webnovel

Kapanganakan ng Itim na Kabayo

Editor: LiberReverieGroup

Hu!

Naglabas ng isang mahabang hiningia si Zhao Feng habang siya'y umuupo.

Si Zhao Feng ay isang itim na kabayo sa paligsahan ng grupo. Gami ang kanyang core ranked martial arts, tinalo ang sinumang nasa landas niya. Maging si Zhao Chengang, na ikapito ang ranggo sa mga outer disciples ay natalo sa kanya.

"Ano kaya ang nangyayari sa ibang mga grupo." Ang mga mata ni Zhao Feng ay sinuri ang iba pang mga entablado. Ang preliminaries ay nahahati sa sampung grupo, ang bawa't entablado ay may magkahalo9ng mahihina at malalakas na mga disciples.

Maliban kay Zhao Feng, madami ding ibang tao ang nanalo ng dalawampung laban ng sunod sunod, kaya't nagawa din nilang makapasok diretso sa susunod na round. Ang pinaka mabilis sa kanila ay si Zhao Yijian mula sa pangalawang grupo.

Ang espada ni Zhao Yijian ay napaka bili, bago pa man makapag reak ang kanyang mga kalaban, naabot na nito ang kanilang lalamunan. Kung bilis ang pag-uusapan para makapasok sa susunod na round, si Zhao Yijian ay mas mabilis maging kay Zhao Yue.

"Mula sa mga outer disciples, ang top three lang na sina, Zhao Yufei, Zhao Yue at Zhao Yijian ang kayang pagbantaan ako."

Ang edad ni Zhao Yue ay medyo mas mataas, labimpitong taong gulang, at ang kanyang katawan ay maskulado mukhang napaka laki.

"Reverse Wind Fist!" Isa sa mga disciple ng ikatlong ranggpo ay sinuntok si Zhao Yue, pero siya'y hindi man lang gumalaw.

Ano!?

Ang noo ng disciple ay nagsimulang magpawis. Anong klaseng depensa!

Si Zhao Feng ay medyo nagulat. Ang buong atake ng isang nasa ikatlong ranggo ay hindi man lamang nasaktan ng kahit maliit si Zhao Yue. Siguro'y si Zhao Yue ay nagsanay sa isang high rank body strengthening skill para hayaan ang kanyang depensa na lagpasan ang pinsala na dinulot ng kaparehong ranggo.

Si Zhao Feng ay hindi kayang tanggapin ang mga atake ng isang nasa ikatlong ranggo gamit lamang ang kanyang katawan.

Kung si Zhao Yijian ay masasabing mabilis at mabangis, si Zhao Yue ay ang kabaligtaran. Siya ay mabaga; at ang kanyang depensa ay hindi malalampasan.

Si Zhao Yufei ay gumagamit ng kalambutan para matalo ang katigasan, Kaswal niyang iwawagayway ang kanyang kamay at tinatalo ang kanyang kalaban. Bawat galaw niya ay walang kamali-mali. Siya ay nakasuot ng isang balabat na kulay lila at ang kanyang kagandahan ay namumukod tangi. Ang mga nanood sa kanya ay nagkaroon ng preskong pakiramdam.

"Sino siya? Para magkaroon ng lakas ng isang quasi Martial Artist sa napakabatang edad." Maging ilan sa mga inner disciple ay naapektuhan ni Zhao Yufei.

"Siya'y parehong maganda at talentado. Kapag ang taong katulad niya ay makapasaok sa mga inner disciples, hindi man lamang tayo magkakaroon ng pagkakataon."

"Masyado parin siyang bata. Dalawang taon pa at baka siya'y maari nang ikumpara sa pinaka magandang babae sa Sun Feather City, si Qiu Mengyu.

Hanggang sa isang punto, mas maraming tao ang nakatuon sa kanya kaysa kay Zhao Yue at Zhao Yijian, na una at pangalawa. Ito'y dahil sa kanyang kagandahan at talento.

Hindi nagtagal, ang bawat grupo ay may isang tao na may dalawampung sunod-sunod na panalo. Ang unang grupo ay si Zhao Yue, pangalawang grupo ay si Zhao Yijian, pangatlong grupo ay si Zhao Yufei, ang pangapat na grupo ay si Zhao Gan, ang panglimang grupo ay si Zhao Guang.

Lahat silay nakaranggo sa top ten outer disciples.

Gayunpaman, mayroong isang hindi inaasahang tao mula sa pangpitong grupo. Si Zhao Feng ay isang itim na kabayo na lumabas at kinuha ang lugar ni Zhao Chengang.

Maliban sa sampung taong 'to, kaunting ibang tao ang nanalo ng mga labang ng sunod-sunod.

Ang paligsahan ng grupo ay nagtuloy-tuloy hanggang may sampung tao nalang ang natitira sa bawat grupo. Sa loobg lamang ng isang araw, mayroon na ngayong kabuuang bilang ng isang daang taong natira. Ang isang daan na ito ay ang mga piling tao ng mga outer disciples.

Sa ikalawang araw, ang isang daang tao ay nagkita muli sa Sky Martial Field.

Matapos makapag pahinga ng isang gabi, napaka sigla ng pakiramdam ni Zhao Feng. Nahanap niya na ang mga laban na ito ay tinulungan ang kanyang cultivation hanggang sa isang punto.

"Ngayong araw, papasok tayo sa pangalang round ng pag-tatanggal! Lahat kayo'y mga pili ng mga outer disciples, subalit ngayong araw, kalahati sa inyo ay matatanggal, limampu sa inyo ang maiiwan para pumasok sa huling torneo! Ito ang mga patakaran…" isang boses ang nagsalita sa buong field.

Ang isang daang kalahok ay pinigilang ang kanilang paghinga habang sila'y nakiking sa mga patakaran.

Ang pagraranggo ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkakaroong ng mga puntos, ang lahat ng tao ay nagsimula sa isang puntos at bawat laban na napanalunan nila ay dadagdagan ang kanilang mga puntos ng isa at kada talo ay isang puntos ang mababawas,

Sa huli, ang limampung tao na may pinakamaraming puntos ay lalaban sa mga inner disciples.

"Simulan na!" ang boses ng tagapag-husga ay narinig.

"Numero isang daan at apatnapu't apat laban kay numer dalawampu't anim!"

"Numero pitumpu't tatlo laban kay numero apat na raan at dalawampu't siyam!"

Ang sampung magkakaibang entablado ay mabilis na nagkaroon ng mga laban.

Marami ang aanmin ng pagkatalo kung nakita nila ang kanilang kalaban ay napaka lakas. Halimbawa, ang mga kalaban nila Zhao Yue at Zhao Yijian at umamin ng pagkatalo nang nakita nila sila. Sa halip titipirin nila ang kanilang lakas para sa susunod na round.

"Numero isang daan at walumpu't walo laban kay numero isang daan at animnapu't siyam.

Sa wakas, oras na ni Zhao Feng. Ang kanyang kalaban ay isang binatang maitim ang mukha na nasa ikalawang ranggo.

"Inaamim ko na ang pagkatalo!" Ang binatang maitim ang mukha ay nakitang iyon ay si Zhao Feng, kaya't agad siyang sumuko.

Si Zhao Feng ay medyo nagulat. Ang binatang maitim ang mukha ay nasa kaparehong grupo ni Zhao Feng noong unang round, subalit hindi sila nagpalitan ng kamao.

Tulad nito, si Zhao Feng ay nakamit ang kanyang unang puntos at ang kanyang tally ay tumaas sa dalawa.

Hindi nagtagal, nakaharap ni Zhao Feng ang kanyang pangalawang kalaban. Ang kanyang kalaban ay isang babae na nasa ikalawang ranggo,

"Alam ko ang lakas mo ay malakas pero hindi ako susuko," Ang babaeng nakasuout ng simple ay kinagat ang kanyang labi.

Sa harap ng ganitong uri ng mahinang babae, ang ilan ay sadya siyang hahayaang manalo.

"Flaming Metal Fist!"

Ang simpleng suntok dumating muli at pinatalsik ang babae paatras ng anim na metro. Isang galaw, simple ay mabilis! Hindi na nag-aksaya ng oras si Zhao Feng dahil ang kanyang kalaban ay napaka hina at hindi siya matutulungang makapag pabuti.

Natalo ako! Nakaramdam ng pagkabigo ang babae hanbang siya naglalakad palayo.

"Hmph! Pambu-bully ng mga mahinang babae, anong astig doon?"

"Antayin mo hanggang ako naman, ipaghihiganti ko si sister Xin!"

Ang mga aksyon ni Zhao Feng ay nagdulat upang tignan siya ng mga kabataan ng may paghamak.

"Numero isang daan at walumpu't walo ang nanalo!" Ang tagapag-husga ay sumusuportang tumingin kay Zhao Feng.

Ang mga sumunod na laban ay masyadong mahina. Ang puntos ni Zhao Feng ay tuloy tuloy na tumataas.

"Suko na ako"

"Inaamin ko ang pagkatalo"

"Flaming Metal Fist!"

Karamihan sa mga kalaban ni Zhao Feng ay sumuko, pero mayroong ilan hindi hindi agad natalo.

"Ang lakas ng batang ito ay naabot na siguro ang quasi Martial rank."

Sa paglipas ng higit pang mga laban, parami ng parami ang mga tao na naumpisahang maintindihan ang kanyang lakas.

Hinid nalimutan ni Zhao Feng na magbigay atensyon kay Zhao Yue at Zhao Yijian,

Sa oras na ito, sa pangatlong entablado…

"Bilis! Tignan niyo! Ito'y Zhao Yijian vs Zhao Gan!"

Umikot si Zhao Feng upang makita na ang dalawa ay nagpapalitan na ng mga suntok.

Ang naglalaban na pangalawa at pang-apat na pinakamalakas na outer disciple ay madaling nakapukaw ng atensyon ng maraming tao. Ang dalawa ay parehong nasa top five ang ranggo at ang kanilang lakas ay orihinal na halos walang pinagkaiba.

"Tenth Change of the Poisonous Snake!" sumigaw si Zhao Gan habang siya'y pumipilipit at bumabaluktok sa lupa na parang isang ahas. Siya ay napaka maliksi kaya't nagawa niyang maiwasan ng maraming beses ang espada ni Zhao Yijian.

Si Zhao Feng ay medyo naantig dahil ang lakas ni Zhao Gan ay mataas ang nadagdag mula nung pagtatagpo nila ng nakaraang buwan. Sinanay din niya ang Thirteen Changes of the Poisonous Snake hanggang sa pangsampung pagbabago, na nangunguhulugang may lakas na siya ngayon ng isang quasi Martial Artist.

Ang lakas ni Zhao Gan ay kapantay ni Xin Fei mula sa Sky Cloud Forest.

"Bagama't malaki ang pinagbuti mo, matatalo ka parin sakin katulad ng dati," Sinabi ni Zhao Yijian habang dinadagdagan muli niya ang kanyang bilis.

"Ito'y ang high rank skill na Cold Flowing Sword! Ito'y isang skill napakahirap na sanayin!"

Ang espada ni Zhao Yijian ay pabilis ng pabilis, Nagawang umiwas ni Zhao Gan nung una, subalit lumilipas ang oras, siya naiiwasan ng paunti ng paunti. Hindi nagtagal ilang mga marka ng hiwa ay lumitaw sa katawan ni Zhao Gan.

"Si Zhao Yijian ang nanalo!" Ang tagapag-husga ay hininto ang laban dahil gusto ng sect na makatuloy si Zhao Gan sa susunod na round ng hindi masyadong nasugatan.

Sa oras na ito, ang likod ni Zhao Gan ay puno ng malamig na pawis habang siya'y nakatingin ng hindi makapaniwal kay Zhao Yijian, "Pano mo nagawa 'to…?"

Si Zhao Yijian ay gumamit ng mababa sa sampung galaw para talunin ni Zhao Gan.

"Ang puwersa ni Zhao Yijian ay napakalakas!" isa sa mga Zhao sect disciple ang nagsabi.

Si Zhao Yijian at Zhao Gan ay naglaban nga noon, subalit ang laban noong panahong iyon ay nagtagal ng napakahabang oras at sila'y nagpalitang ng lagpas sa isang daang mga suntok. Subalit ngayon ay kinakailangan na lamang niya ng sampu!

"Ang lakas ni Zhao Yijian ay maaring maikumkapara na kay Zhao Yue ngayon," hula ng ilan.

Si Zhao Yijian at Zhao Yue. Ang espesyalidad ng isa ay pag-atake habang ang isa ay depensa.

Anong kayang mangyayari kung magtatagpo ang dalawa? Marami ang nag-aantay para sa sagupaan. Si Zhao Yijian at Zhao Yue ang dalawang mainit pinipili para sa titulong 'Pinaka malakas na Outer Disciple'

Maging si Zhao Yufei ay hindi parin natatalo.

Ang mukha ni Zhao Feng ay nanatiling kalmada habang nakatingin siya. Nanalo na siya ngayon ng apatnapu't apat na magkakasunod na panalo. Gayunpaman, sa oras na ito ay nakatagpo siya ng isang malakas na kalaban. Ito'y ang panglima ang ranggo sa mga outer disciple na si Zhao Guang!

Si Zhao Guang ay may lagpas sa apatnapung puntos at ang tanging laban na natalo siya ay laban kay Zhao Yue.

"Hehe, bata! Ang sunod-sunod mong panalo ay matatapos dito!" Si Zhao Guang ay masayang tumawa.

Marami ang nanghahamak na tumingin kay Zhao Feng. Ang panglimang ranggo na si Zhao Guang ay ang pinaka malakas na kalaban na nakaharap niya hanggang ngayon.

"Ang lakas mo ay bahagyang nakapasok lamang sa ranggo ng quasi Martial Artist," kalmadong sinabi ni Zhao Feng.

"Talaga? Sige at titikman ko ang mga kakayahan mo maliban sa mga core ranked martial arts," ang mga mata ni Zhao Guang ay kumislap.

Shua!

Nang matapos niyang sabihin ang kanyang mga salita, gumalaw ay patungo sa tabi ni Zhao Feng.

"Anong klaseng bilis!"

"Si Zhao Guang ay Zhao Yufei ay parehong kilala sa kanilang footwork." Ang bilis ni Zhao Guang ay nagdulot ng maraming papuri mula sa mga tao.

Isang paligsahan ng bilis? Mapang asar na tumingin si Zhao Feng kay Zhao Guang.

Shua!

Nang malapit ng tumama ang palad ni Zhao Guang kay Zhao Feng, ang target ay nawala sa ilalim ng kanyang mga mata! Ito'y para bang ang kanyang palad ay hinati si Zhao Feng sa hangin.

Masama to…, Inisip ni Zhao Guang.

Hua!

Ang mga disciple sa ibaba ay tumitig sa tagpo. Marami sa mga mabilis na nakapag-reakt ay tumitig sa likod ni Zhao Guang.

Angry Dragon Fists!

May naramdaman na lamang si Zhao Guang na may lumapit na kung ano sa kanyang likod.

Pah!

Instintong sinubukan ni Zhao Guang na salagin ang suntok, at nagawa nga niya, subalit pagkatapos ay naaramdam na lamang niya na ang isang nagngangalit na lakas ay tinatalo siya.

Boom——

Si Zhao Guang ay umatras ng ilang metro at halos natumba.

"Anong skill ang kanyang natutunan para ang kanyang bilis ay maging sobrang bilis!" Ang puso ni Zhao Guang ay nagpaalon-alon ng may gulat.