webnovel

Cloud Silkworm Saint Butterfly

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga oras na iyon, si Zhao Feng ay naimbitahan ng Luo Family at ng Duke's Palace.

Ang matambok na mukha na elder at ang iba pa ay nagkaroon ng buhay na buhay na mga ekspresiyon.

"General, gusto kong bumisita sa Duke's Palace, ngunit ang mga kaibigan mula sa Luo Family ay pinupuwersa akong dumalo sa kanilang salu-salo." Inosenteng bumuntong hininga si Zhao Feng.

Nang marinig niya ito, ang mga ekspresiyon ng tatlo mula sa Luo Family ay nagbago ng malaki, halos mapamura sila ng malakas.

"Anong Luo Family?" Ang ekspresiyon ng half-step King general na naka asul na kapa ay naging pangit, at ang kaniyang Duke's Token ay nagliwanang ng isang dragonic power. Sa tulong ng Duke's Token, ang half-step King general ay nakapagpalabas ng power of a King.

"Hindi, hindi, hindi, hindi… General, hindi mo kami naiintindihan." Ang flabby-faced na elder ay natakot. Kahit na siya'y mayroong isandaang lakas ng loob, hindi siya magtatangkang makipaglaban sa isang bisita sa Duke's Palace.

Ang Duke's Palace ang supreme ruler ng Tianfeng Great Island Zone, na kagaya rin ng pamumuno sa large swath of regular island zones.

Pagadating sa estado, si Duke Nanfeng ang nakababatang kapatid ng Emperor; kahit ang Eight Prince ay kailangang tawagin siyang "Uncle Nanfeng"," Kahit ang mga three-star power ay hindi nagtatangkang bastusin ang ganitong klase ng tao.

Sa teyorya, ang Luo Family at ang Ten Thousand Sacred Clan ay nasa teritoryo ni Duke Nanfeng.

"Young… Young Master Zhao, maaari kang pumunta sa Luo Family matapos mong bumisita sa Duke's Palace," Ngumiti ang flabby-faced na elder at sinabi ito.

"Mabuti iyan." Ngumiti ang heneral na naka asul, at saka umalis si Zhao Feng kasama ang heneral na naka asul.

"Anong nangyayari? Bakit inimbitahan si Zhao Feng sa Duke's Palace? Kailangan natin itong iulat sa Head of the Family at sa Young Master ng mabilis."

"Mukhang kailangan nating ayusing muli ang ating plano kung paano natin mapapatumba ang Zhao Family."

Ang tatlo mula sa Luo Family ay bumuntong hininga. Sa oras na makabuo ng koneksiyon si Zhao Feng at ang Duke's Palace, ito'y mas magiging nakakatakot kaysa sa kaniyang koneksiyon sa isang Ten Thousand Sacred Clan. Ang Duke's Palace ay ang supreme ruler ng buong Tianfeng Great Island Zone.

Sa isang iglap lamang, si Duke Nanfeng ay maaaring magdesisyon kung sino ang mabubuhay at mamamatay.

Matapos ang kalahating araw, isang malaking palasiyo ang lumitaw sa tanawin ni Zhao Feng. Naramdaman ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang providence of a lord dynasty na nagtitipon dito mula sa malayo.

"Kung gayon, ito ang Duke's Palace?" Bumuntong hininga si Zhao Feng. Ang palasiyo ay naglalaman ng mga hardin, mga bundok, mga talon, mga lawa…. Naroon na ang lahat ng maiisip mo, at ito ay katulad kung paano nakaayos ang Demigod Forgotten Garden. Sa halip na tawagin itong palasiyo, mas magandang ikunsiderang ito ay isang maliit na kaharian.

"General, sinong maharlika ang nag-imbita sa akin dito?" Sa wakas ay nagsalita rin si Zhao Feng. Ito ang unang beses na nagsalita siya mula nang umalis sila.

Pagpupuri ang lumitaw sa mukha ng heneral. Ang pasiyensiya ng labin-limang taong gulang na beast tamer na ito ay nakalampas na sa ibang mga kaedaran niya.

"Malalaman mo rin. Ang Duke ay nasa palasiyo rin, at kung sinusuwerte ka, ay maaaring mo rin siyang makita." Ngumiti ang heneral na naka asul ng walang direktang kasagutan sa tanong niya, kaya hindi na nagtanong ng iba pa si Zhao Feng. Siya ay bahagyang interesado sa mga ranking ng Great Gan Lord Dynasty.

Ayon sa kaniyang kaalaman, ang mga rank ay nahahati sa: Emperor, Grand Duke, Marquess, at Earl.

Ang pinakamataas ay ang Emperor – ang namumuno sa Great Gan Lord Dynasty. Maliban sa Emperor, ang Grand Empress at ang Empress ay kinukonsidera ding nasa level ng isnag Emperor at half-Emperor.

Sa ibaba ng Emperor ay mga Grand Duke. Ang mga Grand Duke y sobrang kakaiba sa Great Gan Lord Dynasty, at sila ay kumukontrol ng mga probinsya. Ang cultivation ng Grand Duke ay madalas na nasa Mystic Light Realm, at ang iba ay mga senior ng Emperor.

Sa ibaba ng mga Grand Duke ay mga Duke; kadalasang sila ay namumuno sa great island zone o iba pang mga island zone.

Si Duke Nanfeng ay isa sa mga elites mula sa hanay ng mga Duke.

Sabi ng iba, maliban sa estado, mayroon ding ibig sabihin ang pagkuha ng rank. Kung naisip nilang gusto nila ito, sila ay nagkakamali. Ito'y dahil mayroong fortune of providence.

Kung gaano kataas ang rank ng isang tao, ay mas maraming providence ang matatanggap nila mula sa lord dynasty. Halimbawa, ang kasalukuyang Great Gan Sacred Emperor ay maaaring gamitin ang lahat ng providence ng lord dynasty.

Kahit ang isang taong mayroong basurang talento ay maaaring makalampas ng madali sa Void God Realm kung sila'y naging isang Great Gan Sacred Emperor. Samakatuwid, ang imperial bloodline ay napakalakas; halos bawat Sacred Emperor ay mayroong cultivation ng isang Emperor o ng isang Sacred Lord. Mula dito, ay makikita ang gamit ng providence ng lord dynasty.

Sino man na nasa ibaba ng Emperor Level ay maaaring makagamit ng eksaktong bilang ng providence mula sa lord dynasty hangga't sila ay nasa rank. Ang power of providence ay napakalaki; at ito ay nagpapataas ng cultivation at iba pang mga aspeto ng isang tao. Hangga't sa malakas ang providence ng isang tao, makakaya nilang baguhin ang kanilang kapalaran. Samakatuwid, karamihan sa mga eksperto sa Great Gan Lord Dynasty ay gustong makamit ang rank of nobility.

Nangangahulugan na kung sino man ang gustong bumuo ng lord dynasty sa teritoryo ng Great Gam Lord Dyansty, sila ay mabilis na mararamdaman ng Great Gam Lord Dynasty dahil ito ay naapektuhan ng kanilamg providence, naintindihan ito ni Zhao Feng. Naintindihan lamang ito ni Zhao Feng nang pagsamahin niya ang kankyanv Heaven ang Earth dito.

Ang dahilan kung bakit nasira ang lord dynasty ng Azure Flower Continent noong isang gabi ay dahik dito. Hangga't nararamdaman ng Great Gan Lord Dynasty na mayroong itinatayong lord dynasty, sila ay magbibigay ng misyon at hahayaan ang mga clan at mga puwersa ang trumabaho dito.

"Sir Zhao, maaari bang maghintay ka ng ilang saglit." Ang heneral na naka asul ay pinangunahan si Zhao Feng sa isang malaking gusali, at base sa huling sinabi nito siya ay tumayo doon at nagmasid lamang sa paligid.

Ang heneral na naka asul ay lumabas ng nakangiti; "Pinapapasok ka na ng prinsesa."

"Princess?" Bahagyang napatigil si Zhao Feng at nagsimulang maghanap sa kaniyang memorya, ngunit hindi siya masiyadong nag-isip tungkol dito at saka mabagal na naglakad papasok.

Nakita ni Zhao Feng ang isang tao simula noong pumasok pa lamang siya. Isa itong eleganteng lalaki na naka suot ng dragon robes.

"Ikaw… Ikaw nga!" Si Zhao Feng at ang eleganteng lalaki ay nagsabi ng sabay, at sila ay parehong nagulat dahil sila ay nagkitang muli.

"Eighth Prince."

"Zhao Feng."

Ang dalawa ay parehong nagsalita ng sabay.

"Hehe…. Brother Zhao, tila nakatadhana tayong magkita muli." Ang ekspresiyon ng Eight Prince ay bumalik na sa normal nang magbigay siya ng isang ngiti. Bago siya umalis, narinig niya na ang Prinsesa ay nag-imbita ng isang beast tamer, ngunit siya ay hindi nagbigay ng sobrang atensiyon dito.

"Kilala niyo ang isa't isa…?" Isang malinaw na boses ang bumanda sa kailaliman ng courtyard.

Umiling ang Eighth Prince ng may ngiti sa labi habang nagalalakad kasama si Zhao Feng patungo sa courtyard.

Kakaiba… Paano nakilala ng Zhao Feng na ito ang Eight Prince? Nagulat ang heneral na naka asul, ngunit siya ay yumukod at umalis din.

Habang naglalakad sa mga pulang petals na bumabalot sa lupa, si Zhao Feng at ang Eight Prince ay nakaabot na sa gusali sa kailaliman ng courtyard.

Isang maharlikang batang babae ang nakatayo sa harap ng gusali. Siya ay nakasuot ng isang napakagandang bestida, at kahit na siya ay bata pa lamang, siya ay napakaganda na. Sa unang tingin, siya ay akmang-akma sa mga katangian ng mga prinsesa mula sa mga libro at kuwentong pambata.

"Prinsesa?" Naramdaman ni Zhao Feng na siya ay pamilyar; ang batang babaeng ito akmang-akma sa imahe ng isang batang babaeng naka lilang kasuotan sa Wuyou Forest. Sa sandaling iyon, ang pakay ni Zhao Feng ay ang Yinming Bird, kaya binigyan niya lamang ng isang sulyap ang batang babae at ang iba pa. Hindi niya inaasahang ito pala ang Princess of the Duke's Palace.

Ang Eight Prince at ang prinsesa ay magpinsan.

"Zhao Feng, ikaw nga! Ikaw iyong mistryosong beast tamer na matagal ko ng hinahanap," Ngumiti ang prinsesa at masayang sinabi ito.

Ang dalawa ay parehong nasa labin-limang taong gulang pa lamang, kaya walang pagitan sa henerasiyon nila.

Nang makita niyang bahagyang nagulat si Zhao Feng, ang prinsesa ay mabilis na nagpakilala ng kaniyang sarili, "Ako nga pala si Zhou Yuqing."

Zhou Yuqing…. Princess Yuqing. Tumango si Zhao Feng at saka kasuwal na umarte.

"Yuqing, paano mo nakilala si Zhao Feng?" Tanong ng Eight Prince. Siya ay aalis na sana, ngunit nagbago ang isip niya nang makita niya sa personal kung gaano kagustong makita ni Princess Yuqing si Zhao Feng.

"Nang magkita tayo sa Wuyou Forest…" Si Zhao Yuqing ay bahagyang sumaya at sinabi nito kung paano niya nakitang napaamo agad ni Zhao Feng ang Yinming Bird.

Kuminang ang mga mata ng Eight Prince nang marinig niya ito.

Mukhang si Zhao Feng ay may espesiyalisasyon sa Dao of the Soul. Bumaluktot ang bibig ng Eight Prince.

Ang dahilan kung bakit siya nanatili sa likod ay upang mas maintindihan niya pa ng mabuti si Zhao Feng. Hindi niya alam kung bakit, ngunit naramdaman ng Eight Prince na si Zhao Feng ay may pagkakatulad kay Xin Wuheng.

Si Xin Wuheng ay isang henyo na umangat sa lord dynasty noong nakaraang mga taon. Siya ay ranked 39th sa Great Gan Imperial Genius Rankings na mayroong cultivation ng half-step King.

Ang top five hundred na mga henyo mula sa kabilang dako ng Great Gan Lord Dynasty, ngunit ang top one hundred ay mula sa mga imperial, ang Eight Big Families, o ang mga three- at four-star power. Gayon pa man, si Xin Wuheng ay hindi nagmula sa kahit na anong clan o pamilya at kahit na ganoon ay nagawa pa rin niyang masama sa rank sa tatlumpo na may cultivation ng half-step King. Ang kaniyang cultivation ang pinakamababa sa mga top two hundred rank.

"Princess Yuqing, hindi mo ako inimbita dito upang makita lamang ako, tama ba?" Tanong ni Zhao Feng.

Nang marinig niya ito, ang mukha ni Princess Yuqing ay bahagyang naging pula, ngunit mabilis ding nawala.

Hindi niya nakalimutan ang imahe ng isang misteryosong purple-haired na batang nagpapaamo ng isang Yinming Bird. Ang bata ay mayroong malapalaginip na lilang buhok at mayroong guwapong mukha. Siya ay nagbibigay ng isang malamig na aura, at at siya ay madalas na lumilitaw sa kaniyang isipan.

Bilang isang batang babae na nasa labin-limang taong gulang pa lamang, gusto niya ang mga bayani, lalo na ang mga kasing edaran niya lamang na misteryoso at guwapo.

Sa kaniyang bagong katawan, si Zhoa Feng ay nagkaroon pa ng mas guwapong mukha na nakakaakit sa mga kababaihan.

"Zhao Feng, inimbitahan kita dito upang tulungan mo ako sa isang bagay." Huminahon si Zhao Feng at saka bumalik sa kaniyang maharlika at eleganteng sarili.

"Oh?" Naging interesado ang Eight Prince. Kung hindi nagawang resolbahin ito ng Duke's Palace, paniguradong hindi ito basta-basta. Maaari niyang gamitin anv tiyansang ito upang maintindihan pa ng mas mabuti si Zhao Feng.

"Tignan mo." Si Princess Yuqing ay umarte ng misteryoso at saka naglabas ng isang maselan, at malinaw na bote.

Isang maliit na silkworm na kasing sukat ng hinlalaki ang makikita, at ito'y mayroong pares ng mga pak-pak. Ang munting silkworm ay parang gawa ng sining. Ito ay mataba, ngunit ito ay natutulog, at ang aura nito ay mahina. Kahit na mayroong kakaibang boteng naglalaman dito, ang munting silkworm ay nagbigay pa rin ng isang ancient aura.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na pusa ay tumalon at tumayo sa balikat ni Zhao Feng nang magsimulang umikot ang mga mata nito.

"Cloud Silk Saint Butterfly!" Hindi naiwasang mapasigaw ng Eight Prince nang makita niya ang silkworm. "Yuqing, ito ba ang maalamat na insketo ng Ten Thousand Ancient Races mula sa koleksiyon ng iyong ama?"