ikaw nga!

Isabel delos Santos! Tama?! Haha! Kamusta?!

Grabe, wala ka pa ring pinagbago since high school!"

Buong sayang sabi ng lalaki.

Kitang kita sa tamis ng kanyang pagkaka ngiti nito.

Kilala ni Issay ang lalaki. Kahit na malaki ang pinagbago ng anyo nito. Hindi pa rin kasi nagbago kung paano sya ngumiti.

"An...thon..?!

Anthony Santiago?

Ikaw na ba yan?"

Tiningnan ni Issay ang lalaki, hindi makapaniwala sa nakikita.

Hindi nya maubos, maisip na ito yung patpatin na kaeskwela nya ng high school na laging sumusulpot pag kailangan nya ng tulong.

"Oo klasmeyt! Ako nga!"

Matipid na sagot ni Anthon

"Grabe klasmeyt ang laki ng pinagbago mo! Muntik na kitang hindi makilala!"

Bulalas ni Issay.

'Teka sandali lang, anong ibig nyang sabihing sa wala pa rin akong pinagbago?'

'Mukha pa rin ba akong high school?!'

Hindi maintindihan ni Issay kung pinupuri ba sya nito o nang iinis sa sinabi pero nangingiti pa rin sya pag naiisip na mukha pa rin syang bata sa edad nya.

Habang tinitingnan ang kaklase, hindi mawala ang paghanga nito. Sino ba naman ang hindi magugulat na ang isang patpating estudyante noon ay hunk na hunk na ngayon!

Mas lalo tuloy lumutang ang kagwapuhan ng kaklase. Lalo na sa mga ngiti nyang 'yon.

Matangkad kasi ito at mestiso. Namana sa ina nitong may lahing kastila.

At sa sobrang pagkamangha ni Issay hindi nya namalayan ng alisin nya sa kanyang mga mata ang suot na sun glass at nilagay sa may ulo.

Napansin agad ni Anthon ang pamamaga ng mga mata nito pero hindi sya nag pahalata. Ayaw nyang mapahiya ang kaeskwela kaya hindi pinansin ang mga mata nitong halatang galing sa pagiyak.

Nagpatuloy lang sa pagkukwento si Anthon. Dama ang saya ng lalaki at nagkita silang muli ni Issay.

"Nabatak lang sa trabaho, Klasmeyt. Hehe!

Ikaw kamusta ka na? Ba't di ka na nauwi sa atin? Kahit nung reunion ng batch natin wala ka.

Hinanap kaya kita."

Pagpapatuloy ni Anthon, halatang nanabik sa dating kaeskwela.

At sa pagkakamustahan na iyon hindi namamalayan ni Issay na gumagaan ang pakiramdam nya.

Muling sumigla ang puso nya at

masayang nakikinig sa mga kwento ng dating kaeskwela.

Nawala ang sakit na naramdaman kanina pati ang dahilan nito.

Dahil si Anthon, katulad pa rin ng dati, gagawin ang lahat mapagaan lang nararamdaman ni Issay.

Dahil si Anthon, nadudurog ang puso pag nakikita nyang nasasaktan si Issay.

Dahil si Anthon, noon pa man at magpahanggang ngayon ay lihim na umiibig kay Issay.

*****

Samantala.

Sa coffee shop.

Nag aalala na ng husto si Vanessa.

Mag iisang oras na ng huling magpaalam ang kaibigan patungong CR.

"Anong nangyari dun? Nakatulog na ata sa CR!"

Pero kinakabahan na sya kaya tumayo na ito upang hanapin ang kaibigan.

Sa di kalayuan nakita din nya si Issay.

May kausap ito.

.....at nagtatawanan sila!

"Aysus!.. Kaya naman pala eh! Nakakita ng hunk na Papa!"

Nilapitan nya ang kaibigan upang pagalitan dahil sa pinag alala sya nito, pero ng makita kung sino ang kausap, nilagpasan nya ang kaibigan at dumiretso kay Anthon.

Sabay kawit sa braso nito.

"Hello Papa Anthon, kamusta na ang Papalicious ko? Na miss mo na ko nuh? Kasi ako na miss na kita!"

Lambing ni Vanessa kay Anthon na parang sinasapian. Halatang magkakilala ang dalawa.

Kagaya ni Miguel nagkasama rin sila dati, pero di tulad ni Miguel, close sila ni Anthon.

Kaya sanay na sa paglalambing ni Vanessa si Anthon, na tinuturing nyang malapit na kaibigan.

"Uhm, hi, Vanessa, andyan ka pala! Okey naman ako. Parang kaninang umaga lang sabay tayong bumaba ng eroplano, na miss mo na agad ako?"

Nagulat si Issay sa biglang pagsulpot ng kaibigan.

Kinabahan sya bigla.

Natataranta.

Tiningnan kung may kasunod ito at ng makitang wala, saka lang kumalma.

Subalit.

Nagtaka ito sa ginawa ng kaibigan kay Anthon.

Hindi nya alam na magkakilala pala ang dalawa.

'Mukhang close sila pero bakit sobra naman sweet nya!'

'Haaay Vanessa talaga, nasasapian na naman!'

"Oy! Ano ka ba! Vanessa!!! Nakakahiya! Umayos ka nga dyan!"

Awat ni Issay sa kaibigan.

Pero hindi pa rin nito inalis ang pagkaka kawit kay Anthon. Hindi pinapansin o tinitingnan man lang si Issay. Kaya pilit syang hinihila ni Issay.

"Akala ko ba may boyfriend kana? Si Joel diba, sabi mo!"

"Wagkang mag alala very understanding yung Joel ko, Love ako nun!"

Sabay lingon nito kay Issay.

Napatigil si Vanessa ng mapansin ang mga mata ni Issay.

"Anong nangyari dyan sa mata mo?!" (sabay turo sa mata ni Issay)

" .... umiyak ka ba?!"

Saka lang naalala ni Issay na hindi na pala nya suot ang salamin. Nataranta sya kaya sinuot ulit.

"Wala ito!.... Allergy!" (hatsing!)

pagpapaliwanag ni Issay.

Nahihiya sabay tungo.

Hindi naniwala si Vanessa sa dahilan ng kaibigan pero hindi na ito nagtanong.

"Sabi mo eh!"