webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · General
Not enough ratings
213 Chs

Oonga!

"Gusto kong itanong kung bakit magkaiba ang trato ng asawa mo sa dalawang magkapatid?"

Tahimik pa rin si Enzo. Hindi makita sa mukha nito na gusto nyang sagutin ang tanong ni Issay.

Pero tahimik din na naghintay si Issay.

Mamaya maya bumuntunghininga ito.

Enzo: "Nung bata pa ang mga anak ko may nangyari na muntik ng ikinamatay ni Nicole."

"Nasa isang resort kami at naghahanda para sa tanghalian, nasa malayo ako nagiihaw kaya hindi ko nakita ang buong nangyari."

"Nalingat ang asawa ko at napabayaan niya si Nicole. Tatlong taong gulang pa lang sya nuon at kasama nya ang Ate nya na naglalaro may malapit sa asawa ko."

"Pero makulit si Nicole at natutuwa ito kapag nakakakita ng mga bago sa paningin nya kaya walang nakapansin na nawala ito at walang nakakaalam na lumapit ito sa pool, nahulog at nalunod!"

"May nakakita sa kanya at sinagip sya pero iba na ang kulay ng bata. Ginawa nilang lahat para ma 'revive' ang bata at hindi sila tumigil hanggang sa maisuka nito lahat ng nainom na tubig at nadinig na umiyak!"

"Sa ganitong sitwasyon sila nakita ni Nelda, ang asawa ko. Napansin nyang wala na sa paningin nya ang dalawa kaya hinanap nya sila."

"Nag hihisterikal si Nelda ng malamang si Nicole ang nalunod na bata!"

Nang madinig nilang umiyak ang bata nilusob na namin siya sa pinaka malapit na ospital!"

Issay: "Pano mo nalaman na nalunod si Nicole at nasaan si Nadine?"

Enzo: "Nung nadinig kong nagsisigaw sa takot ang asawa ko, tumakbo ako at inalam kung anong nangyayari!"

"Marami ng tao sa paligid at hindi na makontrol si Nelda sa paghisterikal nya, nilapitan ko sya at duon ko nakita ang ginagawa nilang pag 'revive' kay Nicole!"

Natakot ako sinubukan kong lumapit pero hindi sila pumayag at duon ko nakita si Nadine malapit sa kanila, nakasiksik sa isang sulok sa gilid ng isang malaking paso, takot na takot at umiiyak!"

"Nang mahimasmasan si Nelda nasa ospital na kami at maayos na ang lagay ni Nicole pero takot na takot pa rin si Nadine na ayaw bumitiw sa kamay ko!"

"Nang mapansin ng asawa ko si Nadine galit na galit ito at saka pinagpapalo! Isinisisi nya lahat sa bata ang nangyari kay Nicole! Kaya inilayo ko ito sa kanya!"

Issay: "Ano?!"

Enzo: "Sinisisi nya si Nadine dahil hindi naging alerto ito nung mga oras na iyon!" Kung sana natawag nya agad ang Mama nya hindi sana nangyari and ganuon!"

Issay: "Ganun din ba ang nasa isip mo?"

Enzo: "Nung mga oras na iyon, Oo! Pero hindi ko pwedeng sisihin ang isang bata dahil pitong taong gulang lang sya nuon at kitang kita ko ang panginginig nya sa takot ng matagpuan ko sa sulok na 'yon!"

"Mula noon sobra sobra na ang pagiingat na ginagawa ni Nelda kay Nicole. Hindi na ito nagtrabaho at binantayan na lang si Nicole. Hindi nya ito pinapayagang mawala sa paningin nya kahit na dalawa na ang bantay na ibinigay ko para sa bata.!"

"Saka simula nuon naging sobrang higpit na ni Nelda kay Nadine! Inuutos nya lagi na dapat unahin ni Nadine ang bunso nyang kapatid bago ang sarili nya dahil sya ang panganay!"

" Parang inihahanda na sya ng asawa ko na syang papalit at magaalaga kay Nicole hanggang sa pagtanda nilang magkapatid!"

"Kaya nung makita ko ang pagmamakaawa ni Nadine ng magpaalam sya na gusto nya dito magaral sa Maynila, kahit sobrang nagaalala ako, pinayagan ko!"

"Marahil ay nasasakal na sya sa bigat ng responsibilidad na binibigay ng Mama nya sa kanya!"

Issay: "Enzo, hindi kaya may psychological problem ang asawa mo?"

Enzo: "Hindi baliw ang asawa ko!"

Issay: ""Hindi ko sinasabing baliw ang asawa mo, ang ibig ko lang sabihin hindi nya mapatawad ang sarili nya dahil sa nangyari nuon kay Nicole at kaya nya pinahihirapan si Nadine ngayon dahil yun lang ang paraan para gumaan ang nararamdaman nyang 'guilt'!"

Napatingin ang dalawang naruon ng marinig ang sinabi ni Isabel.

Issay: "Kumuha ako nuon ng Psychology course pero hindi ko natapos!"

Pagpapaliwanag nito sa dalawa.

Biglang tumayo si Edmund at humarap kay Enzo.

Edmund: "Sir, kasalanan ko ang lahat! Hindi mangyayari ito kung hindi ako pumayag na mag OJT si Nicole nung umpisa pa lang! Bawal kasi dito ang may backer pero pinilit ko pa rin dahil akala ko matutulungan ko si Nadine hindi pala!"

"Ako din po ang nagpatanggal kay Nicole sa OJT at nagpablacklisted sa kanya dahil sobra na ang ginawa nya!"

Nakakunot ang noong tiningnan ni Enzo si Edmund.

Enzo: "Kilala ko ang mga anak ko lalong lalo na si Nicole at wala akong sinisisi sa mga nangyari pero ikaw?"

" E, sino ka naman sa anak ko?"

Issay: "Sya ang kaeskwela at matalik na kaibigan ni Nadine!"

Tiningnan nya mula ulo hanggang paa ng makailang beses si Edmund.

Hindi palakaibigan si Nadine at wala syang alam na naging close nung highschool mas lalo na nung nag kolehiyo sya, kaya sino 'tong mokong na 'to?

Enzo: "Bata, may gusto ka ba sa anak ko?"

Edmund: "Po?"

Nagulat si Edmund sa biglang tanong ni Enzo.

Issay: "Oonga!"

"Bata may gusto ka ba kay Nadine?"

Pang gagatong ni Isabel.

'Jusko! bakit napunta dito ang usapan!'

Edmund: "Sir kaibigan ko po si Nadine kaya po ako 'concern' sa kanya! Nangangako po akong hindi ako titigil hangga't hindi ko po sya nakikita!"

Enzo: "Pano mo naman sya planong hanapin?"

Edmund: "Hindi ko po alam, pero gagawin ko po ang lahat para makita sya! Pangako po yan!"

Enzo: "Sabi ko na may gusto ka nga sa anak ko e!"

Seryoso nitong sabi.

Issay: "Oonga!"

Edmund: "...."

Issay: "Uyyy! Namumula sya oh!"

"Hahahaha!"

At pinanuod lang nilang dalawa si Isabel na tumawa ng tumawa hanggang maluha luha ito, na labis naman nilang ikinatuwa dahil nawala ang tensyon na kanilang nararamdaman.

Nung araw ding iyon kahit na nagpoprotesta si Nicole, inuwi ni Enzo ang mag ina nya sa Zurgau at ibinenta ang condo nila.

At saka niya sinimulang hanapin ang panganay nyang si Nadine.