239 Auction

SA IISANG tao lang nakatuon ang mga mata ni Lexine habang nakatayo sa stage. Walang iba kung hindi kay Mr. Kim Park. Ang target niya ngayong gabi. Sisiguraduhin niya na tatapusin niya ang Lethium Demon na nagtatago sa katauhan nito.

Sumama siya sa mga bata. Sinasadya niyang akitin si Mr. Kim Park at hindi nga siya nabigo dahil kanina pa malagkit ang tingin nito sa kanya. Sigurado si Lexine na pipiliin siya ng matandang hukluban sa subastahan.

Sa paligid nakabantay si Elijah na nagpangap na isa sa mga waiter habang si Miyu naman na nagpangap na isa sa mga GRO sa table ni Mr. Kim. Ang dalawa ang kasama niya sa mission ngayong gabi. Nagpalitan ng makahulugang tingin ang tatlo.

Isa-isa nang pinasubasta ng host ang mga bata na sinimulan sa one million pesos. Labingdalawa sila sa stage. Siya ang pinakahuling ipapasubasta. Kailangan kumilos agad si Elijah at Miyu na mailigtas ang mga bata habang siya ang bahalang tumugis kay Mr. Park.

Hanggang sa siya na lang ang natira sa stage.

"For our angel number twelve! Place you bets!" anunsyo ng host.

"Fifty million pesos!" sigaw ng isang negosyante sa likod na couch.

"Fifty million pesos! Going once… going twice…" sabi ng host.

"Fifty five!"

"Sixty!"

"Seventy Five!"

"Eighty Million!"

"One hundred million!" sigaw ni Miguel.

Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa makisig na binata. Maging si General Benjamin ay nabigla din dahil biglang naging agresibo ang apo niya sa subastahan. Tumawa siya ng malakas, "You like her that much Migz?"

Umismid si Miguel at muling tumingin sa babae na nakatingin din sa kanya. He don't mind spending hundred of millions for her. Minsan lang ang ganitong pagkakataon na na-attract siya ng sobra.

Samantala, lukot na lukot naman ang mukha ni Bridget at nag-aalburoto sa tabi. What the hell?! She can't believe Miguel will spend a hundred million for that whore! Samantalang siya two hundred thousand lang ang binibigay sa kanya ni Miguel. She felt insulted but most of all, she's jealous!

Matalim ang tingin niya sa babaeng nasa stage. Gusto na niya itong sakalin o kaya ay saksakin ng kutsilyo sa labis na inis niya.

Umangat ang isang kilay ni Lexine habang pinagmamasdan ang binata sa couch na katabi ng couch na kinauupuan ni Mr. Kim. She never thought he was that rich. Kitang-kita niya kasi kung paano ito natulala sa kagandahan niya kanina. Pinipigilan niyang matawa.

But she doesn't need his money. Marami din siyang milyon sa bangko. Bilyon pa nga. Ang kailangan niya ay makuha si Mr. Kim Park. Kaya pinutol niya ang tingin sa gwapong lalaki at mapang-akit na tumitig kay Mr. Kim.

"One hundred and five million," sigaw ng assistant ni Mr. Kim.

Mas lalong gumanda ang ngiti ni Lexine. She knew it!

Hindi makakapapayag si Miguel kaya muli siyang nag-angat ng bet, "One hundred and ten million!"

Nagkatanginan si Mr. Kim at Miguel. Mayabang na tinaas ni Miguel ang isang sulok ng labi at sinasabing hindi siya magpapatalo sa matandang hukluban.

Muling bumulong si Mr. Kim sa kanyang payat na assistant, "One hundred and fifty million!" sigaw nito.

Nag-ingay lalo ang lahat. Nagtigas ang bagang ni Miguel. Talagang hinahamon siya ng matandang koreano. But he likes that girl so much at hindi siya papayag na hindi ito mapupunta sa kanya ngayong gabi.

"Two hundred million!" sigaw niya.

Napailing na si General Benjamin sa kabaliwan ng apo, "Migz, what are you thinking?"

"I want her Lolo," madiin na sagot ni Miguel.

Nagpabalik-balik ang tingin ni General Benjamin kay Miguel at sa babaeng nasa stage. Nagtama ang mga mata nila ni Lexine at pinipigilan niyang mapangiti. Kung alam lang ni Miguel kung sino at ano ang totoo sa pagkatao ng babaeng gusto nitong makuha. Napailing na lang si General Benjamin.

Of course he knows about Lexine's mission and why is she here. Ilang beses na silang nag-usap privately dahil si Lexine ang founder at leader ng Moonhunters na lihim na sinusuportahan ng Presidente kasama doon ang support ng buong AFP. Sa katunayan ay siya ang nagbigay ng lead kay Elijah tungkol sa magaganap na auction ngayong gabi.

He wanted Lexine to kill Mr. Kim Park.

"Two hundred and fifty million pesos!" sigaw ulit ng assistant ni Mr. Park.

Muling nanigas ang bagang ni Miguel handa na siyang itaas sa five hundred million ang bet niya pero pinigilan siya ni General Benjamin.

"Enough with your childish act Migz, let that girl be with Mr. Kim Park."

Malaki ang pagtutol ni Miguel, "Lolo I want her!" madiin niyang sambit na parang batang nagmamaktol sa kanyang lolo dahil ayaw siyang ibili ng robot na laruan na gustong-gusto niya.

"Bullshit Migz, stop acting like a brat. It's Mr. Kim Park's birthday. Give respect. Marami pang ibang babae diyan," tumaas ng bahagya ang boses ni General Benjamin.

Magsasalita pa sana si Migz pero naurong ang dila niya sa sunod na sinabi nito.

"And that's an order!"

Here and there. Wala na siyang laban. Afterall, he was still the General and he was just a captain. And soldiers never opposse orders from the high ranking officers. They are obliged to follow rules.

Walang nagawa si Miguel kund hindi magmaktol sa sofa at humalukipkip na parang bata. Sinubukan siyang lambingin ni Bridget pero sa badtrip niya ay iniwas niya ang braso na hinawakan nito. Halos maiyak si Bridget sa sobrang inis.

Muling bumalik ang tingin ni Miguel kay Lexine na ngayon ay bumaba na ng stage upang lumapit kay Mr. Kim Park. She's really beautiful at may kung ano sa dibdib niya ang nangagalaiti lalo na at ang isipin na mapupunta lang ang virginity nito sa isang matandang hukluban.

No! She was too precious for that filthy old man. Lalo na at duda siya na nasa disi-otso na ito. She looked like seventeen or younger. Although she had a mature curvacious body but her face looked innocent and pure.

Fuuuuuck! He badly wants her. Hindi siya makapapayag na mapunta ang babae kay Mr. Park. He needs to do something.

avataravatar
Next chapter