webnovel

Slaying a Martial Master of the 7th Rank

Editor: LiberReverieGroup

Boom~

Ang anyo ni Zhao Feng ay sumama sa palayo sa ihip ng hangin, ngunit sa paggamit niya sa kapangyarihan ng atake, umalis siya palabas sa sakop ng sumunod na atake ng lalaking may isang mata.

"Ang palad na ito…," nanigas ang lalaking mayroong isang mata sa isang sandali dahil naramdaman niya na ang kaniyang puwersa ay nahiwa at nasira.

Ang natutunang Mysterious Wind Palm ni Zhao Feng ay lumagpas sa peak rank. Natutunan lamang ni Zhao Feng ang kaunti nito, subalit pagtapos ng pag-eensayo ng apat na hindi pa kumpletong Holy martial arts, natagpuan niyang mas madali itong intindihin. Kung ang pag-uusapan ay kapangyarihan lamang, ang Mysterious Wind Palm ay hindi mas malakas kaysa sa Star Finger, ngunit nalagpasan nito ang ibang skills kung ang pagiging malalim ang pag-uusapan, at dagdag pa sa katotohanan na siya ay nakaabot na sa fifth level ng Metal Wall Technique, nagawa niyang lumikas ng ligtas.

Ang pagpapakitang gilas ni Zhao Feng ay nakakuha ng palakpakan mula sa ibang mga henyo. Ang kakayahan upang makatanggap ng isang suntok sa isang Martial Master at makaatras ng walang pinsala ay isang magandang bagay na mahirap gawin.

"Hindi ka makakatakas bata, ginamit ko lamang ang animnapung porsyento ng aking lakas kanina," ang boses mula sa bandidong may isnsg mata ay bumanda mula sa kaniyang likuran.

Ngunit si Zhao Feng ay hindi lumalaban mag-isa, mayroong ibang mula sa Ten Sky Guards ang tumutulong, at hindi katagalan, ang distansya sa pagitan ng dalawa ay lumawak na upang magawa ni Zhao Feng hatakain ang kaniyang pana.

Sou! Sou! Sou!

Ngayon pagkakataon, ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang skill na Archery's God's Left Eye, na nagdulot upang ang mga palaso ay umarko nang perpekto patungo sa lider ng bandido.

Ano! Nakita ng bandidong mayroong isang mata na ang mga pana ay sumabay sa hangin at wumarak sa pinakamahinang parte ng kaniyang mga depensa.

Shua! Isa sa mga natirang pana ang nag-iwan ng malalim na hiwa sa kaniyang balikat. Itong eksena ay mas lalo pang napaangat ang sigla ng mga Sky Guards Battalion.

"Isang mamamana ang lalaking iyon!" Huminto muna panandalian sila Lu Xiaoyu at ang kaniyang mga kasamahan, at saka ipinagpatuloy ang kanilang pag-atake.

Ceng! Ceng! Ceng…

Sa oras na ito, isa pang Battalion team ang nagpakita, at ito ay mas lalo pang malakas kaysa sa team ni Lu Xiaoyu.

"Ito ang team ni Lei Cong!"

Bagama't sila ay napakalayo, ang anyo ng kalbong naka pilak ay maaari pa ring makita. Si Lei Cong ay ranked second sa Ten Sky Guards, at halos marating niya na ang seventh rank.

"Atras!" Nagbigay ng utos agad ang lider ng bandido.

Ang kaniyang mga kakampi ay lubha nang nahihirapan, at dagdag pa ng isa pang mas malakas na team, wala na talaga silang pagkakataon.

"Bata! Kukuhanin ko ang buhay mo kahit anong oras," malamig na tumitig ang lalaking mayroong isang mata kay Zhao Feng bago tuluyang umalis.

"Kung kailan mo gusto!" Sumagot si Zhao Feng at isang malamig na asul na ilaw ang lumitaw sa kaniyang kaliwang mata habang tumitig siya pabalik sa bandido.

Anong nangyayari!?

Nanginig ang bandido at tila ba naramdaman niya na tinusok ng espada ang kaniyang puso, ngunit dahil siya ay paatras na, hindi niya masiyadong inisip ito.

"Ano iyon?" Naramdaman ni Zhao Feng ang pagtibok ng sakit sa kaniyang kaliwang mata at nalaman niyang nabawasan siya ng malaking halaga ng mental na enerhiya.

Hindi niya alam kung anong klaseng skill ang kaniyang ginamit kanina, ang naramdaman lamang niya ay ang kaniyang mental na enerhiya ay agad-agad na naubos, ngunit nakita rin niya ang gulat na tingin at takot sa mata ng bandido.

Dahan-dahang ipinikit ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at natagpuan niya ang na ang isang berdeng liwanag ng ilaw sa kaniyang mata ay umabot sa 2.3 metro, may walang hanggang kalapitan sa 2.33 metro.

"Magaling!" Nagagalak niyang sinabi. Dahil nakipaglaban siya sa lider na mayroong isang mata ngayon kamang, ang kaniyang cultivation ay tumaas sa peak sixth rank. Ngayon, ang kaniyang tunay na cultivation ay kaparehas na ng kay Lei Cong, ranked second sa Ten Sky Guards.

"Hahaha…Hindi ka puwedeng umalis at magpunta kung kailan mo gusto!"

Mula sa mga palumpong sa layo ng isang kilometro, isang magandang bata na may pilak na buhok ang nagpakita. Ang bata ay nagmukhang isang babae at mayroon siyang kasindak-sindak na aura habang siya ay nakatayo sa taas ng puno.

"Feng Hanyue!" Ang mga kabataan ng Sky Guards Battalion ay nagsigawan.

Siya ay isang bata na nasa labinglima o labinganim na taong gulang. Siya ay isang Martial Master na nasa seventh rank.

Seventh rank…

Nagulat ang bandidong mayroong isang mata at nalungkot sa iisang oras. Siya ay dalawampu't walong taong gulang nang marating niya ang seventh rank at sa oras na iyon, siya ay lubhang natutuwa para sa kaniyang sarili. Ngunit pagkakita kay Feng Hanyue, lahat ng tiwala niya sa kaniyang sarili at kayabangan ay pumutok lahat tila mga bulang naglalaho.

Ang lahat ng kaniyang mga nakamit ay wala kumpara sa batang nasa tapat niya.

Anong klase ang mga pinagmulan ng mga batang ito?

Naramdaman ng lalaking may isang mata na mayroong mali. Kung mayroong isa o dalawang henyong magpapakita, malamang ito ay nagkataon lamang. Subalit kung sila ay sabay-sabay na lumitaw, kahit isang baliw ay mahahalatang mayroong mali.

"Illusion Sky Stance!"

Isang kulay pilak na kislap ang nagmula sa katawan ni Feng Hanyue at sa isang iglap, siya ay lumitaw sa tapat ng bandido. Nagdulot ang bilis na ito upang mayanig ang puso ng lider ng bandido dahil ang skill na ito ay totoong Holy martial art, bagama't hindi pa ito lubos na natututunan.

Shattering Mountain Palm!

Hindi niya pinigilan ang kaniyang kapangyarihan sa oras na ito, at nakipagtapatan kay Feng Hanyue.

Boom!

Ang dalawang anyo ay nag-hmphed habang sila ay naghihiwalay.

"Huwag mong isiping makakaalis ka!" Dali-daling gumamit si Feng Hanyue ng isang hindi pa kumpletong Holy martial art at hinabol ang bandido. Ang dalawang anyo, isa tumatakbo, isa humahabol, ay naglaho sa loob ng gubat.

Sina Lei Cong at Zhao Feng lamang ang makakayang makahabol sa dalawang iyon.

"Kung kaya kong patayin ang bandidong ito, maaari akong makakuha ng dalawampung battle points," pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang Lightly Floating Ferry sa hangganan nito at nilabas ang kaniyang peak sixth rank cultivation kasabay nito.

Hindi kalaunan, ang mga anyo ay tuluyan nang naglaho sa malawak na gubat, iniwan ang grupo ng mga pagod na kabataan.

"Ang Zhao Feng na iyon ay hindi mukhang mas mahina kaysa kay Lei Cong," nag-usap ang ilang kabataan.

Sina Lu Xiaoyu at Li Ziwen ay nagpalitan ng tingin at nakita ang gulat sa mga mata ng isa't isa. Bago sila umalis ay pinagtawanan nila ang team ni Zhao Feng, ngunit hindi nila naisip na siya ay magiging sobrang lakas pala.

**********************

Sa kabilang banda…

Sina Zhao Feng at Lei Cong ay sinubukang palibutan ang bandido sa magkabilang banda habang siya ay nakatali kay Feng Hanyue. Nakakuha si Feng Hanyue ng ilang kabatiran sa hindi pa kumpleto na Holy martial art at ito ay naging mabilis, kaya naman alam ng bandidong hindi siya makakatakas.

"Huwag mo akong subukan!" Hiyaw ng lider na mayroong isang mata, at gumamit ng isang hindi kilalang sikretong skill na nagdulot upang tumaas ang lahat ng kaniyang attributes.

Breaking Mountain Unlimited!

Sumabog ang lider ng may tapang, at nagpakawala ng pinakamakapangyarihang atake na mayroon siya at nakipagsagupaan kay Feng Hanyue.

Deng!

Nangatog ang katawan ni Feng Hanyue at nahulog sa sahig sampung metrong layo ng mayroong dugong lumalabas sa kaniyang bibig.

Mamatay ka na!

Hinawakan ng bandido ang dugo na nasa kaniyang bibig at inatake si Feng Henyue.

"Hindi maganda!" Sambit ng anyong nakapilak na nagtatago sa gubat.

Shooosh!

Nang biglang, isang matamlay na asul na pana ang tumusok tagos sa kalasag na Inner Strength ng bandido at natuluyan ang kaniyang binti.

"Arghhh!" Sigaw ng bandidong may isang mata at halos mahulog mula sa alapaap.

Natamaan ng pana ang isang nerve meridian point sa kaniyang binti, at kung hindi para sa kaniyang solid na Inner Strength, ang pana na ito ay maaaring paralisahin ang kaniyang buong babang bahagi ng katawan.

"P*tang i*a!" Humarap sa hangin ang bandido at napagdesisyunang tumakbo palayo.

Ang pana na tinira ni Zhao Feng ay naglalaman ng kaniyang skill na Archery God's Left Eye, at hindi lamang nito nag resolba ang sitwasyon na kinaroroonan ni Feng Hanyue, napuwersa rin nito ang lider ng bandido na mayroong isang mata upang tumakas palayo.

"Mag-ingat ka!" Tumingin si Feng Hanyue kay Zhao Feng at Lei Cong, at saka umupo at nagsimulang magpagaling.

*****************

Hindi nagtagal…

Sina Zhao Feng at Lei Cong na lamang ang katapat ng bandido, ngunit ang bilis ng mayroong isang mata ay masiyadong mataas. Bagama't ito ang sitwasyon, malinaw na nakikita ni Zhao Feng na ang kalaban ay malapit nang matalo, napagmasdan ng kaniyang kaliwang mata ang sitwasyon sa loob ng katawan ng bandido. Ang kaniyang mga ugat at lamang loob ay napinsala mula sa paggamit ng kaniyang sikretong teknik.

"P*ta, masiyadong nagpupumilit ang mga batang ito!" Tinimiim ng bandidong may isang mata ang kaniyang mga ngipin.

Kahit ang bilis niya ay mas mataas at alam niya ang paligiran, hindi niya maaaring palayuin si Zhao Feng. Sa kabaligtaran, Papalapit lamang si Zhao Feng ng palapit.

"Kung iyan ang sitwasyon.." isang mapanganib na liwanag ang kumislap sa mata ng lalaking mayroong isang mata lamang habang siya ay huminga ng malalim at kumain ng pill habang nakaupo.

Makalipas ang sampung paghinga, lumitaw si Zhao Feng sa labas ng tatlong daang metro.

Sou! Sou!

Hinatak ni Zhao Feng ang kaniyang Golden Stairs Bow at ginamit ang kaniyang skill na Archery God's Left Eye. Ang kaniyang skill na Archery God's Left Eye ay kayang takutin ang mga Martial Masters na nasa seventh rank dahil siya lamang ay nasa ika-anim lamang.

"Mamatay ka na, bata…"

Mapuwersang pinigilan ng bandido ang kaniyang mga pinsala habang sinasampaya niyal palayo ang pana at tumalon patungo kay Zhao Feng.

Sou Sou Sou Sou---

Tuloy tuloy na hinatak ni Zhao Feng ang kaniyang pana at tumira ng tatlong pana na tila nagmukhang kidlat. Dagdag pa rito, ang tatlong araw na iyon ay naglakabay sa magkakaibang landas at nagpunta patungo sa magkakaibang lokasyon sa magkakaibang oras.

Mamatay ka na!

Binali ng bandido ang unang pana, iniwasan ang pangalawa, at ngayon ay napakalapit niya na kay Zhao Feng.

Shu!

Gumasgas ang huling pana sa kaniyang balikat, pinigilan lamang siya nito nang panandalian. Isang ngiti ng tagumpay ang lumitaw sa mukha ng bandido.

Habang papalapit siya ng papalapit kay Zhao Feng, mayroon siyang kumpletong lakas ng loob na kaya niya siyang patumbahin sa maikling panahon.

One Line Star Finger!

Tumulak paharap ang bata sa kaniyang harapan imbes na umatras at biglang, naglabas siya ng isang makapal at makapangyarihang aura. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang kumawala ang peak sixth rank aura ni Zhao Feng.

Shua!

Ang berdeng linya ay tila isang tali na habang gumuguhit sa gabi ay nagmukhang bulalakaw. Nalagpasan nito ang mga limitasyon ng sixth rankers dahil ang Star Finger ay nakarating sa pinakahuling uygto ng fourth level.

Flowing Wind Stance!

Isinanib ni Zhao Feng ang kaniyang skill sa hangin, na nagdulot upang mas bumilis pa ang skill. Ngingiti pa lamang ang bandido, nang ito ay makita ng kaniyang mata at kumitid ito.

Shooo…

Isang asul na liwanag ang tumama sa noo ng bandidong mayroong isang mata.

Ploom!

Nanigas ang katawan ng bandido habang lumilitaw ang dugo sa gitna ng kaniyang noo. Ang kaniyang mga mata ay puno pa rin ng gulat at takot, ngunit ang liwanag sa kaniyang mata ay nagsimula nang dumilim...