130 Angry Bull Girl

NILAGAY ni Ansell ang gym bag sa loob ng trunk ng kanyang pulang Hyundai Veloster. Katatapos niya lang maglaro ng basketball. Nakalaban nila ang grupo mula sa Xavier University at tulad nang inaasahan ay panalo ang kanilang team. Basa pa siya ng pawis nang pumasok ng drivers seat. Mamaya na lang siya maliligo sa condo lalo na at nagmamadali na siyang makauwi dahil ayaw niyang maabutan ng rush hour.

Ginising niya ang makina, nilagay sa reverse gear at umalalay sa manibela. Inangat niya ang paa mula sa break pedal. Palipat-lipat ang tingin ni Ansell sa rear view mirror at sa back camera screen nang biglang sumulpot ang isang bulto sa likuran. Buti na lang at mabilis ang reflexes ng paa niya at nakaapak agad siya sa break.

Nalaglag ang mga dalang pagkain ng babaeng muntik na niyang masagaan. Nanlaki ang mata niya nang walang sabing tinadyakan nito ang bumper ng kotse.

"What the fuck?" Napanganga siya nang malaki at nagmamadaling bumaba ng kotse. Agad niyang chineck kung nagasgasan ang bumper niya. Nag-init ang ulo niya nang makitang napipi iyon sa lakas nang pagkakasipa.

"What the hell." Tumaas ang lahat ng dugo niya sa ulo at naninigas ang bagang na hinarap ang babae. "Miss ano ba'ng problema mo? Why the fuck did you kick my bumper? Alam mo ba kung magkano ang presyo nitong sasakyan ko?"

Napanganga nang malaki ang babae kasabay nang panlalaki ng butas ng ilong nito. Tinalo pa nito ang galit na toro at parang handang-handa na siyang sugurin. "Eh, tarantado ka pala, eh! Hoy! muntik mo na nga `kong masagaan! Tignan mo nga 'tong ginawa mo!" Tinuro nito ang kumalat na take-out foods sa sahig. "Bayaran mo `yan!"

Nagbuga ng hangin si Ansell. He can't believe na matapos nitong tadyakan ang likod ng kotse niya ay ito pa talaga ang demanding at galit. "Miss, ikaw nga dapat ang singilin ko dahil niyupi mo ang bumper ko. Magkano lang ba `yang pagkain na natapon kumpara sa value nitong kotse ko?"

Pumamewang ang babae at mas lalong lumiyab ang mga mata nito sa galit. Para itong isang electric kettle na nagbabadya nang mag-ingay. Mabilis na pinasadahan ni Ansell ang kabuuan ng kaharap. Mas lalong kumunot ang noo niya sa itsura nito.

Una niyang napansin ang weird nitong fashion sense. The angry bull-girl was wearing a white sando and wrecked skinny jeans, paired up with high heeled ankle boots. She has a pixie cut blue-dyed hair, blue eyeliner and a shocking blue lipstick. Sandamakmak din ang piercings nito sa tenga at pansinin ang malaking tattoo na cross sa loob ng kanang braso nito. She obviously looks asian with her chinky eyes, morena skin and petite body type. Ansell can't help but to make a face. Who the hell is this girl? Kamag-anak ni Elsa, Ice queen the punky bitch version?

"Ah, ganun? Mahal pala ang kotse mo, edi gamitin natin ang insurance niyan!"

Sa gulat ni Ansell ay muling tinadyakan ng babae ang bumper niya and this time ay sa kabilang side naman. "Shit! Are you crazy!?"

"Kulang pa `yan sa hassle na binigay mo sa `kin ngayon! Alam mo bang gutom na gutom na ako at ang tagal-tagal kong pumila para lang sa pagkain na `yan tapos natapon lang ng dahil sa `yo!"

Hindi pa ito nakuntento at pinulot ang mga natapon na take-out foods at mabilis na hinagis sa kotse niya. "Shitface!" bulyaw nito sa kanya bago ito dire-diretsong naglakad palayo.

Shock na shock si Ansell sa nangyari. Halos malaglag ang panga niya sahig. "Hoy! Bumalik ka ditong babae ka! Hindi pa tayo tapos! I-dedemanda kita!"

Pero tila walang narinig ang babae at dire-diretso lang ito sa paglalakad. Tinaas pa nito ang isang kamay sa ere sabay binigyan siya ng middle finger.

Lalong napanganga si Ansell. Sa bwisit niya ay nasabunutan niya pa ang sarili at sinipa ang posteng sa kanyang tabi pero dahil napalakas ang tadyak niya kaya siya tuloy ang nasaktan. "Aw! Aw! Aw!" Nagtatalon siya sa sakit habang hawak ang paa.

Muli niyang nilingon ang direksyon na tinungo ng babae. Mabilis na itong nawala. nagbuntong-hinga si Ansell. May araw rin sa kanya ang babaeng toro na `yon.

avataravatar
Next chapter