webnovel

Finals

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang ilang beses na labanan, ang labanan sa ikatlong Area ay natapos na.

Ang ranggo sa ikatlong Area ay:

Una: Zhao Feng

Ikalawa: Xu Zixuan

Ikatlo: Gu Lanyue

Si Zhao Feng ay ang darkest horse na naglakad pababa sa landas ng milagro at naging Star.

Kasabay nito, ang unang baitang sa ibang Areas ay natapos na o malapit ng matapos.

Ayon sa patakaran ng Alliance Banquet, bawat Area ay pipili ng tatlong mga henyo upang sumali sa finals.

Ang finals ay iuujit sa kasaysayan at ito ang magdedesisyon ng kanilang kapalaran.

Ang sampung nangunguna ay makakatanggap nang maraming gantimpala at ang tatlong nanguna ay may pagkakataon na makapasok sa Origin Core Ruins.

Ang pinaka mangunguna ay makatatanggap ng pinakamalaking premyo, ang 'Shedding Spiritual Pill'.

Ang mga mata ni Zhao Feng ay disidido habang kinukuyom niya ang kanyang kamao.

Isa pa, ang kanya ng God's Spiritual Eye ay maaring magbigay sa kanya ng mga pambihirang tagumpay kung makapapasok siya sa Origin Core Ruins.

Ito ay nangangahulugan na kung si Zhao Feng ang mangunguna, ang kanyang cultivation at lakas ay malaki ang itataas.

Kasabay nito.

Ang labanan sa unang Area ay umagaw sa atensyon ng marami.

Cang Yuyue laban kay Bei Moi.

Ito ay isa ring dark horse.

Jiang!

Isang pulang ilaw ang kumislap sa hangin na tila binubuksan nito ang kalangitan. Sa sandaling iyon, naramdaman ng lahat na tila sinaksak ang kanilang puso.

Field of Dark Water.

Isang madilim na asul na alon ang lumitaw sa paligid ni Bei Moi, na bumuo ng defensive barrier na kahalintulad sa isang dagat.

Kasabay nito, isang berde/gintong ilaw ang kumalat sa kanyang Green at Gold Shirt na nakasuot sa kanyang katawan.

Shua!

Sa sandaling lumapot ang Field of Dark Water, isang pares ng pakpak ang lumitaw sa likod ni Bei Moi, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang mabilis na tirahin ng kidlat si Cang Yuye.

Gayunpaman, walang makaka harang sa opensa ni Cang Yuyue.

Sa isang 'craaack', ang pinakamalakas na depensa ni Bei Moi, ang 'Field of Dark Water' ay mabilis na nasira na nagdulot sa pagtagas ng dugo mula sa bibig nito.

Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa labi ni Bei Moi. Ang kanyang Field Dark Water ay kinayang harangin ang ilang atake mula sa cultivators na nasa 7th Sky, ngunit sa isang atake lang ng espada ni Cang Yuyue ay nasira ito.

Mabuti na lamang at nasa kanya ang Green at Gold Shirt, na isang Inheritance Item na hindi lamang nagpalakas ng kanyang depensa, maging ang kanyang bilis, na magtulak sa kanya patungo kay Cang Yuyue.

Sampung yarda… walong yarda… limang yarda…

Simula nang magsimula ang Alliance Banquet, wala nang lumapit kay Cang Yuyue.

Ito ang unang beses na may isang taong matagumpay na naharang ang atake ni Cang Yiyue na hindi natatalo.

"Sobrang lakas ng depensa ng batang 'to."

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Cang Yuyue.

Kung ikukumpara ang lakas ni Bei Moi noong nasa Three Clan Party pa siya, malaki ang pagbabago ng kanyang bilis.

Sila Zhao Feng, Ao Yuetian at Xu Zixuan ay nahihirapan na sirain ang kanyang Field of Dark Water, ngunit sa kasamaang-palad, ang kanyang kalaban ay si Cang Yuyue, na sumira dito sa isang atake lamang.

Dark Water - Reverse Dragon Strike!

Isang malaking alon ng tubig ang dumaloy mula kay Bei Moi at bumalot ito sa kanyang braso, na bumuo ng isang whirlpool na dumurog patungo kay Cang Yuyue.

Ang kapangyarihan na ito ay kagulat-gulay. Maging si Ao Yuetian ay aminado na ang pagkakaiba nila ni Bei Moi ay malaki ang pinag bago.

Slaying the Clouds, Slashing through Waves!

Bahagyang huminto si Cang Yuyue bago sya muling umatake gamit ang espada, na agad na nagdulot ng tunog ng pagkabasag.

Isang puting sinag ng liwanag ang umukit sa himpapawid, na naging dahilan upang malamatan ang defensive array.

"Hindi ito maganda!" Ang hukom sa True Spirit Realm ay sumigaw at hinatid niya ang kanyang enerhiya sa array upang muli itong umayos.

Mahirap isipin kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng espadang iyon upang umabot ito sa ganoong lebel.

Plop.

Si Bei Moi ay nakahandusay na sa sahig at mayroong malalim na hiwa mula sa espada ang kanyang noo, ilong at dibdib.

Si Cang Yuyue ay malinis pa rin at ang kanyang mga mata y malinaw. Sa pamamagitan lamang ng isang espada ay natalo niya ang lahat ng henyo sa Thirteen Clans.

Ang mga henyo sa kaparehong niyang henerasyon ilagan at malungkot na ang isang babae ang tumalo sa kanila.

"Ang kapangyarihan ng espadang ito ay sobra…"

Hindi napigilan ni Zhao Feng na huminga nang malalim.

Ang kanyang kaliwang mata ay nagsimulang suriin ang sitwasyon kung siya ang haharap sa espadang iyon.

Ang result ay agad siyang matatalo.

Siyempre, alam ni Zhao Feng ang kahinaan ni Cang Yuyue. Bilang isang tao na ang pokus lamang ay nasa espada at opensa, ang kanyang depensa ay hindi ganoon kaganda. Ngunit hindi lamang si Zhao Geng ang nakakaalam niyo, lahat ay alam ito.

Maging si Cang Yuyue mismo ay alam ito sa kanyang sarili.

Ngunit ang problema ay, sino ang makahaharang sa kanyang espada?

Isang espada na mayroong sampung libong teknik.

Ang bawat skill ay kaya niyang pag pira-pirasuhin.

Naging banayad na si Cang Yuyue sa kanyang huling atake o kung hindi ay mahahati ang katawan ni Bei Moi.

Ang pagkakasunod-sunod sa unang Area ay lumabas din:

Una: Cang Yuyue

Ikalawa: Bei Moi

Ikatlo:Liu Qianlong

Si Cang Yuyue at Liu Qianlong ay parehong mula sa Cloud Sword Clan at cultivators ng espada.

Ito ay nababagay kay Bei Moi upang talunin si Liu Qianlong at ito ay konektado sa makapangyarihan niyang depensa.

Ang Cultivators of the Sword ay matatalo kung haharapin nila ang kalaban na mayroong depensa sapagkat hindi nila kayang tumagal sa ganito.

Matapos iyon, ang pagkakasunod-sunod sa ikalawang Area ay lumabas na:

Una: Lin Tong

Ikalawa: Zhao Yufei

Ikatlo: Yan Chuan

Si Yan Chuan ay isa ring dark horse na tumalo kay Yang Gan, ngunit siya ay mas lubos na natalo kay Zhao Yufei.

Ang huling resulta para sa ikaapat na Area.

Una: Ao Yuetian.

Pareho ang ikalawa at ikatlo sa bilang na cultivators na kabilang sa nangungunang sampu noong nakaraang Banquet, mula sa Cloud Sword Clan at Ancient Shrine.

Ngayon, ang panimula ay natapos na at ang lahat representing disciples ay maari nang magpahinga sa isang gabi upang paghandaan ang finals bukas.

Ang finals ay nasa punto rin na isusulat sa kasaysayan. Maging ang mga disipulong natalo ay hindi ito palalagpasin.

Sumunod, ang Thirteen Clans ay sinuri ang bilang ng disipulo na umabot sa finals:

1. Cloud Sword Clan

2. Ancient Shrine

3. Broken Moon Clan

4. Lin Moon Clan

Ang apat na Clan na ito ay may maraming disipulo na kabilang sa finals.

Ang Jade Secluded Palace at True Mystic Clan ay parehong may tig-isang disipulo na lamang na kabilang.

Ang Cloud Sword Clan ay tunay ngang karapat-rapat na maging top Clan sa Thirteen Clan dahil marami itong nakuhang pwesto.

Ngunit kung ikukumpara iti sa Banquet's ranking, ang Cloud Sword Clan at Ancient Shrine ay kaunti lamang.

Ito ay dahil masyadong maraming dark horse ngayon.

Sila Zhao Feng, Zhao Yufei, Bei Moi at Yan Chuan ay hindi mga sikat na tao at ang ipinakita ng Broken Moon Clan ay nakagugulat.

Ang Clan na ito ay orihinal na nasa baba bg Thirteen Clans at ngayon, mayroon itong dalawang tao na kabilang sa finals at isa dito ay kinuha pa ang pwesto ni Xu Zixuan sa pagiging isa sa mga Stars.

Ang mga mukha ng lahat mula sa Broken Moon Clan ay namumula.

Ang Alliance Banquet ay hindi lamang tungkol sa karangalan ng bawat clan, ito rin ay tungkol sa kung gaano karami ang makukuhang resources ng bawat Clan.

Noon, ang Broken Moon Clan ay nakaasa lamang sa swerte upang may kahit isang tao ang makapasok sa finals.

Ilang beses ding nangyari noon na walang nakapasok sa finals.

Karamihan sa mga lugar ay nakuha ng Cloud Sword Clan at Ancient Shrine. Ang ibang Clans ay nahihirapan na maka kuha ng isa, na mas mahirap para sa Broken Moon Clan.

"Sinira natin ang nakasanayan sa unang pagkakataon sa loob ng ilang daang taon. Masasabi natin na sila ang tunay nating mga elitista." Saad ng ilan sa mga nasa mas matandang henerasyon.

Ang mga henyo na kabilang sa finals ay nagmula sa ibat-ibang Clans at wala pang kahit isang Clan ang nagawang kunin lahat ng pwesto.

Sa ikalawang umaga.

Ang finals ay opisyal ng nagsimula.

Ang mga disipulo na kabilang ay nag handa na at umabot na sila sa kanilang peak states.

Ang apat na Areas ay nagsama-sama sa isang malaking area- ang finals area.

Ang hangganan ay malaki ang itinaas

Ang labing-dalawang prodigies ay naupo sa kanilang mga pwesto sa harap ng final area, habang ang mga nanonood ay medyo malayo.

Ang Alliance Banquet na ginaganap isang beses sa sampung taon ay nasa huling yugto na at ito ay makapapasok sa kasaysayan at umakit sa maraming manonood.

Ang lahat ng tao mula sa mga kalapit bansa at Thirteen Clans ay nandito.

Kahit ang mga taong nanonood at katakot-takot, lahat ng nandito ay elitista mula sa mas bata o matandang henerasyon.

"Ang unang laban: Cang Yuyue laban kay Qi Jiu."

Isa sa apat na hukom, na nasa paligid ng bawat sulok ay nag anunsyo nito.

"Sumusuko na ako."

Ang kabataang nag ngangalang Qi Jiu ay mapait na ngumiti at sumuko. Siya ay mula sa kaparehong Clan ni Cang Yuyue.

Ang ikalawang labanan.

"Lin Tong laban kay Bei Moi."

Si Lin Tong na itim ang suot at si Bei Moi ay berde at ginto ay naglakad sa arena at sila ay tumayo na mayroong isang daang pagitan.

Si Bei Moi ay isang tao na hindi agad sumusuko at ang pares ng berdeng pakpak ay lumabas mula sa kanyang green gold shirt kasabay nang pagbuo ng whirlpool sa kanyang braso na lumatigo patungo kay Lin Tong.

"Heavenly Absent Eyes."

Ang mga mata ni Lin Tong ay naging madilim at tila naging abyss na mayroong pulang ilaw sa gitna na tila humihigop ng kaluluwa.

Sa sandaling ito, si Lin Tong ay tila diyos ng impyerno habang malamig niyang tinitignan si Bei Moi.

Plop.

Bumagsak si Bei Moi sa sahig na babad sa malamig na pawis at ang takot ay makikita sa kanyang mukha: "Paano ito nangyari?"

Kaya niyang maharang ang unang espada ni Cang Yuyue, ngunit sa pagharap kay Lin Tong, agad nitong ginamit ang Heavenly Absent Eyes, natalo siya sa isang tingin lamang.

Sa bawat atake ni Lin Tong, lahat ay gumagalaw.

Parehong may pag-iingat ang mga mata nina Xu Zixuan at Ao Yituan. Maging ang taong kasing lakas ni Cang Yuyue ay nagbago ang ekspresyon.

Mayroong dalawang tao na hindi matatalo sa Alliance Banquet- Cang Yuyue at Lin Tong. Kaya nilang tumalo sa isang tingin o isang espada.

"Zhao Feng laban kay Yan Chuan."

Pagkakataon na ni Zhao Feng.

Hindi nahirapan ang mga tao na mapansin na ang mga nauunang tao ay ang malalakas.

"Hahaha… Tingnan natin kung gaano karaming lakas ang kayang ibigay ng isang Star." Malakas na tumawa si Yan Chuan kasabay ng kulay ginto at tansong ilaw na bumalot sa kanyang katawan.

Pagkatapos mangyari iyon, isang nag-aalab na simbolo ang lumitaw.

Sa Four Stars, ginagalang niya lamnag si Cang Yuyue at Lin Tong. Maingat naman siya mag Xu Zixuan at Ao Yuetuan.

Ngunut kay Zhao Feng, na isang bagong Star, hindi.