webnovel

Labanan para sa Pirate Emperor

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang mala-metal na ship of Death ay nanatili malapit sa ipo ipo. Hindi nagawang makapasok nito.

Walang nagawa si Wen Luoan, ang Yin Yang Lord, at ang Death Guard habang tinitignan ang malaking ipo ipo.

Ang ipo ipo ay nakakonekta sa kapangyarihan ng Heaven and Earth sa buong Pirate Sacred Land. Hindi ito basta-basta natatalo ninuman.

"Nawalan na tayo ng pagkakataon. Na maging kaisa ng mga Pirate King si Zhao Feng at makapasok sa Pirate Emperor Sacred Land," nakatanggap ang Yin Yang Lord na kaunting impormasyon.

Ang mga Death Guard na nakasakay sa barko ay nakapaligid at nakuha ang ilan sa mga pirata sa malapit.

Walang panlabas na eksperto ang pwersahang nakapasok sa Pirate Emperor Inheritance.

Kahit ang peak Emperors gaya ng Emperor of Death ay hindi nagawang makapasok sa Pirate Emperor Sacred Land ng pwersahan.

"Maliit lamang ang inheritance ng Pirate Emperor Inheritance kumpara sa Demigod Forgotten Garden, at hindi totoong pirata si Zhao Feng, kaya hindi siya makakatanggap ng kahit anong real fortune o inheritance," tahimik na ngumiti si Wen Luoan.

Sa huling kalahati ng isang taon, nabawi na ni Wen Luoan ang kaniyang cultivation, at humakbang ng malayo matapos ang fortune at karanasan ng Demigod Forgotten Garden.

Siya ay isa ng half-step King.

"Hindi magtatagal ng kalahating buwan ang Pirate Emperor Inheritance. Hihintayin lang natin lumabas si Zhao Feng. Tipunin ang ibang Death Spirit Lord at Death Guards," sinabi ng may malalim na boses ng Yin Yang Lord habang binibigay ang kaniyang mensahe sa ibang taga-utos na kalapit ng Emperor of Death.

Sa kabilang panig ng ipo ipo, labing dalawang barko ang naglayag sa mapanirang alon.

Walang nakakaalam kung ilang oras na ang lumipas, ngunit isang maliit na isla na nababalot ng misteryosong makalumang berdeng ilaw ang lumitaw.

Tumayo si Zhao Feng sa palapag at sinuri ang kakaibang dimensyon.

Sa kaniyang paningin ay ang limitless water, ngunit di tulad ng limitless ocean ng mundong panlabas.

Ang mapanirang alon ay tinulak ang mga barko sa kaisa-isahang piraso ng lupa – ang maliit na lupa sa sentro.

"Ito ay sikretong ream na malamang ay mas higher ranked sa Demigod Forgotten Garden, bulong ng batang Demigod, at namangha si Zhao Feng. Ang Pirate Emperor Inheritance ay parang inheritance ng peak Emperor, ngunit ito ay talagang highly ranked secret realm?

"Malapit na tayo sa Pirate Emperor Sacred Land!"

Ang mga piratang naglapag ng barko ay nasasabik nang magsimula sila sa maliit na isla.

Nakikita ni Zhao Feng ang labing-walong peaks sa isla, gayundin ang malaking bundok sa pinakasentro na tila nakaligtaan ang iba.

Mukhang may aura ng isang Emperor ang bundok.

"Hehe, matapos makapasok sa Pirate Emperor Sacred Land , ang labing-walong Pirate Kings ay muling ipamamahagi, at ibang Pirate Emperor ang ipapanganak," sambit ng hindi gaano katandang lalaking mayroong mahabang balbas.

Malamang, hindi pag-iinteresan ng normal Kings ang trono ng Pirate Emperor. Ang may malaking tiyansang makakakuha nito ay ang Cold Moon King, ang Giant Shark King, at si Zhao Feng.

"Mukhang ang dimensyon na ito ay hiwalay sa mundong panlabas,"

Nagkulay lila ang buhok at kaliwang mata ni Zhao Feng, at nakita niyang hindi pangkaraniwan ang dimensyon sa kaniyang God Spiritual Eye.

Ang isla sa sentro ay mukhang napakaliit na parte ng secret realm, ngunit ang mapanirang alon ay tinulak lahat ng barko at nilalang na may buhay patungo doon.

Kung minsan, umaaot sa baybayin ang labing-dalawang barko.

"Bilis!"

"Kunin ang pagkakataong ito!"

Nagsimulang tumungo sa isla ang mga pirata gamit ang lahat ng kanilang bilis.

Mayroong orihinal na ancient apperance ang isla, at di hamak na mas maganda ang pinagkukuhanan dito kumpara sa Purple Saint Ruins.

Bukod dito, pinupuntirya din ng mga pirata ang labing-walong peaks.

"Zhao Feng! Lahat ng labing-walong peaks ay naglalaman ng inheritance ng Pirate Emperor. Pwede kang mamili kung ano ang babagay sayo," sabi ng lalaking may gintong buhok.

Whoosh!

Matapos niya sabihin ito, ang lalaking may gintong buhok at lalaking may mahabang bigote ay tumungo sa kani-kanilang peaks.

Pagkatapos pumasok sa Pirate Emperor Sacred Land, ang mga pirata ay naglaban-laban para sa kanilang kinabukasan.

"Ang trono ng Pirate Emperor!"

Ang Cold Moon King at ang Giant Shark King ay sabay na lumipad patungo sa malaking bundok sa pinaka-sentro." Itong malaking bundok ang nagrepresenta sa laban para sa trono ng Pirate Emperor.

Ding! Ding! Bam~~~

Nagsimulang maglaban ang dalawang Pirate Kings sa sumunod na naabot ang bundok, at ang ibang Pirate Kings ay hindi sumali.

Bawat isa ay may kaniya-kaniyang planoKapag natanggap ng Cold Moon King o Giant Shark King ang inheritance ng malaking bundok, sila ang magiging susunod na Pirate Emperor.

Kapag isinilang ang Pirate Emeperor, magagawa nilang pasunurin ang Eighteen Corners Pirate Sacred Land.

Lumipad sa kalangitan si Zhao Feng at tinignan ang buong isla, at nagpakita ng pagkadismaya.

Ito ay malinaw na, habang ang Pirate Emperor Inheritance ay natatangi, mayroon parin pagitan sa Demigod Forgotten Garden at sa Pirate Emperor Inheritance.

Ang pinagkukuhanan sa lugar na ito ay hindi maikukumpara sa Demigod Forgotten Garden.

Ang lugar na may mas magandang kapalaran ay ang eighteen peaks at ang sentro ng bundok.

Gayunpaman, ang problema ay hindi masiyadong interesado si Zhao Feng sa Pirate Emperor Inheritance.

Walang bagay na inheritance para sa kaniya dito.

Kahit gaano kalakas ang Pirate Emperor, siya ay isang peak Emperor lamang, at wala siyang eye-bloodline.

Mayroong Wind Lightning Emperor Inheritance at God Tribulation Lightning si Zhao Feng.

Kahit anong inheritance na mas mababa sa Sacred Lord ay hindi nakakaakit para sa kaniya.

Sa kabilang banda, anng batang Demigod ay sumali sa labanan para sa pinagkukuhanan sa isla.

Kahit gaano kapayat ang isang lamok, may laman parin ito, at agad na kinailangan ng batang Demigod ang pinagkukuhanan para bawiin ang kaniyang lakas dahil nililimitahan siya ni Zhao Feng.

"Huwag ka pumatay ng maraming tao," iniutos ni Zhao Feng.

Hindi niya gustong wasakin ang balanse sa isla. Baka magdulot ito ng hindi inaasahang kalabasan sa Pirate Sacred Land.

Boom!

Isang malaking itim na poste ang lumitaw sa kalangitan mula sa kasalukuyang peak.

"Napakabilis!"

"Isang tao ang nakatanggap ng parte ng Pirate Emperor Inheritance ng ganon kabilis?"

Ang mga pirata sa isla ay nasurpresa, at nakita ni Zhao Feng ang peak kung saan nanggaling ang itim na poste na mula sa inheritance ng Demonic Dao.

Sa tuktok ng bundok, isang Pirate King ang nababalot sa itim na ilaw at dahan-dahang sumanib sa bundok at nawala.

Weng~~

Nababalot sa itim na ilaw ang bundok, na humaharang sa mga pumapasok.

Alam ni Zhao Feng na kumpirmado na ang susunod na Pirate King.

"Aking Lord, sa iyong lakas, bakita hindi ka lumaban para sa peak?" isang half-step pirate King ang tumingin Zhao Feng ng may pagkalito.

Ang piratang ito ay kampon ng Cold Moon King.

"Ayoko maging pirata, at ayokong pagbawalan ako sa Pirate Sacred Land," umiling si Zhao Feng nang may ngiti.

Hindi kaakit-akit ang Pirate Emperor Inheritance pasa sa kaniya, at hindi rin ito nababagay sa kaniya.

Ang mas mahalaga, kapag nakatanggap siya ng inheritance, isang Pirate King Token ang sasanib kay Zhao Feng, na siyang magbabawal sa kaniya sa Pirate Sacred Land.

Sa sandaling ito, tumingin si Zhao Feng sa ibaba kung saan ang labanan sa isla mula sa itaas.

Ang pinakamabangis na laban ay sa pagitan ng Cold Moon King at ng Giant Shark King.

Pareho sila napinsala sa nakaraang labanan, at sa labang ito malalaman kung sino ang mamamatay at sino ang mabubuhay.

"Cold Moon King, mas napinsala ka kaysa saakin. Kapag nagpatuloy ito, matatalo ka," sinabi ng Giant Shark King sa malalim na boses.

"Makikita natin!" Malamig ang mukha ng Cold Moon King nang humiwa siya gamit ang kaniyang patalim at espada, gamit ang kaniyang bilis at opensa para makakuha ng kalamangan.

Sa bilis at opensa, ang Cold Moon King ang pinakamagaling sa tatlong figureheads.

Gayunpaman, ang katawan at bloodline ng Giant Shark King ay napakalakas, at dalubhasa sa depensa, kaya mababalewala ang mga atake ng Cold Moon King.

Maliban doon, ilan sa ibang peaks ay nakipaglaban sa ilang pirata.

Nawalan ng maraming Void God Realms ang Pirate Alliance sa labanan noon, kaya may higit sampung Kings lamang ang naroon, habang may labing-walong peaks sa isla.

Hangga't ang isa ay isang hari, madaling makukuha ang peak, at ang natitirang peaks ay pinaglalabanan ng ilang half-step Kings o peak Sovereign Lords.

Kasabay nito, ang lower-middle echelon na pirata na walang karapatan na lumaban para sa peaks ay naghanap ng pagkukuhanan.

Ang pinaka kaswal na tao sa buong isla ay siguradong si Zhao Feng.

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang God Spiritual Eye ay tumingin sa paligid ng isla at sa dimensyon.

"Zhao Feng! Tulungan mo ako. Kung makukuha ko ang trono ng Pirate Emperor, ako ay may utang sayong pabor, at bababayaran ko to ng higit sa sampu sa hinaharap," isang malamig, malinaw na boses sa kaniyang tenga, at nakita ni Zhao Feng na sa Cold Moon King ang boses na iyon.

Ang perpektong katawan ng Cold Moon King ay nababalot sa liwanag ng buwan, at ang kaniyang binti ay kasing puti ng niyebe, at may ilang mga dugong marka sa kanila.

Mahigpit niyang hinawakan ang espada at patalim at mabilis na gumalaw gaya ng kidlat.

Hindi siya mahina kaysa kay Zhao Feng kung paguusapan ang bilis, at ang kaniyang opensa ay tama lang para sindakin ang Emperors.

Sa maikling salita, ang Cold Moon King ang may kalamangan, ngunit masasabi ni Zhao Feng na maraming enerhiya ang ginamit ng Cold Moon King.

Bumilis ang kaniyang paghinga, at patuloy sa pag-angat at pagbaba ang kaniyang dibdib dulot nito.

Nagsimulang lumitaw ang pawis sa kaniyang noo habang tinitignan niya si Zhao Feng na may nagmamakaawang titig at determinasyon.

Alam ni Zhao Feng na bihira lang humingi ng tulong ang Cold Moon King

Kasabay nito, ibig sabihin pinagkakatiwalaan niya si Zhao Feng.

Wala parin nagagawa si Zhao Feng hanggang ngayon, at iniisip ng iba na iniisip niya ang trono ng Pirate Emperor.

Ito ang naisip ng Giant Shark King; pinananatili niya ang kanyang lakas at gumawa ng mga paghahanda upang kontrahin si Zhao Feng.

"Giant Shark King, ibigay mo ang trono ng Pirate Emperor sa Cold Moon King," masiyadong tuwid si Zhao Feng.

"Ano?" Nanigas ang katawan ng Giant Shark King ng tinitigan niya si Zhao Feng ng nag-aalinlangan.

Iniisip niya na iniisip ni Zhao Feng an tungol sa trono ng Pirate Emperor, kung kaya hindi pa siya kumikilos, ngunit tutulungan ba ni Zhao Feng ang Cold Moon King? Maari bang hindi maging interesado si Zhao Feng sa trono ng Pirate Emperor?

Kung iyon ang kaso… nanlamig ang puso ng Giant Shark King.

Sa isang labanan dati, ang lakas ni Zhao Feng at ng batang Demigod ang naging dahilan para respetuhin siya ng ibang Pirate Kings.

Ang batang Demigod ay kayang sugpuin ang Intent ng isang Emperor, at ang huling Void Space Eye Slash ni Zhao Feng ay lubos na pininsala ang Emperor, na naging dahilan para lumamig ang puso ng iba.

"Zhao Feng! Hangga't hindi ka makikialam sa labanan para sa Pirate Emperor, papayag ako sa lahat ng gusto mo," mabilis na sinabi ng Giant Shark King.