webnovel

Buong Puwersang Pagsugod

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Gaya ng inaasahan, isang Heaven's Legacy Race array."

Hindi masiyadong nagulat ang Ancient Soul Hall Master.

Ito ay dahil sinabi na sa kaniya ni God Lord Stellar Aspect ang lahat ng posibleng gamiting alas ng Giant God Hall.

Nahulaan na rin ni God Lord Stellar Aspect ang paglitaw ng Heaven's Legacy Race array na ito.

Kahit na gamitin nila ang array na ito, hindi pa rin mapapantayan ng Giant God Hall ang Ancient Soul Hall, kaya't hindi nag-alala ang Ancient Soul Hall Master.

"Patayin!"

Nagsisugod ang mga eksperto ng Ancient Soul Hall, hindi nila masiyadong binigyang-pansin ang array na ito.

Brrrooom!

Sa isang kislap, ang alapaap ay napuno ng mga kidlat na gawa sa maitim na enerhiyang siyang tumira sa Heaven's Legacy array ng Giant God Hall.

Sa sandaling ito, ang mga mata ng apat na mga estatwa ay nagliwanag at para bang nabuhay ang mga ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter