webnovel

Tribulation

Editor: LiberReverieGroup

Sa kagubatan.Naging madilim ang langit at isang bitak ng kidlat ang maririnig habang bumubuhos ang ulan.

Ang mga puso ng mga miyembro ng Broken Moon Clan ay miserable na at nadagdagan pa ito lalo nang pag-ulan.

"Ipinipikit na ba ng kalangitan ang mga mata nito sa atin? Binabasa pa tayo na parang mga aso bago mamatay?"

Punong-puno ng kalungkutan sina Vice Head Li at ang kanyang mga kasama.

Kumunot ang mga kilay ng matandang maliit habang nakatayo siya sa puno. Nang muntik na siyang matuluan ang ulan, agad itong itinulak paalis ng Qi ng kanyang True Spirit.

Halata namang naapektuhan rin ng panahon ang kanyang pakiramdam.

Miao miao!

Ang maliit na pusang magnanakaw ay masayang nilaro ang tansong barya sa kanyang pangalmot nang walang kahit anong panganib na iniisip.

Itinaas ni Zhao Feng ang kanyang ulo at hinayaang bumuhos ang ulan sa kanyang mukha na siyang nakapagpabasa sa kanyang damit. Sa mukha niya ay nakaguhit ang isang ngiti.

"Tumakas na kayong lahat. Gustong makita ng taong ito ang lakas ng isang nasa True Spirit Realm."

Umihip sa hangin ang buhok ni Zhao Feng habang isang tila sumasabog na aura ang dahan-dahang mararamdaman mula sa kanya.

Kahit kapapasok niya pa lamang sa 7th Sky, ang presyur na dala ni Zhao Feng ay higit na mas malakas pa kaysa sa mga nasa Half-Step True Spirit Realm.

"Nakababatang Kapatid na Zhao… Ikaw…"

"Paano mo naman malalabanan ang isang ekspertong nasa True Spirit Realm nang mag-isa? Lumaban tayo nang magkasama!"

Napabulalas si Yang Gan at si Vice Head Li.

Sa pagkakataong ito, ang puso ng mga miyembro ng Broken Moon Clan ay napuno ng pagsisisi.

Pinag-uusapan lamang nila kanina kung gaano kawalang puso si Zhao Feng habang tumatakas sila, pero ngayong nasa isang mapanganib silang sitwasyon, si Zhao Feng lamang ang may lakas na ipagtanggol sila.

"Tumakas na kayong lahat. Sapat na akong mag-isa."

Sinuri ng mga malamig na mata ni Zhao Feng ang mga taong naroroon.

Nang matapos ang kanyang mga sinabi, isang bayo ng hangin ang nagtulak sa kanila paalis.

Sa parehong pagkakataon, ang Yin Shadow Cloak ni Zhao Feng ay pumagaspas at naging isa siyang asul na guhit ng kidlat, na okasyonal na kumikislap habang bumabagwis sa hangin.

"Hehe, maliliit na mga panlilinlang."

Iniisip ng matanda na sinusubukang tumakas ni Zhao Feng kaya napangisi siya. Sa isang pitik ng kanyang dalawang daliri, dalawang lilang ahas na gawa sa hangin ang sumibad patungo kay Zhao Feng.

Nakaramdam agad ng lamig si Zhao Feng habang nasa gitna ng hangin.

Wind Lightning Destruction!

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang True Force at bloodline power sa pinakamataas nitong antas at isang mala-salaming tattoo ang lumabas sa kanyang katawan, na siyang nagdulot para maabot ng kanyang mga kakayahan ang tugatog nito.

Nagsama ang hangin at kidlat, na siyang nakabuo ng ipo-ipo na bumalot sa atake ng matandang maliit.

Shua----

Ang dalawang lilang ahas ay tila may kamalayan at nalagpasan nila ang hila ng hangin at kidlat, subalit, ang kulay nito ay dumilim ng 60-70%.

Pero tumalon pa rin patungo kay Zhao Feng ang dalawang ahas na ito.

Shuuu---

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago habang binubuo niya ang Lightning Barrier sa palibot niya. Naiwasan niya ang unang ahas pero kinailangan niyang salagin ang ikalawa.

Kahit ang atake nito ay nabawasan na ng 20-30% sa orihinal nitong lakas, nagdulot pa rin ito kay Zhao Feng na mapailing sa reklamo.

Ang unang ahas naman ay tumagos sa ilang malalaking puno, hindi naman ito natumba pero nagkaroon ng perpektong bilog sa gitna nito.

"Ang mga atake na nabuo sa Qi ng True Spirit ay hindi kapanipaniwala ang lakas. Kahit ang kapiranggot lang ng True Force ay sapat na para makapatay ng isang nasa Ascended Realm."

Ang Lightning Barrier na nakabalot kay Zhao Feng ay pumusyaw muna ng kalahati bago ito nagsimulang magpagaling

Ginamit niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan para lamang higupin ang kaswal na atake ng isang ekspertong nasa True Spirit Realm. Mula rito, makikita talaga ang malaking agwat sa kanilang cultivation.

Kahit ang Ascended Realm ay may malalaking agwat at pagkakaiba bawat Sky.

Pero ang kaibahan lang naman nito ay isang Sky.

Ang agwat ng Ascended Reaalm at ng True Spirit Realm ay napakalaki. Ang agwat na ito ay hindi agad mapupunan maliban lamang kung hindi ka tao.

"Hmm?"

Bahagyang nagulat ang matanda. Akala niya ay agad na mapapatumba ng kanyang atake si Zhao Feng pero tinunaw lamang nito ang kanyang atake.

Nakakita na rin naman ang matanda ng mga taong kayang salagin ang isang atake mula sa isang nasa True Spirit Realm pero ito ang unang beses niya na makakita ng isang hindi man lang nasugatan habang ginagawa iyon.

"Kaya ko lamang makipagpalitan ng apat hanggang limang atake sa isang nasa True Spirit Realm. Sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, ang sampu ay napataas na…"

Huminga muna nang malalim si Zhao Feng habang dinadama ang laki ng agwat nilang dalawa.

Hindi niya alam na napakahusay na nito sa mga mata ng isang nasa True Spirit Realm.

"Zhe zhe, kakaiba nga. Hindi na nakapagtataka kung bakit nakuha mo ang atensyon g Division Leader na naglagay ng Ghost Mark sa iyo."

Sumilaw ang interes sa mga mata ng matandang maliit.

Division Leader?

Nang marining ito, nayanig ang puso ni Zhao Feng habang inaalala niya ang misteryosong kalansay sa Sky Cloud Forest.

Sa pagkakataong iyon, ang Blood Corpse Protector ay mukhang mataas talaga ang respeto sa kalansay na iyon na tila tinaguriang Sub-Division Leader nila.

Pero mula sa bibig ng matandang kalaban niya, alam niya na rin sa wakas na ang kalansay na iyon ay ang Division Leader.

Division Leader. Sa Scarlet Moon Religion, iyan ang mga nakatataas na may lakas na hindi mo masusukat. Sa kanilang pinakamataas na antas, maikukumpara sila sa mga taong nasa Origin Core Realm na.

Habang iniisip ang puntong ito, huminga nang malalim si Zhao Feng.

Mabuti naman at ang misteryosong kalansay ay mukhang napakahina na at tanging ang magagawa niya lamang ay makapaglagay ang Ghost Mark sa kanya at hindi siya mismo ang kumalaban kay Zhao Feng.

Pero kahit nasa isang napakahinang estado, ang Ghost Mark na nilagay nito ay hindi kayang tanggalin kahit ng First Elder pa. Mula rito, makikita kung gaano siya kalakas at kalalim bilang tao.

"Bata, tingnan natin kung ilang atake ang kaya mong gawin."

Ipinalakpak ng matandang maliit ang kanyang mga kamay at isang maitim na lilang ahas ang bumalot sa kanyang katawan na siyang nagbigay ng nakasisindak na malamig na aura.

Naunawaan ni Zhao Feng na ang mga atake ng matanda ay naglalaman ng erosion ng mental energy. Syempre, nagmula siya sa Ancient Shrine kung kaya ganoon.

Mabuti na lamang at mataas ang kanyang resistensya sa mental energy at nang gamitin niya ang kanyang bloodline power, naging isang malabong usok na naman siya na lumilipad sa hangin.

"Hindi ko na kaya itong patagalin pa."

Nagtapon ng tingin si Zhao Feng sa mga ulap sa itaas at sa ulan at sa kidlat. Walang nakakaalam kung hanggang kailan ito magtatagal.

Nine Tribulations - Lightning Wind Palm!!

Bumulalas si Zhao Feng habang ang True Force niya ay nagsimulang yumanig at ang arko ng mga kidlat niya ay nagsimulang gumalaw.

Sa parehong pagkakataon, sinubukang makipag-ugnayan ni Zhao Feng sa LightningYuan Qi sa itaas niya.

Ayon sa sinasabi ng Lightning Wind Palm, mayroon siyang tsana na tawagin ang Nine Tribulations Lightning kapag ang panahon ay puno ng ulan at kidlat.

Tungkol lamang ito sa swerte.

Sa ilalim ng ganitong stwasyon, 90% ng mga cultivators ay tinatamaan ng kidlat at namamatay. Sa magandang paraan, minsan ay namamatay sila sa kalaban.

Subalit, ang Lightning Wind Palm ni Zhao Feng ay nasa advanced level na at naglalaman na ito ng Lightning Intent.

Ang ikapitong antas ang pinakamataas nitong lebel at kaya nitong tawagin ang Nine Tribulations Power na may hindi masukat na lakas.

Pero kahit ganoon, sinubukan pa rin ni Zhao Feng – kahit ang tsansang magtagumpay ito ay hindi 100%.

Subalit, nakakuha naman ng ilang kabatiran si Zhao Feng sa Origin Core Ruins at mas naintindihan niya na kung paano gamitin ang kidlat, muli, dahil dito, nabago na naman ang orihinal na Lightning Wind Palm.

"Anong nangyayari…? Bakit ang Lightning Yuan Qi ay nagtitipon-tipon?"

Tumigil ang anyo ng matanda nang makaramdam siya ng isang abnormal na aura.

Hong Long----

Pumutok ang kulog sa ulap.

Qiu-----------

Isang arko ng kidlat na may lawak na samoung yarda at singkapal ng isang puno ang dumaan sa ulo ni Zhao Feng.

"Ang sutil na ito ay baliw na… Gumagamit siya ng kidlat para patayin ang sarili niya?"

Ang matandang maliit ay puno ng gulat habang hindi niya namamalayang tumatakas na siya.

Nine Tribulations - Lightning Wind Palm!!

Ikinumpas ni Zhao Feng ang kanyang palad tungo sa matanda at dumirekta rito Nine Tribulations Lightning.

Ano!?

Nagulantang ang matanda at ang kanyang mukha ay biglang namutla. Ang kapangyarihan na nagmumula sa Nine Tribulations Lightning ay nakapagpatigas ng kanyang dugo.

"Anong nangyayari? Paanong ang sutil na ito ay nailalabas ang Lightning of Nature?"

Galit na galit na pinadaloy ng matanda ang kanyang Qi ng True Spirit habang sinusubukan niyang tumakas.

Boom------

Ang Nine Tribulations Lightning ay hindi siya direktang tinamaan pero kakarampot nito ang napinsalaan siya.

Napareklamo nang malakas ang matanda habang ang kanyang braso ay nasusunog at naglalabas ng itim na usok.

Nine Tribulations - Lightning Wind Palm!!

Inilagay ni Zhao Feng ang pareho niyang mga kamay sa hangin at tinawag ang dalawang arko ng kidlat patungo sa maliit na tanda.

Ang ekspresyon ng matanda ay napakapangit na habang sinusubukan niyang iwasan ito. Pero sa huli, nagasgasan pa rin siya ng Nine Tribulations Lightning, na siyang nagdulot sa kanya na dumura ng dugo.

Ang atakeng ito ay nagresulat ng lubhang pinsala sa matanda bukod pa sa nagamit niya na halos lahat ng kanyang Yuan Qi para salagin ang Lightning.

Nakatakas na rin siya pagkatapos ng ilang milya, na hindi na abot ng attack range ni Zhao Feng.

Ang kanyang katawan ay sunog na sunog na at kulay itim at napakarami niya ring mga sugat.

"Paano ito nangyari…? Hindi kaya… Dahil sa panahon!?"

Ang ekspresyon ng matanda ay nagbago. Hindi mahirap para sa kanya na hulaan ang katotohanan.

Sa pagkakataong iyon, ang Yuan Qi ng matanda ay ubos na at ang kanyang katawan ay lubhang napinsalaan. Kung hindi siya makakapagpagaling agad, magkakaroon siya ng mga problema na makapagpapababa ng kanyang cultivation.

"Takbo."

Dismayadong-dismayado ang matanda pero tumakbo pa rin siya agad.

Gamit ang katawan niyang halos malasog-lasog na, hindi siya kampante na matatalo niya si Zhao Feng. Bukod pa roon, may mga kasama pa itong iba.

Hu~

Bumaba na si Zhao Feng sa hangin, pagod na pagod.

Mukha sigurong madali lang at magaling ang pagkakakontrol niya sa Nine Tribulations Lightning, pero sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, ang isa o dalawang arko ng kidlat ang limit nito. Ito ay sa kadahilanang mayroon siyang God's Spiritual Eye at may mga kabatiran mula sa Ruins kung kaya, nakapagtawag siya ng halos sampung arko nito.

Pero ang epekto nito ay hindi lubos maparam.

Kani-kanina lang, halos makapatay na si Zhao Feng ng isang nasa True Spirit Realm.

"Ang Nine Tribulations Lightning ay isang power of nature. Kung kaya hindi ko rin ito makontrol ng ayon sa aking ninanais."

Nagpakawala ng isang mahabang hininga si Zhao Feng.

Nang makalapag siya sa kalupaan, ang mga miyembro ng Broken Moon Clan ay nakatulala pa at ang mga Core Disciples ay mukhang nananaginip pa rin.

Ang bibig ni Vice Head Li ay nakabuka nang pagkalaki-lali. Ito ang unang beses niya na makakita ng napakatinding eksena ng paglalabanan.

Ang mga pangyayaring naganap ay taliwas sa lohika.

Isang junior sa Ascended Realm ang lubhang nasaktan ang isang ekspertong nasa True Spirit Realm na siyang nagdulot para tumakas na lamang ito.

Walang maniniwala sa kanya kung sasabihin niya ito.