Binabalaan ako ni Zhao Feng, na kahit wala pa ang Dark Heart Seed, marami siyang paraan para patayin ako.
Naramdaman ng Skeletal Division Leader na tila mapalad siya.
Mayroon pala Jade Protection Dragon si Zhao Feng pero ni kailanman ay hindi niya ito ginamit. Kitang-kita naman na gagamitin niya lamang ito kapag sobrang kritikal na ng pagkakataon.
Bago pa ito, inisip ng Skeletal Division Leader na tumakas. Ngayong alam na nito na may ganito lalang klaseng pakulo si Zhao Feng, hinding-hindi siya pagtataksilan ng Skeletal Division Leader kahit wala pa ang Dark Heart Seed.
Napakalakas ng kapangyarihan ng Jade Dragon Protection. Agad-agad nitong mapapatay ang mga Sovereigns, samantalang ang mga normal na Void God Protections ay kaya lamang na pinsalaan ang mga Sovereigns nang malubha.
"En."
Natuwa na si Zhao Feng at ang tingin niua ay naalis na mula sa Skeletal Division Leader.