webnovel

Sky Forest Murderous Intent

Editor: LiberReverieGroup

'Anong nangyayari?' Naramdaman ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata ay tumatalon at ang kanyang dugo ay sumasailalim sa isang pagbabago na pinapahintulutan siyang mabilis na sipsipin ang enerhiya.

Siguradong ang abilidad ni Zhao Feng upang sumipip ng gamot at nalagpasan na ang mga normal na tao. Ito'y dahil ang isang normal na tao ay nangangailanangan ng tatlong pagtatangka upang masipsip ang isang supot ng Body Strengthening Powder. Gayunpaman, si Zhao Feng ay sinipsip lamang ito ng isang beses at ang lahat ng enerhiya ay nawala.

Si Zhao Feng ay kumislot nang naisip niya ang dalawang libong pilak niya ay nagastos sa loob ng isang maikling panahon. Ngunit mabuti nga ito, ang lahat ng enerhiya ay nasipsip niya.

Sigurado siya na ang training speed ng Metal Wall Technique ay mataas ang itinaas.

"Anong klaseng mutasyon ang nangyari sa katawan ko? Ang bilis ng pag-sipsip ko ay malaki ang itinaas." Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang katawan ay may mga itinatagong sikreto na hindi niya alam. Kaya lamang niyang makumpirma na ang lahat ng ito ay may kinalaman sa kanyang kaliwang mata.

Nang sumunod na araw, unang nag-cultivate si Zhao Feng sa Air Crossong Breathing Technique, pagktapos ay itinuloy ang pag-gamit sa Body Strengthening Powder.

Sa loob lamang ng tatlong araw, ang kanyang Metal Wall Technique ay naabot na ang pangalawang antas. Gayunpaman, ang lahat ng kanyang Body Strengthening Powder halagang na nagkakahalaga ng anim na libong pilak ay naubos na.

Ang unang dalawang natas ng Metal Wall Technique ay hindi masyadong pinagbutiang pangkabuuang lakas ni Zhao Feng. Ang kanyang lakas ay nadagdagan, subalit ang kanyang depensa ay nadagdagan lamang ng mahigit kumulang dalawampung porsiyento,.

Ito'y dahil sa katotohanang napaka lakas ng pundasyon ni Zhao Feng. Kung naabot niya nag pangalawang antas bago niya maabot ang ika-apat na ranggo ng Martial Path, ang pagtaas ng kanyang lakas ay magiging napaka-halata.

"Ang pangatlong antas lamang ang nagpapahintulot upang ang katawan ng isang tao ay maging kasing lakas ng metal, at sanggain ang mga sandata. Pinapahintukutan nito ang depensa ng isang tao upang madagdagan ng malaki.

Gusto itong maabot ni Zhao Feng, ngunit ang kanyang Body Strengthening Powder ay naubos na at ang kanyang training speed sa Metal Wall Technique ay bumalik na sa bilis ng isang pagong.

'Pera, pera, peram,' nagbungtong hiniga si Zhao Feng. Ang lahat ng kanyang ipon ay wala na. Wala na siyang pera ngayon.

Inilabas niya ng Air pill na binili niya, ilang araw na ang nakakalipas. Ang gamit ng Air pill ay upang pinuhin ang Inner Strength ng isang tao, na malaki itinutulong sa mga Martial Artists.

Si Zhao Feng ay agad na kinain ang pill at nagsimulang mag-cultivate ng Air Crossing Breathing Technique. Ang Air Crossing Breathing Technique ay talagang namumukod tangi na maging ang lolo ni Zhao Yufei ay inilabas ang Metal Wall Technique para ipag-palit dito. At sa pamamagitan ng mental energy na nakuha niya mula sa kanyang kaliwang mata. si Zhao Feng ay maaring mag-cultivate ng dalawang beses na mas mahaba kaysa nung dati, na nagpapahintulot sa kanyang Inner Strength na tumaas sa isang napaka-taas na bilis.

Nakaramdam muli si Zhao Feng ng init na nanggagaling mula sa kanyang kaliwang mata na pinapayagan ang kanyang abortion rate na tumaas.

***********************

Isang araw at isang gabi ang nakalipas…

Si Zhao Feng ay naglabas ng hiniga nang itinaas niya ang kanyang palad. Isang mahinang berder liwanag ay umiikot ng mabagala sa bilog, na may dalang isang makapangyarihang pressure.

Ang kanyang Inner Strength ay naabot na ang tugatog ng ika-apat na ranggo ng hindi nalalaman. Dahi ang Metal Wall Technique at Air Crossing Breathing Technique ay sabay na nakapasok sa parehong oras. Ang pundasyon ni Zhao Feng ay nagsimalang maging mas matatag.

Kinalkula niya na mayroong anim hanggang pitong araw na natitira bago ang paligsahan.

"Ang Metal Wall Technique ay nasa tugatog na ng pangalawang antas at ang Inner Stregth ko ay maikukumpara na sa tugatog ng ika-apat na ranggo. Ang aking cultivation ay halos maabot na din ang tugatog ng ika-apat na ranggo.

Gamit ang lakas na ito, mayroon siyang 40-50% tiyansang maabot ang top three. Gayunpaman, upang manalo, si Zhao Feng ay mayroon lamang 30%, kasama narin ang 70% ng isang tabla gamit ang speed ng Lightly Floating Ferry.

'Hindi pa sapat!" Iniling ni Zhao Feng ang kanyang ulo, ang tiyansa upang manalo ay masyadong mababa.

Kung ito'y upang talunin si Zhao Han o upang maabot ang top three, kinakailangan niyang dagdagan ang kanyang lakas. Gayunpaman, gamit ang mga normal na paraas upang mag-cultivate, ang kanyang cultivation at Metal Wall Technique ay magigiging mahirap na mapagbuti,

"Mukhang kailangan ko muling pumunta sa Sky Cloud Forest." Sabi ni Zhao Feng matapos pag-isipan ng mabuti. Agad niyang kinuha ang isang mahabang hugis-parihabang kahon sa loob ng kanyang kuwarto.

Ang kulay pilak na pana ay inilatag sa loob ng kahon na kahoy. Ang kulay pilak na pana ay ang binili ni Zhao Feng sa Sun Feather City. Tanging ang mga totoong Martial Artist lamang ang kayang gamitin ang kanilang lakas.

Habang may pana sa kamay, si Zhao Feng ay umalis ng Zhao sect. Pagkatapos ay bumili siya ng ilang bagay sa Sun Feather City bago dumiretso patungo sas Sky Cloud Forest.

Sa lalong madaling panahon na umalis siya ng Sun Feather City, tatlong anino ang mabilis na dumaan sa city gates bago umalis. Ang dalawang taong nakasuot ng itim ay may itim na balat at magkamukha.

"Kuya! Malamang ang batang 'yon ay patungo sa Sky Cloud Forest," isa sa mga taong nakasunot ng itim ang agad na nagsabi.

"Mabuti. Yun ang perpektong lugar para natin gawing ang ating trabahao. Sinisugurado ng planonng 'to na ang batang 'to ay siguradong mamamatay!" ang kuya ay sumagot, puno ng killing intent.

********************

Si Zhao Feng ay kayang sanayin ang Lightly Floating Ferry kung saan man niya gustuhin kapag walang tao sa paligid.

Siya'y kasing gaan ng isang balahibong lumilipad sa hangin, minsan ay nag dodouble jump sa ere.

Sa wakas, ngayon, ang Lightly Floating Ferry ay naabot ang na ang mababang antas.

Teng! Teng!...

Sa malawak na lugar na 'to, pakiramdam niya'y siya'y Malaya katulad ng isang ibon.

'Nasa ika-apat na ranggo palang ako ng Martial Path at mayroong ganoong pakiramdam. Kung malampasan ko kaya ang ika-siyam na ranggo, magagawa ko bang lumipad?' nasasabik na inisip ni Zhao Feng.

Pagkatapos ng kalahating oras, narating narin ni Zhao Feng ay Sky Cloud Forest.

Ang walang katapusang gubat at tulad ng isang bukas na bunganga ng isang deadly beasts. Wala nakaka-alam kung anong mayroon sa pinaka-malalim na parte ng Sky Cloud Forest. Ang tanging nalalaman lang ni Zhao Feng ay habang palalim ng palalim ang pinuntahan ng isang tao, ay mas lalong mas mataas na tiyansang makatagpo ang isang tao ng isang deadly beasts. Ang mga oportunidad at panganib ay laging magkadikit sa isa't-isa.

Si Zhao Feng ay maingat na sinuri ang lugar para mga palatandaan ng mga hindi kilalang hayop gamit ang kanyang kaliwang mata. Paminsan minsa'y nakakakita siya ng ilang malalakas na deadly beasts sa may layong apat na pung kilometro,

Inilabas ni Zhao Feng ang kanyng silver bow at nilagay niya ang kanyang Inner Strength dito. Ang pisi ay nagsimulang maningig sa kapangyarihan.

Sou----

Isang silver arrow ang ay lumipad sa kagubatan at tinamaan ang isang dalawang daang kilong ligaw na baboy, dalawang daang metro ang layo.

Tonk!

Ang pana ay pumasok sa mata at ulo ng baboy, nagsabog ng dugo sa lahat ng dako. Ito'y nagpumiglas ng ilang saglit bago bumagsak. Ang dalawang daang kilong baboy ay magiging isang mahirap na laban kapag nialabanan ng harap-harapan ng mga cultivators ng ikatlong ranggo.

Hindi pinulot ni Zhao Feng ang katawan ng baboy. Sinasanay lamang niya ang kanyang kasanayan sa pana. Ang kanyang tunay na target ay ang mga wild beasts. Sa pamamagitan lamang ng pagpatay sa mga wild beasts ay makakakuha siya ng pilak na kinakailangan niya para sa kanyang mga cultivation resources.

"Ang lakas ng panang 'to ay hindi na masama. Sa loob ng tatlong daang hakbang, ang lakas ng bawat pana ay kapantay ng isang buong lakas ng ika-apat na ranggo.

Clap, clap, clap…"Hindi masama, hindi masaman. Hindi ko inakala na ang aking target ay ngayon ay isang mamamana." Isang pumapalakpak na tunog ang naggaling mula sa harap niya.

"Sino?" Si Zhao Feng ay nagulat.

Nakita niya na sa tuktok ng puno, dalawang daang metro ang layo, ay nakatayo ang isang lalaking kasing payat ng kalansay na nakasuont ng kulay-abong damit . Ang taong 'to ay parang isang multo na nakabitin sa isang puno. Kung ang isang tao ay hindi sapat na maingat, maiisip ng isang tao na siya'y isang basahan.

Gamit ang kanyang kaliwang mata, nakita ni Zhao Feng na ang aura ng tao ay magkakasama sa isang kakaibang paraan, ginagawa itong hindi makita.

Sa una niyang inspeksyon, ang kalaban ay naabot na ang ikalimang ranggo ng Martial Path at natuto rin ng isang skill na katulad ng Hiding Air Technique, pati 'rin ng isang tracking skill.

"Sino? Hehe…malapit ka nang mamtay, hindi mo pa ba maunawaan?" pang-aasar ng lalaking nakasuot ng kulay-abong damit. Mukhang wala siyang kahit anumang intensyon na umatake sa loob ng maikling oras. Gayunpaman, ang kanyang mga mata ay naka titig kay Zhao Feng.

Ang kamay ni Zhao Feng ay may hawak na tatlong nakakalasong palaso habang hinarap niya ang mamamatay-tao.

'Bakit hindi siya gumalaw?' Si Zhao Feng ay nakaramdam ng kakaiba. 'Di nagtagal, napagtano niya kung bakit.

"Hahaha…bata, pumunta ka sa kamatayn mo!"

Ilang daang metro sa likod niya, dalawang lalaki, na nakasuot ng itim, ay paparating. Pareho nilang naabot ang tugatog ng ika-apat na ranggo.

Dalawang patusok na atake!

Ang ekspresyon ni Zhao Feng ay nagbago. Gayunpaman, ang lalaki na nagibigay ng pinaka delikadong pakiramdam ay ang isa na nasa harap niya.

"Oras na upang tapusin ito ngayon" Isang kurbadang patalim ang lumitaw sa kamay ng lalaking nakasuot ng damit na kulay abo.

'Anong dapat kong gawin?" agad na inisip ni Zhao Feng.

Sa panahong 'to, mula sa kalaliman ng kanyang kaliwang mata, ay nanggaling ang pamilyar na humahampas na tunog

"Patayin!"

Ang dalawang lalaki sa kanyang likod ay isa o dalawang daang metro na ang layo ngayon. Ang bawat kilos nila ay bumagal sa mga mata ni Zhao Feng.

Gayunpaman, ang lalaking nakasuot ng kulay abo sa harap ay nakatayo na parang kahoy, hindi gumagalaw. Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay naka-lock parin sa lalaking 'to dahil siya ang pinaka mapanganib sa kanilang lahat.

Isang daang metro!

Ang dalawang lalaking nasuot ng ito ay tumatawa ng walang pigl. Mukhang iniisip na nila na si Zhao Feng ay mahahati sa ilang mga piraso. Gayunpaman, si Zhao Feng ay kalmado parin.

Biglang, ang kalwang mata ni Zhao Feng ay naramdaman na ang dugo at Inner Strength sa loob ng katawan ng lalaking nakasuot ng kulay-abong damit ay gumagalaw…

Sa sandaling 'yon, ang mga mata ni Zhao Feng ay mapanganib na kumislap habang inilalagay niya ang talong nakalalasong palaso sa kanyang pana.

Sou! Sou! Sou!----

Ang tatlong palaso ay naka-ayos sa isang kakaibang disenyo, tulad ng isang tatsulok na tumira patungo sa lalaking nakasuot ng kulay-abong damit.