webnovel

Ang Sikreto ni Xin Wuheng

Editor: LiberReverieGroup

Si Zhao Feng ay nakatayo sa hagdan at dahil sa dominanteng atake, nagulat ang mga True Dragon Genius.

Ang kaniyang atake ay hindi lang isang tao ang pakay na tamaan kung hindi ang lahat ng mga True Dragon Genius pati na ang mga nasa unang tier at ang mga napakahusay na mga prodigy.

Lahat ng mga nasa unang tier ay napinsala at may isa o dalawa pang namatay.

Ang anyong 900 yarda sa likuran ni Zhao Feng ay tila isang demonyong pinamunuan ang mga langit.

"Ang lakas ng Zhao Feng na ito ay nakaabot na sa nakakasindak na hakbang."

"Naitulak niya tayong lahat palayo nang mag-isa?"

Maraming henyo ang nanlamig.

Ang mga kalahok na True Dragon Genius ay mabilis na tumakas at nanood na lang mula sa malayo.

Syempe.

Ang dalawang napakahusay na prodigy na si Tantai Lanyue at Goddess Bing Wei ay parehong madaling naharap ang atake ni Zhao Feng.