Ang nakasisindak na lakas ng napakahuhusay na prodigy ang siyang nagpanginig sa puso ng mga henyo sa Northern Continent.
Tanging si Mo Tianyi lamang ang kinakaya ito kahit papaano.
Sa pagkakataong iyon, may mga along namumuo sa isip ng mga taong andoon. Ang kanilang kalooban at kumpiyansa para manalo ay nayupi nang todo.
Sa katotohanan, ang mga henyong gaya lamang nila Mo Tianyi, Xia Xianshang, Xin Wuheng, Cang Yuyue, Zhao Feng at mga katulad nila ang may kakayahan na lagpasan ang mga henyo sa nakaraang panahon.
Nangangahulugan ito na ang henerasyon nila Mo Tianyi ay hindi mahina sapagkat kaya pa rin nitong lagpasan ang ibang henerasyon.
Subalit, itinuturing sila na swerte at hindi mapalad nang sabay.
Dahil sa pangyayaring ito kung kaya may mataas na tsansa na magkaroon ng ugnayan ang Green Flower Continent sa Heaven's Legacy Inheritance. Sa mga normal na sitwasyon, hindi naman ganito kataas ang tsansa.