webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · General
Not enough ratings
213 Chs

Bossy

Pagkalipas ng dalawang taon, nagpakasal na sila Joel at Vanessa. Nagkaroon sila ng limang anak at ang dalawa doon ay kambal.

Issay: "Mama Fe, nasa lahi nyo po ba ang kambal?"

Mama Fe: "Oo anak! Ang Papa nila ay may kakambal din ng ipanganak, babae ito. Pero hindi sya nagtagal dahil sa mahina ng ilabas!"

Issay: "So may posibilidad na magiging kambal ang pinagbubuntis ni Yasmin ngayon! Hehe!"

Pagkatapos ng trahedya, nakilala na ni Yasmin kung sino si Issay pati ang malalim na ugnayan nito kay Anthon.

Nagkaroon sila ng pagkakataon na maging malapit sa isa't isa ng matira sila sa Maynila.

Hindi niya akalaing magiging close sila ni Issay. Wala kasi syang kapatid na babae kaya parang si Issay na ang naging ate nya.

Note:

for editing