webnovel

Sa Aking Ngalan

Editor: LiberReverieGroup

Sa himpapawid, ang Void God Realm King at Emperor ng Earth Spiit Hall ay nagtipon-tipon. Gayunman, wala sa kanila ang nakakaramdam na sila ay ligtas. Bakas sa kanilang mga mukha na lahat sila ay galit, gulat o kaya naman ay takot. Lahat sila ay tahimik at ang mga noo ng mga natitirang King at Emperor ay puno ng malalamig na pawis.

Marami sa kanila ay puno ng pagsisisi at kawalan ng pag-asa. Kung maibabalik lamang nila ang oras, sila ay tatakbo palayo bago pa man masimulan ni Zhao Feng ang kaniyang pagpatay upang hindi nila maging kalaban ang bangungot na ito. Gayunpaman, ngayong nasimulan na ni Zhao Feng ang kaniyang pagpaslang, wala na silang magagawa kahit na makatakbo pa sila. Walang kahit sino ang nagduda sa kakayahan ni Zhao Feng na patayin silang lahat.

"Zhao Feng, huwag kang pabigla-bigla. Ang pagpatay mo sa mga taong ito ay walang madudulot sa iyo o sa Ten Thousand Sacred Clan ng kahit anong pakinabang.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com