webnovel

Guanjun Palace

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nasuri ni Zhao Feng ang Guangjun Province tatlumpung kilometro ang layo, habang ang iba, pati si Ye Linyun, ay nakikita ito bilang isang maliit na itim na tuldok.

Sa loob ng kaliwa niyang mata, umabot sa 2.1 metrong radius ang inabot ng asul na liwanag, na tumutumbas sa kanyang cultivation.

Nadiskubre ni Zhao Feng na simula noong nakapasok siya sa ikaanim na antas, bumagal ang progreso ng kanyang cultivation, hindi katulad ng kanyang martial arts. Ayon kay Ye Linyun, ang siyam na antas ng Martial Path ay sinisikap na maperpekto ang katawan ng isang tao.

Kaya habang naaabot ng isang tao ang mga susunod na antas, mas humihirap ang progreso.

**************

Narating na ng karwahe ang Province City.

Sa daan, napagtanto ni Zhao Feng na kahit sinong youth ay pwedeng magkaroon ng cultivation ng ikatlo o ikaapat na antas.

Ang mga gusali dito ay mas maganda, hindi ito matatapatan ng Sun Feather City. Sa wakas, napuntahan ng karwahe ang mga sulok ng siyudad at tumigil malapit sa isang mayaman at maharlikang palasyo.

Kumpara dito, ang mansyon ng pamilyang Zhao ay tila isang lumang palikuran lamang, ni hindi nga ito halos magkaparehas.

Ang harap na gate lamang ay kasinglaki na ng maraming karwahe.

Ang mas nakagulat sa kanila ay ang walong guwardiya sa harap na gate na nakaabot na sa ikaapat o mas mataas pang antas.

"Ang mga nakaabot sa ikaapat na antas ay guwardiya lamang dito?"

Natuliro si Zhao Feng.

Bilang isang taong lumaki sa isang maliit na nayon at ang pagcultivate sa ganitong lebel, naintindihan niyang pagsisikap at paghihirap na katumbas nito. Maging ang mga Martial Artists ng ikaapat o mas mataas pang antas ay iginagalang na sa Sun Feather City.

"Ito ang Guanjun Palace at ito ang pinakamaimpluwensyang palasyo sa siyudad. Ililipat ko kayo sa Sky Guards Battalion kung saan namin sinasanay ang aming mga henyo," babala ni Ye Linyun.!

Guanjun Palace! Sky Guards Battalion!

Bumilis ang paghinga nila Zhao Feng at Zhao Yufei. Matapos mapuntahan ang Guanjun Palace, napagtanto ni Zhao Feng na halos lahat ng cultivator dito ay nasa ikaapat na antas o mas mataas pa. May nakita pa nga siyang mga Martial Masters na nasa ikapitong antas.

Di nagtagal, dinala ni Yen Linyun and dalawa sa isang maruming bukid. Hindi normal na magkaroon na maruming bukid sa gitna ng Guanjun Palace. Sa bukid, may ilang mga tolda at kaunting bilang ng silid na yari sa kahoy. Sa gitna ay may nag-iisang gusali.

"Ang parte ng Guanjun Palace na ipinagbabawal puntahan, – ang Sky Guards

Battalion, na nilika mismo ni Lord Guanjun sa hangarin na makapag-alaga ng mga henyo. Kasbay nito, ito ang suporta ng Guanjun Corps," lumapit si Ye Linyun.

Sky Guards Battalion?

Titira tayo sa panget na lugar na ito? Tinignan ni Zhao Feng ang madumi at maputik na bukid na may sampung silid na yari sa kahoy at iilang mga tolda. Napakapangit ng kapaligiran dito na hindi man lang maikukumpara sa Green Leaf Village.

"Haha, Master Ye. Sila ang dalawang henyong dinala mo?" Isang matandang may puting balbas ang pumunta mula sa kabilang banda kasunod ang isang youth na nakaitim.

"Master Hu," sinenyasan ni Ye Linyun ang matandang may puting balbas. Normal na tininignan ni Master Hu sila Zhao Feng at Zhao Yufei.

Biglang naramdaman ng dalawa na tila ba kumalat ang kanilang mga sikreto. Kinaban si Zhao Feng, ang cultivationg ng matandang ito ay siguradong mas mataas pa kaysa kay Ye Linyun.

Mapapansin nga na ang Guanjun Palace ay may kakaibang posisyon, na may dalawang Martial Masters ng ikasiyam na antas dito.

"Siya ay si Huang Qi, isang henyong kinuha ko galing sa Pearl Tree City, labinlimang taong gulang pa lamang nang maging isang ikaanim na antas," masayang ngumiti ang matanda habang ipinapakilala ang youth na nakatayo sa likod niya.

Labinlimang taong gulang pa lamang nang makaabot sa ikaanim na antas. Ang kakayahan niya ay talagang magaling. Ang youth na nagngangalang Huan Qi ay tumitingin minsan kay Zhao Feng at Zhao Yufei, ngunit mababakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata habang tinitignan ang dalawa.

Ang matandang may puting balbas pati si Master Ye ang bahala sa pagpapadala ng kanilang mga hhenyo dito. Pagkatapos ihatid ang tatlo sa gate, ang dalawang Masters ay biglang tumigil.

"Ipapadala kita hanggang dito. Magpakitang gilas ka dahil aalis galing ng tagong meditasyon si Lord Guanjun…" babala ni Ye Linjun bago umalis.

Bilang isang Martial Master ng ikasiyam na antas, mahalaga ang bawat oras sa kanya. Kinausap din ng matandang may puting balbas si Huang Qi. "Kilala si Lord Guanjun sa pagmamahal niya sa mga henyo, particular na sa mga bata pa. Kailangan mong sulitin ang pagkakataong ito para mabago ang kapalaran mo."

"Oo, Master Hu," huminga nang malalim si Huan Qi at seryosong sumagot.

Isang alamat si Lord Guanjun sa bansang ito, at binuo niya ang Sky Guards Battalion. Kung mananatili dito si Huang Qi at magcultivate, hindi lamang siya makakakuha ng mga resources galing sa Guanjun Palace, may pagkakataon din siyang Makita ang maalamat na si Lord Guanjun.

Ang dalawa mula sa pamilyang Zhao ay naglakad sa maruming bukid kasama si Huang Qi. Sa daan, nakakita sila ng mga youth na kasing-edad nila. Karamihan sa kanila ay nasa labindalawa hanggang labingwalong taong gulang, ngunit ang mas higit ang mga nasa edad na mas mababa sa labing-anim. Ibig sabihin nito, magkakalapit ang kanilang mga edad.

"Labindalawang taong gulang, ikatlong antas…" hindi maiwasang palagitikin ni Zhao Feng ang kanyang dila.

Ang dalawang batang dumaan ngayon lang ay mga labindalawang taong gulang at nakaabot na sila sa ikatlong antas. Ni hindi nga nakarating si Zhao Feng sa Martial Path nang siya'y naging labindalawang taong gulang.

Dagdag pa rito, ang mga youth na may labing-apat at labinlimang taong gulang ay makikita sa paligid, at ang kanilang cultivation ay kadalasang ikaapat na antas, ang iba pa'y nakakaabot ng ikalima o ikaanim na antas. Napalitan ng seryoso ang medyo aroganteng ekspresyon ni Huang Qi.

"Ang tatlong ito ay siguradong mga bago dito," nagtatakang tumingin ang mga youth ng Sky Guards Battalion sa tatlo, ngunit karamihan ay tumingin kay Zhao Yufei.

Napakaganda ni Zhao Feng at may malinis at mala-anghel na aura.

"Tignan niyo, may napakagandang babaeng henyo dito."

May mga anyong lumapit galing sa Sky Guards Battalion.

Habang nakatingin sa mga bagong mukha para sa kanila, nagningning ang kanilang mga mata. Pagkapasok sa Sky Guards Battalion, alam ni Zhao Feng at ng dalawa pa na ito ay ang mga henyo galing sa bansa.

"Nandito lang iyon."

Pumunta ang tatlo sa gitna kung saan makikita ang gusali. Nang makapasok sa Sky Guards Battalion, kaqilangan nilang mag-ulat dito.

"Bago ba kayong tatlo dito? Isang tinatamad na boses ang maririnig sa likod.

Ano!?

Pinagpawisan nang malamig ang likod ni Zhao Feng nang makita ang isang youth na may pilak na armas pagkatalikod niya.

Napatalon ang tatlo sa takot, kalian lumitaw ang taong ito? Di nagtagal, napagtanto ni Zhao Feng na pamilyar ang suot ng anyo. Naalala niya bigla na sa araw ng summit, may isang pamilyar na anyong nakasuot ng parehong pilak na kasuotan, at nasaktan nito ang elder ng Qiu Family.

"Ang pangalan ko ay Third Guard at ako ang supervisor ng Sky Guards Battalion. Simula ngayon, miyembro na kayo ng Sky Guards Battalion…ngayon ay pakinggan niyo ang mga patakaran…" Ang mga salita ng mga youth ay simple at maiksi.

Ang mga patakaran ng Sky Guards Battalion ay strikto.

Una, ang isang miyembro ay pwede lang umalis ng isang beses sa isang buwan. Ikalawa, iba't iba ang pakikitungo sa iba't ibang tao. Ikatlo, Hangga't wala ang mahy malalang pinsala/baldado/patay, maaari ninyong gawin ang anumang nais niyo.

Ang una at ikatlong patakaran ay madali lamang maintindihan.

Ngunit anong ibig sabihin ng ikalawa?

**********************************

Nang hapon na iyo, naintindihan na ni Zhao Feng ang dahilan.

Mayroon lamang sampung silid na yari sa kahoy at tatumpung tolda sa Sky Guards Battalion. Dahil kakarating lamang ng tatlo, isang lumang tolda ang natanggap nila na sakto lamang sa kanilang tatlo.

"Dito tayo matutulog?" sinubukang pigilan ni Huang Qi ang galit niya. Maiiwasan lamang ng lumang tolda na ito ang ulan at hangin nang bahagya; hindi na ito magagamit para sa ibang bagay. Bilang isang henyo ng Peral Tree City, kalian niya naranasan ang ganitong pakikitungo?

Nagsalubong ang kilay ni Zhao Feng. Para sa kanya ay ayos lang ito, ngunit si Zhao Yufei ay isang babae, at maganda rin. Ni hindi nga kayang takpan ng toldang ito ang mga dapat itago.

Kinagat ni Zhao Yufei ang kanyang labi, ngunit walang sinambit.

"Oi, mga batang baguhan, kailangan niyo lamang talunin ang tunay na may-ari ng mga silid na yari sa kahoy para makapasok kayo dito," isang mapayat na youth ang lumpit habang nakangisi at binalaan sila.

Tumingin agad ang tatlo sa samoung silid na yari sa kahoy.

May mga marking numero ang mga silid na Isa hanggang Sampu. Halata naming ang mga silid na ito ay ang mga pinakamagaling sa lahat ng magaling.

"Mabuti! Ang kailangan ko lang gawin para makakuha ng silid na yari sa kahoy ay ang talunin ang tunay na may-ari nito," hindi maiwasang pagkiskisin ni Huang Qi ang kanyang mga kamay.

Tiyak siyang madali siyang makakuha ng silid dahil sa kanyang ikaanim na antas na cultivation at pagiging pinakahenyo sa Pearl Tree City.

****************

Oras ng hapunan…

Ilang mga guwardiya ng Guanjun ang nagdala ng pagkain para sa mga youth sa kanilang mga tolda.

"Peh! Pfff! Anong klaseng pagkain ito? Katulad ito ng mga pinapakin ko sa mga alaga kong baboy!" tumikim ng konti si Huang Ki, ngunit idinura ito agad.

Masyado itong nakakadiri.

Tumikim din ng kaunti si Zhao Feng at idinura ito. Sira na ang natanggap nilang mga pagkain. Nalaman ng tatlo na ang mga guawardiyang pumunta sa mga silid na yari sa kahoy ay may mga pinggan na puno ng masarap na pagkain.

"P*ta!" mura ni Huang Ki at tumayo.

Halatang ang mga youth na nakatira sa loob ng silid na yari sa kahoy ay pinakitutunguhan ng mas maayos.

"Ang mga youth sa loob ng silid na yari sa kahoy ay kilala bilang ang Sampung Sky Guards. Habang kumakain tayo ng bwis*t na tira-tira, nakakakain sila ng mga kahanga-hangang bagay sa mundo ay may sariling mga tagapagsilbi pa.

Kada buwan, makakakuha tayo ng dalawang libo at isang daang piraso ng pilak, habang sa kanila ay sampung libo at nakatatanggap ng mga uri ng tabletas at mga resources.

Ngayon, ganap nang naintindihan ni Zhao Feng ang ikalawang patakaran, ibang-iba nga ang pakikitungo sa iba't ibang tao.

"Gusto kong makipaglaban!" Sumigaw si Huang Qi nang inihagis sirang pagkain sa lupa at tumakbo sa direksyon ng mga silid na yari sa kahoy.

Next chapter