webnovel

Underground World

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isang bundok, ang grupo ng mga tao na tumitingin ay natulala sa kanilang nakita, kasama na si Zhao Feng.

Pagkatapos ng sandstorm, ang bundok na kinatatayuan nila ay isang tuktok lang pala sa isang malaking butas. Ang pakiramdam ng pag-iisa ay kakaiba at may kalabisan.

Ang mga buhangin ay nilipad ng sandstorm, at ang buong paligid nila ay naging isang kawalan. Ang malamig na ihip ng hangin ay siyang ikinasinok ng mga disipulo ng Ten Thousadn Sacred Clan.

"Tignan niyo!"

"Iyan ang…?"

Ang mga tingin ng mga disipulo ay napunta sa lupa, at nakakita sila ng ilang mga malalabong estruktura.

Hmm? Hindi na maabot pa ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang mga ito; mayroong kakaunting bilang ng mga gusali sa ibaba. Bukod pa roon, hindi na buhangin ang nasa ibaba nila, kundi itim na putik.

"Hindi kaya….?" May ilang mga hula si Zhao Feng at ginamit niya ang kanyang God's Spiritual Eye para tumingin pa nang mas malayo.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com