3 Pagpasok patungo sa Second Rank ng Martial Path

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Isang galaw, talo ka na…"

Si Zhao Feng ay mayroong ekspresyon ng pagkagulat at excitement na mahirap itago.

Nanalo ako? At sa isang galaw lang?

Bago ang laban, dahil sa mga pagbabago sa kanyang kaliwang mata, si Zhao Feng ay nakakasigurong sa pamamagitan ng bilis ng kanyang reaksyon at paningin ay kaya niyang salagin ang isa sa mga galaw ni Zhao Kun, at kung maayos ang kanyang paggamit dito ay maaring pa itong lumagpas sa sampung galaw.

Pero, ang resulta ay hindi niya inaasahan!

Ang mga atake ni Zhao Kun ay napakabilis para sa ibang mga nanonood, pero sa kaliwang mata ni Zhao Feng, ang lahat ng kanyang galaw ay kasing linaw ng araw. Kapag ang kanyang kaliwang mata ay gagamitin sa lubos nitong kakayahan, naramdaman ni Zhao Feng na ang mga galaw ng kanyang kalaban ay mabagal at clumsy.

Nagulat siya dahil nakita niya ang mga butas sa skill ni Zhao Kun.

Butas sa isang high ranked martial art!

Hindi rin maintindihan ni Zhao Feng kung paano niya nakikita ang mga kahinaan ng kanyang kalaban nang napakadali? Siguro dahil hindi pa lubos na upgraded ang skills ng kanyang kalaban.

Sa huli, si Zhao Feng ay nag react base sa kanyang instinct, katulad ng ginawa niya sa langaw na binigyan niya ng nakamamatay na suntok na nagpanalo sa kanya sa loob lamang ng isang galaw.

Hua!

Lahat ng mga disciples sa martial arts field ay nagulat.

"Mali ba ang nakita ko?! Ang natalo ay si Zhao Kun!"

"Tama ka!" Ang taong natalo ay si Zhao Kun!"

Lahat ng Zhao disciples ay lumaki ang mga mata at may weird na mukha.

"Paano ito nangyari… paano ako natalo sa taong 'to?" Mayroong 'di makapaniwalang mukha si Zhao Kun. Biglaan siyang natalo kaya't 'di niya maintindihan kung paano ito nangyari.

Sa oras na ito, ang mga ekspresyon sa mukha ni Zhao Feng at Zhao Kun ay magkatulad.

"Aksidente lang iyon!" Noong nakita ng mga Zhao disciples ang ekspresyon sa mukha ni Zhao Feng, naintindihan na nila.

Pagkatapos itong masabi, lahat sila'y nagsimulang sumang-ayon.

"Tama ka! Napakaswerte siguro ng batang 'to, nanalo siya nang hindi sinasadya"

"Napakaswerte niya…"

Maraming tao ang mabilis na sumang-ayon sa dahilan ng pagkapanalo ni Zhao Feng.

"Swerte? Siguro nga." Mahinang ngumiti si Zhao Feng at tumalikod para umalis.

"Bata! Diyan ka lang!"

"Dinakma ni Zhao Kun ang kanyang tiyan habang mabagal siyang tumatayo at madiin niyang sinabi "Zhao Feng! Sinuwerte ka lang, kaya ka nanalo. Maglaban muli tayo!"

"Maglaban muli?" Kinunot ni Zhao Feng ang kanyang kilay at tumingin kay Zhao Kun, "Una, may tama ka pa. Pangalawa, wala na akong oras!".

Pagkatapos niyang sabihin ito tumalikod siya papunta sa sulok ng martial arts field at iniwan ang grupo ng mga disciples na nagulantang.

"Walang hiya!" Pagkatapos kong gumaling, peperpektuhin ko ang Thirteen Changes of the Poisonous Snake ko, pagkatapos ay lalabanan muli kita."

Ang mukha ni Zhao Kun ay puno ng galit habang walang imik siyang umaalis.

Sa kanyang pagbalik-tanaw sa laban, may sariling pagsusuri si Zhao Kun kung bakit siya natalo at mayroong tatlong pangunahin dahilan:

Una, minaliit niya ang kanyang kalaban…

Pangalawa, ang natutunan palang niya ay ang Unang Tatlong Galaw ng Thirteen Changes of the Poisonous Snake at mayroon pa itong butas na hindi pa napeperpekto.

Pangatlo, napakaswerte ni Zhao Feng.

****************

Sa kabilang panig ng martial arts field, si Zhao Feng ay nagsimula nang magsanay.

"Ang pangunahing dahilan kaya nagawa kong manalo ay dahil minaliit ako ni Zhao Kun at nakita ko ang mga butas at kahinaan ng kanyang galaw dahil hindi pa rin niya napeperpeko ang high rank martial art skill niya.

Alam ni Zhao Feng ang sagot sa kanyang puso. Si Zhao Kun ay siguradong hindi na magpipigil sa kanya sa susunod na laban at kung mapeperpekto niya ang Unang Tatlong Galaw ng Thirteen Changes of the Poisonous Snake, walang kumpiyansa si Zhao Feng na mananalo pa siya muli.

Ang dahilan ay ang napakalaking agwat sa pagitan ng first rank at ng second rank Martial Path.

Ang Martial Path ay may kabuuang siyam na ranggo, ang unang tatlong ranggo ay kilala bilang Body Ranks.

Ang Body Ranks ay tungkol sa pagkuha ng lakas at pagdagdag sa iyong pundasyon.

Kaya ang pagitan ng unang ranggo at pangalawang ranggo ng Martial Path ay humigit-kumulang 100kg kung lakas ang pag-uusapan.

Kaya nga, sa ilalim ng mga normal na kundisyon, para manalo ang first rank laban sa second rank ay nakagugulat at lalo na kung ang panalo ay sa isang galaw lang.

"Ang pangunahing diin ay dagdagan ko pa ang aking lakas!" Huminga nang malalim si Zhao Feng at nagsimulang magsanay muli ng Flaming Metal Fist.

Ang Unang Galaw… Pangalawang Galaw… Pangatlong Galaw…

Ang Flaming Metal Fist ay kasing swabe katulad ng tubig, mas swabe pa kaysa sa dati.

Hah!

Habang tinatapos ni Zhao Feng ang kanyang kata, mayroon siyang nasasabik na mukha. Ang Flaming Metal Fist ay may kabuuang tatlumpu't dalawang galaw at kaya niyang tapusin ito sa isang hininga lamang, mas mabilis kaysa sa dati. Ang lakas ng kanyang galaw ay tumaas din!

Pagkatapos tapusin ang kanyang kata, naramdaman niyang mas maganda at mas mabilis ang pag daloy ng kanyang dugo, tila ba'y nasusunog ito.

Peh! Peh!...

Kasabay nito, ang tibok na nagmumula sa kanyang kaliwang mata ay naging mas halata.

Sinarado ni Zhao Feng ang kanyang mata at ang kanyang kamalayan ay nahulog papunta sa napakadilim na dimensiyon

Sa gitna ng dimensiyon, mayroong mahinang berdeng ilaw.

Sa una, ang mahinang berdeng ilaw ay may lawak na mahigit kumulang sa anim-napung sentimetro at medyo mahina.

Ngayon, ang lawak at ang liwanag ng mahinang berdeng ilaw ay mukhang mas lumaki.

"Maarin ba ito? Ang mga abilidad ng mata ay konektado sa aking lakas?" Masayang hula ni Zhao Feng.

Ang pagbabago sa kanyang kaliwang mata ay nagbigay sa kanya ng tyansa na baguhin ang kanyang kapalaran. Una, hinayaan siya nitong talunin si Zhao Kun. Pangalawa, kapag sinasanay niya ang kanyang mga galaw, mas lalo itong nagiging sobrang pino.

"Isa pa!" Tumalas ang mata ni Zhao Feng habang sinimulan uli niya ang pagsasanay sa Flaming Metal Fist.

Hu Hu Hu…

Ang mga galaw ni Zhao Feng ay pabilis nang pabilis at mga ito ay perpektong kumukonekta sa bawat isa.

Pagtapos niyang mag sanay sa ikatlong pagkakataon, ang kanyang bilis ay dumoble kumpara sa dati at ang pinsalang dulot ay malaki din ang itinaas.

Sa pamamagitan ng kanyang paghinga, naramdaman niya na ang pag ikot ng kanyang dugo ay naging mas maayos at ang mga parte ng kanyang katawan na hindi mapalakas noon ay nagsimula nang lumakas.

"Sa ganitong bilis, kakailanganin ko lang ng ilang araw bago ako makapasok sa ikalawang ranggo ng Martial Path."

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang improvement ay halata na.

Nagsanay siya hanggang gabi, pagtapos ay pinunasan niya ang kanyang pawis at dumiretso sa kanyang bahay. Pagka-uwi, iniisip pa rin niya ang tungkol sa pagbabago ng kanyang kaliwang mata.

Upang maituloy ang aking bloodline of the Eye, pamumunuan mo ang lahat, kokontrolin ang bawat lahi. Ikaw, swerteng bata ka, 'wag mo akong bibiguin…

Naalala niya ang boses na nanggaling sa napakadilim na dimensiyon bago siya nawalan ng malay.

"Maaring nagmula ang mata na ito sa isang sinaunang mala-Diyos na existence at sa isang aksidente ay sumanib sa aking mata" ipinagpalagay ni Zhao Feng.

Pati na sa gabi, kapag binuksan niya ang kanyang mata ay nakikita parin niya ang lahat ng bagay sa labas. Ang kadiliman ng gabi ay halos wala ng impluwensya sa kanya ngayon. Ang kanyang mata ay nakikita parin ang mga ibon na ilang kilometro ang layo.

Nahiga si Zhao Feng noong gabing iyon at naramdaman niya ang kanyang mata na naglalabas ng mainit na mga tibok na sumanib sa kanyang dugo.

Sa ilalim ng hindi maipaliwanag na pakiramdan na ito, nakatulog si Zhao Feng

**********************************

Kinabukasan…

Nagising si Zhao Feng, inunat ang kanyang mga kamay at paa para magsanay sa maliit na bakuran.

Masyadong nang matanda ang bakuran na ito, at ang paligid ay 'di na maganda. Kapag mas malakas na ako, siguradong hahayaan ko ang mga magulang ko na tumira sa isang malaking bakuran, sinabi ni Zhao Feng sa kanyang puso.

Mabilis niyang sinimulan ang pag-eensayo ng tatlumpu't dalawang galaw ng Flaming Metal Fist.

Hu Hu Hu..

Ang kanyang kamao ay binuhat ang hangin at mayroon na itong matinding lakas. Tuwing ibinabato niya ang kanyang mga suntok ay may nararamdaman siyang kakaiba.

Sa pagitan ng kanyang paghinga, ang kanyang dugo ay nagngangalit at nagbibigay ng isang malakas na aura, tuwing susuntok siya ngayon ay halos umaabot sa 200-250kg ang lakas.

"Ano?!"

Nagulat si Zhao Feng, ang kanyang dalawang kamao ay lumabo sa dalawang tagpi ng pulang ilaw.

Ka Ka Ka!

Isa sa kanyang mga suntok ay tumama sa malaking puno na nasa harap niya at ang sanga na kasing laki ng isang kamao ay nagpirapiraso.

"Hindi! Hindi ito ang lakas ng isang nasa unang ranggo, maaari kayang…" Tumalon ang puso ni Zhao Feng.

Para mapatunayan ang kanyang teorya, huminga siya ng malalim at nilagay ang lahat ng kanyang lakas sa isang yapak.

Peh!

Yumanig ang lupa, ang mga layer nito ay nadurog at nag-iwan ng bakas ng paa ni Zhao Feng na may mga dalawang sentimetro ang lalim sa masikip na lupa.

Ang kanyang ekspreyon ay naging masaya dahil noong tinamaan ng palad niya ang isang bato na halos tatlumpu't kilogramo ay nadurog ito sa mga piraso.

Ang ganitong uri ng lakas ay hindi isang bagay na pwedeng magkaroon ang first rank ng Martial Path

"Ikalawang ranggo ng Martial Path… Nakapasok na ako sa ikalawang ranggo ng Martial Path!" Pinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at sinimulang pikiramdaman ang lakas na dumadaloy sa kanyang katawan.

Akala niya ang pagpasok papunta sa ikalawang ranggo ay aabutin pa ng ilan pang araw, pero di niya na naisip na nakapasok na siya pagkatapos ng isang gabing tulog.

Ang kamalayan niya ay pumasok sa kanyang kaliwang mata, at doon ay natagpuan ni Zhao Feng na ang mahinang berdeng ilaw ay lumawak mula sa mahigit kumulang animnapung sentimetro papuntang animnapu't pitong sentimero.

Naramdaman niya ang kanyang enerhiya ay mas malakas kumpara sa dati at nagkaroon din ito ng iba't ibang pagbabago na hindi maipaliwanag…

avataravatar
Next chapter