337 Mommy, Daddy & Baby cupcake

Afer five years….

"AYE! AYE! AYE! Baby cupcake, where are you?"

Pumailanlang ang sigaw ni Lexine sa kabuuan ng malaking mansion. Kanina niya pa hinahanap ang anak pero katulad ng dati, ay nawawala na naman ito.

Bumaba siya ng malaking hagdan at naabutan si Johan na naglalakad, "Johan, have you seen Aye?"

Bahagyang yumuko ang matandang butler bago ito sumagot, "Good morning Mistress, I saw the young miss playing inside her tree house just a while ago."

"Oh, okay, thank you Johan," ngumiti siya dito at saka dumiretso patungo sa garden kung nasaan ang tree house na si Night mismo ang gumawa.

Kakagaling lamang ni Lexine sa sementeryo dahil binisita niya ang puntod ni Kristine, Alejandro at Miguel. Tatlong mahalalagang tao na habang buhay na mananatili sa kanyang puso. Naging malupit man ang tadhana sa pagpakamatay ng tatlong inosenteng tao na malapit sa kanya. Alam niyang tahimik at masaya na ang mga ito sa kabilang buhay.

Matapos mag-iwan ng bulaklak at ilang mga mensahe, ay dumiretso agad siya pauwi ng Mansion. Ang inaasahan niyang natutulog pang anak sa kwarto nito ay nawawala na naman.

Sa pinakamalaking puno na matatagpuan sa kanilang hardin malapit sa pool nakatayo sa itaas ng malalaki nitong sanga ang 15 sqm at five feet na tree house. Gawa ito sa kahoy na pininturahan ng puti. May apat itong maliit na bintana sa bawat dingding, isang maliit na door at rope ladder upang maka-akyat. May nilagay pang spiral slide si Night sa kabilang bahagi na katapat ng pinto upang madali para kay Ayesha na bumaba.

Tumayo si Lexine sa ilalim ng tree house at muling tinawag ang anak, "Aye! Are you there? We need to prep up for Sky's birthday party remember?"

Pero wala pa din siyang nakuhang sagot kaya inakyat na niya ang rope ladder. Pero pagdating niya sa itaas ng tree house ay wala doon ang anak niya.

Nasapo ni Lexine ang noo may hinala na siya kung saan na naman ito nagpunta. Agad niyang binunot ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang asawa. Sumagot ito pagkatapos ng tatlong ring.

"Yes, mommy cupcake, did you miss me already?"

Umikot ang mata niya at bumuntong hininga, "Daddy, baby cupcake did it again."

"Again?"

"Yeah, please come home now."

"Okay, wait for me, I'll be there in five minutes."

Binaba na nito ang tawag. Pinagmasdan ni Lexine ang kabuuan ng loob ng maliit ng tree house at muling napabuntong hininga. Tumakas na naman ang pasaway nilang anak.

Dumating ang asawa niya na mas maaga sa limang minuto, "She did again?"

Nag-aalalang sinalubong niya ito sa main door, "Hinanap ko na siya sa buong mansion pero di ko siya makita," nasapo ni Lexine ang noo habang nakapamewang ang isang kamay, "Ang anak mo talaga, napaka-tigas ng ulo."

Umismid ito, "Kanino ba nagmana?"

Inis na siniko niya ito, "Anu ba, can we please find our daughter?'

Naglalambing na hinagkan siya ni Night at hinalikan sa tuktok ng noo, "Don't worry, I'm sure she'll be here soon, how long has she been gone?"

Bumuntong hininga si Lexine at tinignan ang wrist watch, "About fifteen

minutes?"

May one minute pa bago tumapat ang kamay ng orasan sa number twelve.

"Okay, 60 seconds, our naughty little cupcake just like her naughty mommy cupcake, will appear inside the three house," tinuro nito ang itaas.

Pareho silang tumingala, "Trust me, she always come and go after fifteen minutes."

Tumingala si Lexine sa asawa habang hindi siya binibitawan sa mga bisig nito, naningkit ang mata niya.

"Alam mo, kaya matigas ang ulo ng anak mo kasi ini-spoiled mo, ilang beses ko na siyang pinagsasabihan na 'wag mag-ta-time travel pero dahil kinukunsinti mo, kaya lumalaki ang ulo."

"Hey, hindi ko kinukunsinti ang anak natin, she's just really playful at this age, masisisi mo ba ang anak mo? Namana niya ang pagiging strong, independent woman sa mommy niya at nakuha naman niya ang pagka-adventurous ng daddy niya."

Ngumuso si Lexine, "She's still a child, daddy, she's only five, paano kung sa susunod mapahamak si Aye kaka-time travel niya?"

"Don't worry too much, she's a fighter," tumingin si Night sa wrist watch, "Oh, in five seconds here she goes. Five… four… three… two… one!"

Biglang sumabog ang liwanag sa loob ng tree house at narinig nila ang pagkalabog na tila may nahulog doon.

Nagkatinginan ang mag-asawa, "Told you. Fifteen minutes."

Umikot ang mata ni Lexine at kumawala sa bisig ng asawa saka tumingala sa tree house, "Aye, I know you're there, come down here young lady, now!" medyo tumaas ang boses niya.

Ilang sandali pa at may nag-slide pababa. Bumagsak si Ayesha sa damuhan na tumatawa ng malakas. Nakita nito si Night at agad tumalon sa mga bisig nito.

"Daddy cupcake!"

Agad binuhat ni Night ang anak, "Baby cupcake, where have you been again? You got mommy cupcake so worried, look oh, she's making a face like an old granny, she's so tampo."

Nakahalukipkip si Lexine at ngumuso na tila nagtatampo talaga. Ayesha's lively face instantly turned gloomy and guilty for making her mommy sad.

Tumingin ito sa baba at pinaglaruan ang maliliit na daliri, "I'm sorry mommy cupcake."

"Mommy cupcake, sorry na daw…"

Naningkit ang mata ni Lexine, kapag ganitong kino-combo at pa-awa effect moves na siya nang mag-ama ay lumalambot na agad ang puso niya.

Bumuntong hininga siya at pinagpag ang snow sa balikat at ulo ng anak, nakasuot ito ng pink na trench coat.

"Saan ka na naman nagpunta?"

Pa-cute na tumingin si Aye kay Night tapos ay bumungisngis, "The day when mommy cupcake and daddy cupcake, made baby cupcake, hehehe…"

Nagbungisngisan ang mag-ama.

Nanlaki ang mata ni Lexine sa kapilyuhan ng anak, "Ikaw, anu na naman ang kinukwento mo dito sa anak natin?" piningot niya si Night.

"Aww! I just told her the story how we got back together again at New York. I'm a hundred percent sure that was the special day. Dahil sinigurado kong hindi ka na makakawala sa akin."

Pilyong ngumiti ito na sinasabi ng mga mata na sinadya nitong buntisin siya ng gabing nagkabalikan sila noon sa Saranac at na-trap sa isang bakanteng wood house sa gitna ng snow storm.

Tinampal niya ito sa dibdib, "Huwag mo nga kinukwento sa bata yun!"

Tumawa ito, "Why? She should know when and where we brought her up in this beautiful world!"

"Shut up!" pinandilatan niya ito ng mata.

Hinarap niya ang anak, "Come on baby, let's get ready, Sky is waiting for us."

"Oh! It's Sky's birthday party today! Yey!" pumapalakpak si Aye at mabilis na bumaba sa bisig ni Night saka nagmamadaling tumakbo papasok ng mansion.

Natatawang hinabol naman agad ito ni Lexine. Nakangiting pinagmasdan ni Night ang mag-ina bago naglakad pasunod sa dalawa.

avataravatar
Next chapter