webnovel

Eye of Ice Soul

Editor: LiberReverieGroup

Si Bi Jiangqing ay may cultivation ng True Human Rank at siya ay nasa ikaanim na antas sa sampung pinakamataas mula sa mga nagtataasang kalahok.

Ang tagumpay na ito ay nangangahulugang ang hindi mabilang na henyo ay kaniyang dinurog. Gayunman, sa harapan ng sampung mga henyo na may nauna nang nakuhang lugar, ang kaniyang ekspresyon ay seryoso at hindi siya nangahas na maliiti ang kahit na sino.

Wala siyang lakas ng loob sa pagtalo sa kanila, at walang inaasahan laban kay Price Jin at mga kasama nito.

Kahit ang pagkapanalo sa isang laban ay nangangailangan ng labis na pagsisikap.

Ang tingin ni Bi Jiangqing ay gumala hanggang sa tumigil ito sa ikaapat na upuan, kung saan natutulog ang isang youth na may asul na buhok.

"Ikaaapat na bilang, ikaw na."

Huminga nang malalim si Bi Jiangqing at nagdesisyon nang may matalim na mata.

Ang pagpili kay Zhao Feng ay resulta ng malalim na pag-iisip at dahil sa dalawang dahilan.