webnovel

Pagsali ni Zhao Yufei

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa himpapawid:

Boom!

Nahulog mula sa langit papunta sa lambak ang matangkad na si Jiu Wuji.

Sa mga oras din na ito dumating ang Thirteenth Prince kasama ang kulubot na elder. 

Kinabahan sila. Alam nila pareho ang taglay na kapangyarihan ni Jiu Wuji - na tanging si Zhao Yufei lamang ang makakatalo. Sinasabing halos hindi mapantayan ng kahit sinong mas mababa sa Emperor level si Jiu Wuji, at ang kanyang battle-power ay hindi bababa sa ilan sa mga tanyag na Peak-tier Kings.

"Napakabilis natapos ng laban! Paano nagawa iyon ng mga tulisan na may lilang buhok?" Nagulat ang kulubot na elder.

Kadarating lamang nila, resulta lamang pala ang nakita nila, hindi ang buong pangyayari. Sa kanilang pagsusuri, mabilis natapos ang naging laban sa pagitan ni Jiu Wuji at ng mga tulisan na may lilang buhok.

Miao!

Isang silver-gray na pusa na may golden-gray na latigong kuwintas at halos kasing laki ng palad ang nagpakita.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com