webnovel

Kung Maibabalik ko Lang

"Minsan na akong pinaglaruan ng isang lalake! Kaya bakit ba kinakailangan ko pa sila kung kaya ko naman ang mag isa" Kaya ko nga ba talaga? hanggang kelan ko ba ikukubli ang tunay Kong nadarama? Isinilang ako sa panahong hindi pantay ang tingin nila sa mga babae kesa sa mga lalaki. At ang mundo ay pinaghaharian ng kalalakihan. Walang kaming boses at wala karapatang ipagtanggol ang sarili lalo na at nabibilang ka sa mahihirap. Kaya nakuntento na lang ako nuon na tanggapin na hanggang dito na lang ako kasi babae lang ako! At kasi mahirap lang ako! Maraming tuloy mga bagay at pagkakataon na pinalagpas ko at pinanghinayangan sa buhay ko. Mga pagkakataon na pinanghihinayangan ko at ipinagdarasal, sana ..... Kung Maibabalik Ko Lang.

trimshake · General
Not enough ratings
213 Chs

Bakit Mo Ito Ginagawa?

Nagulat si Anthon ng makitang nawalan ng malay si Issay.

'Jusko, ganito ba talaga ako ka manhid at hindi ko man lang nararamdaman na nahihirapan na pala sya?'

Dali daling binuhat ni Edmund si Issay at inilabas ng silid. Iniwan nila si Anthon na nakaluhod pa rin.

Kasunod si Nelda, dali daling isinakay ni Edmund sa sasakyan si Issay upang dalhin sa ospital.

Pagdating sa emergency, nalaman nilang tumaas ang BP at kinakailangan daw magkaroon ng ibang test sabi ng duktor.

Nang magkaroon ng malay doon nila nalaman kung ano ang nangyari kaya sya hinimatay.

Duktor: "Mukhang may traumatic na nangyari sa inyo na naging dahilan ng nerbyos nyo! Sa tuwing bumabalik ang kahit na munting alaala ng pangyayari, nag titrigger ito para atakihin kayo ng nerbyos! Duon nagsisimulang hindi maging normal ang katawan ninyo!"

Natakot si Issay.

Issay: "Anong pong dapat kong gawin para mawala ito?"

Duktor: "Psychological sya kaya kung gusto mo itong mawala, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo!"

Naiintindihan ito ni Issay. Kailangan nya ng tulong.

******

Samantala...

Pagkatapos nilang iwan si Anthon sa silid, hindi pa rin ito tumayo sa pagkakaluhod.

Inis na inis sya sa sarili nya dahil sa sobrang pagka insensitibo nya sa naramdaman ni Issay.

"Bakit ako ganito? Bakit hindi ko nararamdaman ang nararamdaman nya? Wala talaga akong kwenta!"

Umiiyak nitong sabi.

Pumasok sa isip nya kung paano ang kapatid nyang si Joel at ang kasintahan nitong si Vanessa magusap, madalas sa tingin lang nagkakaintindihan na sila, alam na nila ang gusto ng bawat isa pero bakit kay Issay hindi niya magawa iyon?

"Manhid ba talaga ako?!"

At tuluyan na itong humagulgol.

Hindi na maka tagal si Ms. Onse na kanina pa sya pinagmamasdan sa may pinto at naririnig ang sentimyento nya.

Ms. Onse: "Sir, hindi po kayo walang kuwenta? Huwag nyo pong sabihin yan! Wala pong taong walang kwenta!"

"Kaya nyo po siguro hindi nararamdaman ang nangyayari kay Ms. Isabel ay dahil sa nakakalimutan nyong huminto at alamin ang kalagayan nya. Abala ho kasi kayo na ipagpilitan ang gusto nyo!

Kung minsan ho kasi, hindi naman ho parating mahalaga na masabi nyo ang lahat ng gusto nyo, madalas, simpleng akap lang kaya na nitong sabihin lahat ang nais nyo!"

Anthon: "Pero paano ko ito gagawin kung hindi ko sya malapitan, na boses ko palang natatakot na sya sa akin?"

Hindi na nakaimik si Ms. Onse. Mukhang may matinding nangyari sa dalawa na hindi kaya ng simpleng paliwanag lang.

Ms Onse: "Magtiwala kayo Sir at magdasal!"

At iniwan na nito si Anthon.

Pagkaraan ng ilang minuto tumayo din si Anthon at lumabas ng silid. Nakapagpasya na syang magpakalayo layo na kay Issay.

'Mas makakabuti ito para sa ikakatahimik ng Mahal ko!'

At nakangiti itong nagpaalam at nagpasalamat kay Ms. Onse.

Paglabas nya ng building may pumarada sa tapat nya na isang sasakyan.

Si Miguel.

Bumaba ito at hinarap sya.

Miguel: "Kamusta? Mukhang magaling ka na ah! Gusto mo ulit ng sakit ng katawan?"

Anthon: "Wala akong panahon sa'yo Miguel! At kung ang ipinunta mo dito ay si Issay, wala sya dito!"

Miguel: "Alam ko! Alam kong wala dito si Issay at dinala sya sa ospital ng dahil na naman sa'yo!"

Pero umiwas na si Anthon sa kanya. Alam nyang hindi nya kaya si Miguel.

Miguel: "Hmmm .... saan ka pupunta? Paalis ka na?

Sayang naman, binibigyan kita ng panahon pero ikaw hindi mo man lang maibalik ang kabaitan ko!"

Napahinto si Anthon. Hindi nya alam kung bakit pero sadyang gusto nyang madinig ang sasabihin nito.

Miguel: "Ang problema sa'yo Anthon, ayaw mong bigyan ng pagkakataon si Issay na tulungan ka! Bakit nasasaktan ba ang ego mo dahil dun?"

Hindi ito gustong madinig ni Anthon pero hindi nya alam kung bakit imbis na umiwas, nanatili sya para pakinggan ito.

Gusto nyang sumagot pero mas mabuti pang makinig na lang.

Miguel: "O .... baka naman natatakot kang malaman ng lahat na mas magaling si Issay sa'yo. Na .... natatapakan ang pagka lalaki mo!"

Anthon: "Kahit anong sabihin mo, ako pa rin ang mahal ni Issay at hindi ikaw!"

Miguel: "Hahahaha!"

"Ayun naman pala e, alam mong mahal ka ni Issay pero ... bakit ikaw mismo ang sumisira ng pagmamahal na iyon?"

Nagpupuyos sa galit si Anthon.

Anthon: "Kahit na nasira ko man ito magagawa ko pa rin itong ibalik sa dati! Mahal ako ni Issay at alam kong darating ang panahon na babalik ulit ang tiwala nya sa akin! Kung kinakailangan kong magsimula sa umpisa gagawin ko, maibalik ko lang ang dati naming pagtitinginan!

Kaya wag ka ng umasa pa dahil hindi ko na muling hahayaang na makasingit ka pa!"

Miguel: "Sabi mo eh!"

Sabay ngisi nito kay Anthon na kinapikon naman nito kaya tuluyan ng umalis.

Saka lang lumabas sa sasakyan si Ames na kanina pa nakikinig sa kanilang dalawa.

Ames: "Hindi kita maintindihan, bakit mo ito ginagawa?"

Pero ngumiti lang si Miguel sa kanya.

Ames: "Migs, hindi ba magandang pagkakataon ito sa'yo para suyuin muli si Issay? Nag give up na sya pero sa sinabi mo mukhang nabuhayan ulit!"

Napabuntunghininga si Miguel.

Miguel: "Dahil ..... sya ang mahal ni Issay!"

At sumakay na silang dalawa ng sasakyan.

Pero bago umandar muling nagtanong si Ames.

Ames: "Ang tanong, alam naman kaya ng lalaking yon na tinutulungan mo sya?!"

There is a saying:

"She's good enough for me but I'm not good enough for her!"

3.

trimshakecreators' thoughts