91 I missed you

KINABUKASAN ay maagang nagtungo si Lexine sa ballet studio upang mag-practice. Focus lang sila sa pagpo-polished sa gagawing second live perfomance ng Romeo and Juliet na gaganapin bukas ng gabi. Hindi niya naiwasang malungkot habang pinagmamasdan ang mga ka-grupo habang abala ang mga ito sa pag-stretching.

Napalapit na siya sa bawat isa sa kanila lalo na kay Ms. Garcia. Nagiging sentimental siya ngayon dahil maaring ito na'ng mga huling araw niya na makasayaw ng ballet. Walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanya once na harapin niya ang mga kalaban. Bukas na ng gabi ang huling palugid sa kanya.

Nagpupunas siya ng pawis habang naka-water break sila nang nilapitan siya ni Ms. Garcia.

"Lexi how are you? I'm sorry. I heard `bout what happened to Alejandro."

Tipid siyang ngumiti. "Thank you, Ms. Garcia, I'm doing fine and okay rin naman si Lolo."

Hinimas nito ang magkabila niyang braso. Uminit ang gilid ng mata niya. Napakaraming naitulong sa kanya ni Ms. Garcia, hindi lang sa pagiging mentor sa ballet kundi parang nakatatandang kapatid na niya ito. Noong mga panahon na kailangan niya ng taong makakausap dahil sa bigat ng mga problema niya ay ito ang nagtiyagang makinig sa kanya. Hindi rin siya nito hinusgahan, imbis ay tinulungan pa siya nito na makilala si Madame Winona.

Hindi niya magawang sabihin dito ang tungkol sa nangyari sa manghuhula dahil baka pati ito ay madamay na rin. Hindi na niya kakayanin pa kung may isang inosenteng buhay na naman ang mapapahamak.

Tila napansin ni Ms. Garcia ang bigat sa mukha niya. "Hey, are you sure you're okay? You can talk to me after our class. Coffee tayo ulit."

Bumuntong-hininga siya at pinatong ang palad sa kamay nitong nasa braso niya. "Okay lang po talaga `ko. You don't have to worry. Sleepless nights lang `to."

Tumungo-tungo si Ms. Garcia ngunit nasa mukha pa rin nito ang pag-aalala. "Are you sure you can dance for tomorrow?"

Napalunok siya. Bukas ng gabi ang kabilugan ng buwan. Sa lahat ng tulong na naibigay sa kanya ni Ms. Garcia ay dapat lang na gawin niya ang lahat para sa karangalan nito. At kung bukas ng gabi ang huling pagkakataon niyang makapag perform bilang ballerina ay buong puso niya itong gagawin.

"Yes, I'm ready."

***

NAABUTAN ni Lexine na naghahagikgikan ang mga ka-grupo niya habang nakatambay sa tapat ng main entrance ng building. Napakunot ang noo niya. Kung kiligin kasi ang mga ito ay parang may artista na dumaan.

Paglabas ni Lexine sa automatic sliding door alam na niya ang dahilan. Sa tapat ng entrance nakaparada ang pamilyar na black R8 Audi Coupe V10 habang nakasandal sa gilid nito ang isang napakakisig na lalaki with his leather jacket, combat boots and rayban aviator. Mas nakasisilaw pa sa sikat ng araw ang kagwapuhan nito.

Nang matanaw siya ni Night ay agad itong tumuwid ng tayo at nakapamulsang lumapit sa kanya. Maging `yong mga ibang empleyado mula sa mga office sa ibang floors ay nakatingin na rin sa napakagwapong nilalang na nasa harapan nila. Tinalo pa nito si Chris Evans dahil kung nagsusumigaw ang ka-seksihan ng sikat na hollywood actor. Nagmumura naman ang sex-appeal ng kanyang prinsipe mula sa dilim. He has that natural seduction that can effortlessly seduce anyone in just one look. His gaze was enough to break a thousand hearts.

"Hey, cupcake," swabeng bulong nito si kanya. Akala niya ay bebeso lang si Night pero nagulat na lang siya nang hinuli nito ang magkabilang niyang panga at siniil siya ng nag-aalab na halik.

Hindi lang basta smack ang binigay nito sa kanya kundi may kasama pang panggigigil. Wala na siyang nagawa kundi pumikit at tumugon sa mga labi nito. Tumagal din ng ten seconds ang nakababaliw nitong halik kung kaya ten seconds din siyang nakarating sa ibang panig ng mundo.

"I missed you so much," he whispered in a husky voice.

Nakagat niya ang ibabang labi. Hay, ngayon na talaga siya naniniwala sa palaging bukambibig ni Xyrille. Pinagpala nga siya sa babaeng lahat. Gusto nang mag-cartwheel ng puso niya.

"I missed you too," aniya. Hindi nakaiwas sa peripheal vision ni Lexine ang inggit sa kanya ng mga babae sa paligid nila. Pinigilan niya ang kanyang sarili na mag-flip hair.

Inakbayan siya ni Night at inalalayan makapasok sa gwapo nitong kotse. Pinapagbuksan pa siya nito ng pinto at ito pa mismo ang nag-suot ng kanyang seatbelt. Amoy na amoy niya ang bango nito. Sobrang dikit ng mukha nito sa kanya at gusto na talaga niya itong dakmain at halikan ng paulit-ulit. Nabitin pa siya sa ten seconds!

avataravatar
Next chapter