webnovel

Me Problema Tayo!

Nakakunot ang noo ni Tiya Belen ng makita nyang natataranta na naman ang pamangkin.

"Edmund, iho! Ano't natataranta ka dyan? Saka, bakit nagiimpake ka? San ang punta mo?

Babyahe ka pala di ka man lang nag sasabi sa akin!"

Sunod, sunod ang tanong ni Tiya Belen sa pamangkin.

"Pasensya na po Tiya Belen, biglaan eh!"

Sagot ni Edmund na hindi man lang tumitigil sa pagiimpake.

"San ka nga pupunta?"

Pangungulit ng tiyahin nya.

"Sa San Roque po, Tiya!"

Sagot ni Edmund habang patuloy sa pagiimpake.

"At ano naman ang naisipan mo at pupunta ka dun?"

Nagtatakang tanong ni Tiya Belen sa kanya.

"Andun po kasi si Isabel kaya kailangan kong magpunta. Gusto ko pong makatulong sa ano mang problema nya."

Paliwanag ni Edmund.

"E papano naman ang trabaho mo, aber? Sinong magaasikaso?"

Naguguluhan na sya sa pabigla biglang desisyon ng pamangkin, hindi maintindihan kung bakit ganito ito kung magisip.

"Binilin ko na po kay Nadine ang pamamahala habang wala ako!"

Sagot ni Edmund.

"Edmund, hindi ba abuso naman sa kabaitan ni Nadine itong ginagawa mo, ha?"

Pagpapaalala ni Tiya Belen.

"Pasensya na po Tiya Belen, pero sya lang ang mapagkakatiwalaan ko at kailangan, kailangan ko na pong umalis dahil may problema daw si Isabel, gusto kong tumulong!"

"Teka! Teka! Teka! Maghunusdili ka nga muna!

Pati ako natataranta na sa'yo!"

Sabay hawak sa dibdib napapagod na sya sa kaka pauli uli ng pamangkin.

Saka lang tumigil si Edmund at naupo ng makita na biglang hinawakan ni Belen ang dibdib nya. Nag aalala sya baka kung mapano ang tiyahin.

Nang makitang naupo ang pamangkin naupo na rin si Tiya Belen.

"Alam mo ba kung ano ang problema ni Issay?"

Tanong ni Belen kay Edmund.

"Hindi ko po alam Tiya. Naabutan ko po kahapon ang kaibigan nya na si Aling Vanessa at yung Joel, papunta daw po sila kay Isabel dahil may problema daw po ito. Pero nagmamadali po sila kaya hindi ko na po naitanong!"

Nalulungkot at nagaalalang sagot ni Edmund.

Nalulungkot sya dahil gusto nya ring may gawin pero wala naman syang alam sa nangyayari.

"Diyan ka muna at 'wag ka munang basta basta aalis, aalamin ko muna ang problema ni Issay.

Mas makakabuti kung alam natin ang dahilan bago ka lumarga dyan!"

Paliwanag ng Tiya nya.

Huminahon si Edmund. Tama ang sinabi ng tiyahin, mas maigi ngang alam nya ang dahilan.

Mabuti at nariyan ang tiyahin nya.

Malayo layo rin sa Maynila ang San Roque pano kung andito pala ang kailangan ni Isabel?

Kinuha ni Tiya Belen ang telepono at tumawag sa San Roque.

Pagkatapos ng tawag saka nya binalikan ang pamangkin.

"Edmund, antayin mo ako at magiimpake lang ako ng ilang damit, uuwi tayo ng San Roque!"

Pagkatapos nito tinawagan nya si Nadine at ibinilin dito ang kompanya.

Nagulat si Edmund sa sinabi ng tyahin. Hindi tuloy nito alam kung matutuwa sya sa sinabi ng tiyahin na 'uuwi sila ng San Roque'.

Ibig sabihin kasama ang tyahin nya...silang dalawa!

Sayang, gusto pa naman nyang bumiyahe ng magisa.

Pero nasiyahan narin sya sa bandang huli dahil makikita na nya si Isabel.

*****

"Tito Roland me problema tayo!"

Sambit ni Kapitan Tyago ng muli itong tumawag sa tiyuhin nyang si Roland

Roland: "Ano na naman yun?"

Inis na sagot ni Roland.

'Malamang manghihingi na naman ng pera ito kaya tumawag!'

Kapitan Tyago: "Si Isabel nasa munisipyo ngayon at dala ang titulo ng bukirin!"

Natuwa si Roland sa narinig sa pamangkin.

Roland: "Magaling! Hehe!

Sabihin mo sa kontak natin sa munisipyo na gawin ang lahat para makuha nya kay Isabel ang titulo!"

Masayang utos ni Roland.

'Hehehe! Pagsiniswerte ka nga naman!'

Kapitan Tyago: "Tito Roland, nakausap ko na po si Brando at nasa kanya na raw ang titulo. Pero Tito, nanghihingi ng malaking halaga ang kontak natin na yun!"

Napabuntung hininga si Roland.

'Haaay! Sabi ko na at sa pera din mapupunta ang usapan!'

'Pero kung sabagay sa oras na mapasakamay ko na ang titulo mas mapapadali na ang lahat!'

'Hahaha!'

Roland: "Sige kamo walang problema!"

Masaya masaya ang buong maghapon nya dahil dito.

Subalit, bago magdapit hapon nakatanggap ulit ng tawag si Roland sa pamangkin.

Kapitan Tyago: "Tito! May problema po ulit tayo!"

'Bakit ba itong pamangkin kong ito ang unang bukang bibig 'Tito may problema tayo!' 'hmp!'

Naiirita si Roland pag ito ng ito ang kausap nya, feeling nya makakalbo sya.

Roland: "Wag mong sabihing kulang ang perang pinadala ko sa'yo?"

Kapitan Tyago: "Hindi Tito, nakuha ko na ang pera. Salamat!"

Sabi ni Kapitan Tyago.

Roland: "Anong salamat? Hindi para sa'yo yung pera, para sa titulo!"

Singhal ni Roland.

Kapitan Tyago: "Yun nga ang problema Tito, hindi nailabas ni Brando ang titulo sa munisipyo dahil muntik na syang mahuli ni Mayor!"

Natulala si Roland, hindi makapaniwala sa nadinig.

'Anubayan! Konti na lang nasa akin na, nabulilyaso pa!'

'Bwisit!'

Sa sobrang galit nya hindi na nito pinakinggang ang iba pang sinasabi ng pamangkin

at binabaan na lang nya ito ng telepono.

'Sayang!'

Gigil na gigil sa galit nyang sabi.

Akala nya nakuha na nya pero bakit nawala pa?

"HMP!!!"

Nanghumupa ng kaunti ang galit saka may naalala si Roland.

"Kailangan ko ng tawagan ang taong 'to para humingi ng tulong."

Roland: "Hello Vice?"

Vice Mayor: "Bakit?"

At sinabi ni Roland ang lahat pati ang dahilan ng kanyang pag tawag.

Vice Mayor: "Diba sinabi ko na sa'yo sa simula pa lang, kunin mo sa maayos at legal na paraan ang mga lupa? Pero dika nakinig!Bakit? Bat mas gustong gusto mong kunin ang isang bagay sa magulong paraan?

At pagkatapos mong makuha ay parang nasisihayan ka pa?

Sa ganitong paraan mo ba napaparamdam sa mga tao na mas mataas ka sa kanila, huh?"

Hindi nakaimik si Roland.

Hindi nya inaasahan na sasabihin ni Vice ang mga ganitong salita.

Pero napaisip sya.

Ngayon lang nya na realize na totoo lahat ang sinabi ni Vice sa kanya.

'Mas masarap nga sa pakiramdam pag nakuha ko ang isang pagaari ng iba lalo na at walang kamalay malay ang tunay na mayari na nakuha ko na pala ang pagaari nila. At huli na pagnalaman nila!'

Napangisi si Roland.

Ngising nakakainis.

Pero ang susunod na sinabi ni Vice Mayor ay nagpausok naman ng ilong ni Roland sa galit.

Vice Mayor: "Pasensya na, Ledesma, pero ... di kita matutulungan! Ginusto mo yan!

Ikaw ang pumasok sa problemang yan, ikaw ang lumabas! Huwag mo akong idamay!"

Sabay baba ni Vice ng telepono.

"Hindi ako tanga na tutulungan ka, Ledesma! Mahalaga sa akin ang posisyon ko at career ko! Malayo pa ang gusto kong marating sa pulitika! Hindi ko hahayaan na sisirain lang ng mga taong katulad mong ganid!"

Next chapter