webnovel

Ulo ng God corpse

Editor: LiberReverieGroup

Hawak ni Demigod Ferocity ang gulanit niyang palakol na itong ginamit niya para durugin ang mga atake ng kaniyang mga kalaban. Isang substandard God weapon ang higante niyang palakol, pero dahil sa may sira na ito, hindi na ito ganoon kalakas tulad kung buo pa ito. Gayunpaman, nalagpasan pa rin ng lakas ng higanteng pulang palakol na ito ang mga Heaven-grade weapons.

"Sky Sealing Eighteen Palms!" Ginamit ni Kun Yun ang technique niya muli gamit ang pagkakataong ito.

Whoosh! Whoosh!

May kumislap na gintong liwanag sa paligid ng katawan niya nang maglabas siya ng Demigod Intent sa kaniyang katawan bago itinulak ang eighteen golden palm phantos sa paligid ni Demigod Ferocity. Kahit pa hindi talaga kayang matakot ng technique na ito ni Kun Yun si Demigod Ferocity, kaya pa rin nito siyang patigilin.

Sou! Sou!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com