214 Broken trust [2]

"Night… malalaman at malalaman ito ni Lexine, dapat ipagtapat na natin sa kanya ang totoo," napatakip nang bibig si Lexine nang makilala niya kung sino ang nagsalita.

Para siyang naging rebulto sa paninigas ng buong katawan habang sumandal siya sa gilid ng pinto upang makinig.

"No Dev, we can't tell her," sabi ni Night.

"Hanggang kailan tayo magtatago Night? Hindi na kaya ng kunsensya ko…"

"Please Dev… we can't, hindi niya pwedeng malaman."

Pakiramdam ni Lexine may malaking martilyo ang biglang pumukpok sa puso niya at dinudurog siya hanggang sa maliit na piraso. Mabilis at nag uunahan na tumulo ang mga luha sa kanyang mata.

How could they do this to her? To Eros? Night and Devorah were having an affair behind their back! Nang mga sandaling ito gusto na lang niyang magpalamon sa lupa.

"Night… we can't hide this forever."

"I know… but…"

Hindi na nakapagpigil si Lexine at buong tapang niyang binuksan ang pinto. Huling-huli nang mata niya na nakapatong ang dalawang palad ni Devorah sa kamay ni Night habang nakaupo sila kama at magkaharap at sobrang lapit sa isa't isa.

Sabay na namutla ang dalawa nang makita siyang nakatayo. Kitang-kita sa mukha nila ang pagkagulat.

"L-lexine…" agad tumayo si Night at nawalan ng kulay ang buong mukha.

Matalim na nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Si Devorah na hindi makapagsalita. Labis na galit ang nararamdaman niya nang mga sandaling ito. Hindi niya matangap ang lahat. Pinagkatiwalaan niya si Devorah, tinuring na parang nakatatandang kapatid pero ano ang ginawa nito? Inahas ang nobyo niya.

Sa sobrang galit ni Lexine hindi siya nakapagpigil, nagdilim ang paningin niya at mabilis na sinugod si Devorah.

"Walang hiya ka! Ahas!" parang kidlat na humakbang ang mga paa niya at isang iglap sinasabunutan na niya si Devorah.

"Lexine! No! It's not what you think!" sigaw ni Devorah pero hindi niya binitawan ang buhok nito at buong lakas na tinulak sa sahig at pinaibabawan at mabilis na pinagsasampal.

"Kitang kita ko kayo! Narinig ko ang mga pinag-usapan niyo! Mga hayop kayo ang bababoy niyo! Ahas ka! Ahas ka!" magkahalo ang iyak at sigaw niya at binuhos lahat nang nararamdamang pag-aalab ng dibdib.

"Lexine stop it! Stop!" sinubukan siyang pigilan ni Night pero hindi siya nagpaawat.

Walang nagawa si Devorah kung hindi sangain ang bawat sampal, kamot at hampas na ginagawa ni Lexine sa kanya.

"Ahas ka! Pinagkatiwalaan kita paano mo nagawa sa akin 'to! Ahas! Malandi ka!!!"

"Lexine!!!" bigla siyang binuhat ni Night.

"Bitawan mo ko! Bitawan mo ko hindi pa ako tapos sa ahas na 'yan!" nagpupumiglas siya pero matigas ang kapit sa kanya ni Night.

"Lexine stop! Ano ba! Stop this! Mali ang iniisip mo!"

Sa sobrang galit ni Lexine sinampal niya nang malakas si Night, tumigilid ang mukha nito sa gulat. Nag-aapoy ang mata ni Lexine kasabay nang bagyong luha sa kanyang mga mata. Namumula ang buong mukha niya at labis na nag-iinit ang buong katawan.

"How dare you!" buong gigil niyang sambit.

Humarap si Night, "Please, Lexine, let me explain," pagsusumamo nito pero tinulak niya ito nang malakas.

"Ano pa ang eexplain mo? Narinig ko ang pag-uusap niyo!" sigaw niya. Panay taas-baba nang dibdib niya sa sobrang galit. Wala siyang ibang nararamdaman ng mga sandaling ito kung hindi matinding pagkamuhi.

"Paano mo nagawa sa akin 'to Night?" punong-puno nang sakit ang boses niya.

Sinubukan siyang hawakan ni Night pero umatras siya na tila diring-diri na mahawaan ng sakit.

"Huwag mo akong hawakan!"

"Lexine, wala kaming ginagawa ni Devorah it's not what you think," desperadong-desperado na ang mukha ni Night dahil hindi na niya alam kung paano pa ipapaliwanag kay Lexine ang lahat.

Malaki sa kalooban niya ang tumututol na sabihin dito ang totoo pero hindi niya rin gusto na mag-isip ito nang masama tungkol sa kanila lalo na at hindi lang nito naiintindihan ang totoong nangyayari.

"Eh ano 'yon? Ano ang tinatago niyo sa akin? Ano ang ayaw mong malaman ko?" nanlilisik sa galit ang mata ni Lexine na hindi kumukurap.

Tila napipi si Night at hindi makapagsalita. Inantay ni Lexine na sumagot ito, magpaliwanag, sabihin na mali ang hinala niya dahil may ibang dahilan pero wala itong sinabi.

Ang mahabang pananahimik nito ang lalong dumurog sa kanyang puso.

"Sinungaling ka Night, manloloko ka… napakamanloloko mo… minahal kita paano mo nagawa sa akin 'to? I trusted you!" sunud-sunud na umagos ang mga luha niya at nakikipag-unahan ang mga hikbi.

Bigong-bigo ang mukha ni Night at umiiling, "Lexine no… it's not…" pero kahit anong pilit niyang ibuka ang bibig wala siyang salita na mabuo.

Panay ang pag-iling ni Lexine, nahihilam na siya ng sariling luha at galit, "Night… pinagsisihan kong minahal kita."

Tila isang matulis na kutsilyo ang mga salita nito na biglang tumusok sa dibdib ni Night. Pero hindi na siya binigyan nang pagkakataon pa ni Lexine na makapagsalita dahil mabilis itong tumakbo palabas ng silid.

"Lexine wait!" hinabol ni Night ang nobya pero naabutan niya itong nakayakap at umiiyak kay Cael habang nakatayo sa sala.

Nagtama ang mata nila. Nasa mata ni Cael ang galit dahil narinig at nakita nito ang mga nangyari.

Nagdilim ang buong mukha ni Night nang makitang ibang lalaki ang kayakap ni Lexine.

"Lexine… let go of her," madiin niyang sambit. Umaapoy ang mata niya sa anghel.

"Cael, please ilayo mo na ako dito," bulong ni Lexine.

Hindi na sumagot si Cael imbis, mabilis silang binalot ng liwanag.

"Lexine! Wait!"

Sinubukang pigilan ni Night ang dalawa pero mabilis na naglaho ang mga ito at tanging sumabog na mga puting balahibo ang naabutan niya.

"Fuuuuuck!" sa sobrang galit ni Night sinipa niya ang sofa. Hindi pa siya nakuntento kaya pinagsusuntok naman niya ang pader, "Arghhhh!" nagwawala na siya sa labis na emosyon na nararamdaman kailangan niyang ilabas lahat.

"Arrrrghhhhh!" binalibag niya ang lamesa, tv, couch, lahat nang mahawak niya sinisira niya.

Higit na nagagalit siya sa sarili dahil lahat ng ito ay kasalanan niya.

Umiiyak lang na tumayo si Devorah at hindi na rin alam kung ano ang dapat gawin. Nahihirapan siya para sa dalawa lalo na kay Night.

Walang ibang magawa si Devorah kung hindi panuorin kung paano magwala nang buong galit si Night buong gabi.

avataravatar
Next chapter