32 Possessive

NAGLALAKAD si Lexine sa hallway nang may humigit sa kanyang braso. Malakas siyang napasandal sa mga locker sa gilid. Nag-echo sa buong pasilyo ang tunog ng tinamaan na bakal. Nababahalang pinaikot niya ang mata sa paligid upang humingi ng tulong pero nabigo siya nang mapagtantong walang ibang taong naroon kundi silang dalawa lang.

"Missed me?"

Binigyan niya ito ng nagbabagang tingin. "In your dreams!"

Inangat ni Night ang isang kamay at marahang hinaplos ang baba niya. Binaba nito ang mukha sa kanya hanggang sa halos manipis na hangin na lang ang pumapagitna sa pagitan nila. Mula sa baba niya, unti-unting umakyat ang tingin nito sa kanyang labi patungo sa kanyang ilong. Sa bawat paggapang ng mga tingin nito ay nag-iiwan ng nakapapasong marka sa balat niya. Hanggang sa muling huminto ang titig nito sa nag-aapoy niyang mga mata.

Amusement was unmistakable on the devil's wicked brown eyes. It's the kind of gaze that has all the power to make her entire system wrath in unbelievable ways.

Kadangkal na lang ang distansya ng labi nito sa kanya. Nagpigil siya ng hangin sa dibdib na para bang kahit maamoy lang ang hininga nito ay isa ng kasalanan na susunog sa kaluluwa niya sa impyerno.

"I didn't know you're such a naughty girl, cupcake."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ano ba'ng pinagsasabi mo?"

"How many times do I have to tell you that I have your precious little soul in my hands? I own your life, I own your body, I own everything of you."

"Hindi mo `ko pag-aari!"

Binitiwan nito ang baba niya at sumandal sa locker gamit ang isang kamay nito. Lalo siyang naiipit sa katawan ng binata at nagdidikit na'ng dibdib nila. Nababahala tuloy si Lexine na baka naririnig na nito ang gerang nagaganap sa kalooban niya.

Sunud na pinaglaruan ni Night ang dulo ng kanyang buhok. Inamoy pa nito ang dulo niyon na lalong nagpatindig ng kanyang mga balahibo. Playfulness was written all over his face. "See for yourself."

Kinuha ni Night ang kaliwang kamay niya at tinapat sa kanyang mukha. Biglang lumitaw ang isang pulang sinulid na nakatali sa pulsuhan niya. Nakakonekta ang tali sa kanang pulsuhan nito. Nanlaki ang mga mata ni Lexine. So it's really true! She is tied to this devil.

"You can deny all you want, but you cannot undo your destiny. You are mine whether you like it... or not." Inilapit nito ang bibig sa tenga niya. "At ang pinaka ayoko sa lahat `yung si-ni-share ang pag-aari ko sa iba. I don't share, Lexine. I'm so fucking selfish and I want you all mine. All of you."

Dumilim ang mukha nito. His brown eyes shifted into something intense and dangerous. They're saying that she can never escape him. His gazes were so penetrating and it directly sent shivers to the depth of her soul. Natatakot siyang aminin sa sarili na kayang-kaya siya nitong angkinin ng buo-buo kahit ano man ang paglabag ng kanyang kalooban. Masyado itong makapangyarihan at mapanganib. Ano ang laban niya sa isang tulad nitong kampon ng kadiliman?

Biglang pumasok sa isip ni Lexine si Ansell. Sumagi sa alaala niya ang ginawang pagpapasabog ni Night sa gulong ng sasakyan nito. Nangyari `yun no'ng nagkalapit ang katawan nila ni Ansell dahil ito mismo ang nag-seatbelt sa kanya. `Yon ba ang tinutukoy nito?

"Best friend ko si Ansell. Wala siyang ginagawang masama so please lang `wag na `wag mo siyang idadamay rito!" Nabahiran ng matinding takot ang boses niya.

Umangat ang isang sulok ng bibig ni Night at buong gigil na sinambit ang bawat salita. "I don't give a fuck who he is. I don't give a shit even if he's your motherfucker best friend that is obviously lusting for you."

Lalo siyang kinulong ng mga bisig nito. Nahihirapan na siyang makahinga. "I don't want him or anyone touching you. Tangina, kahit ipis titirisin ko, Lexine `pag dinapuan ka. Keep that in mind. Hindi mo gugustuhin na magalit ako."

May pinalidad sa mga salita nito. Hindi lang basta pagbabanta ang mga `yon dahil alam ni Lexine sa sarili na talagang hindi magdadalawang isip na manakit si Night sa oras na hindi masunod ang gusto nito. She tried hard not to burst into tears. Her hands clenched into fist so tight they burned.

"I hate you."

"The more you hate me." Muli nitong kinuha ang baba niya. "The more I want you. So hate me all you want, cupcake. Soon, I'd make that sweet little lips of yours moan for my name."

Konti na lang at bibigay na'ng mga tuhod niya. Naghahalo-halo na sa loob niya ang takot, pagkamuhi at kakaibang kaba na dulot ng mga salita nito. Nilapat ni Night ang nguso nito sa kanyang noo at nag-iwan ng magaan, nanunuot, at nakababaliw na halik. Napapikit si Lexine dahil sa tuwing ginagawa nito ang gestures na `yun ay literal na tumitigil ang tibok ng kanyang puso.

Pagmulat niya ng mga mata ay nawala na naman ito na parang bula. Sa wakas at nagawa na niya muling makahinga nang maayos. Ang walanghiyang lalaking `yun talaga ang papatay sa kanya dahil sa tuwing nagdidikit sila ay nauubusan siya ng hangin sa katawan.

Hindi na alam ni Lexine kung ano pa ang dapat gawin upang makawala sa sumpang binigay sa kanya ng demonyong mapang-akit.

avataravatar
Next chapter