Sa itaas ng bundok, pinapanood lamang ni Zhao Feng sina Yu Xingchen at Yu Tianhao na umalis nang may taimtim na ekspresyon.
Simula noong makabalik siya mula sa kanyang inheritance, ang kanyang lakas ay tumaas nang ilang beses. Ang kanyang cultivation, pang-unawa, kaluluwa, at eye bloodline ay lahat tumaas ang kapangyariham, at sa nakaraang taon, kinaya niyang magcultivate ng kapiranggit na bahagi ng Puple Destruction Lightning.
Naniniwala siyang hindi siya natatalo sa loob ng buong kontinente laban man sa kahit sinong nasa ibaba ng Origin Core Realm, pero ang labang ito ang siyang naglagay ng pagtigil sa kanyang kaarogantehan at pagiging sobrang makumpiyansa.
"Kahit gaano mo pa iniisip na ikaw ang pinakamagaling, palaging may mga taong mas magaling pa rin sa'yo. Sino ang nakakaalam kung ilan pang malalakas na henyo ang mas magaling kaysa sa akin? Isang baga lang naman ako na nasa tuktok ng Azure Flower Continent."
Ang mga mata ni Zhao Feng ay desidido na.