webnovel

Ang Babala ni Zhao Feng

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malapit sa Zhao Family Castle, ang labanan ng buhay at kamatayan ay natapos ng ganoon na lang. Naramdaman ng upper echelon ng pamilya Zhao na parang siya'y nasa panaginip.

Ang lahat ay tumingin kay Zhao Feng na nasa tuktok ng bundok. Ang lilang buhok ng bata na ito ay hinahangin sa himpapawid, at ipinikit niya ang kaniyang mga mata at nagsimula muling mag cultivate.

Kahit na hindi nila nakita ang mga detalye, sinabi ng kanilang likas na isip na ang batang ito ay bumalik para lumaban.

Ito ay si Feng'er ...! Niligtas niya ang pamilya! Ito ang reaksiyon ni Grandfather Zhao, at ang kaniyang balbas ay nanginig sa kagalakan at pagmamalaki. Walang sinuman ang nakakita ng proseso kundi siya lamang.

Ang bata at ang pusa na nasa kaniyang balikat ay biglang naging mas mahiwaga.

Ang mga mata ng Zhao Family sa upper echelon ay napuno ng pagkamangha at respeto. Una, wala silang pagkakataon na manalo sa lahat, ngunit ang mga eksperto ng Yin Family ay tila natamaan ng kakaibang teknik at biglang huminto sa paggalaw, na naging dahilan para sila ay mapatay.

"Hanapin at itipon ang spoils of war!" Utos ng Grand Elder ng Zhao Family.

Ang pinakamahina na eksperto ng mga Yin Family na dumating ay ang mga late-stage Small Origin Core Realm, at may ilang mga Great Origin Core Realms at half-step Kings. Kaya naman, ang spoil of war ay napakayaman.

"Feng'er, maaari kang madisisyon na hatiin ang mga spoil of war na ito." Ang Grandfather Zhao ay tumungo sa taas at hinati-hati ang spoils of war sa iba't ibang kategorya. Bilang kaniyang "lolo," Nais niya na ang kaniyang "apo," ay makatanggap ng pinakamahusay na spoils of war

Bahagyang nadismaya si Zhao Feng nang kaniyang sinuri ang mga items. Pinili niya lamang ang ilang Water-elemental na materyales at mga ilan pang kaunting items. Ang mga normal na resources ay hindi maaaring makapasok sa kaniyang mga mata dahil para sa kaniya ang mga ito ay walang kwenta.

At sa mga oras na ito, hinanap ng Zhao Family sa paligid ang mga iba pang nakatakas sa mga Pamilya ng Yin upang sila'y paslangin.

Dalawang libong milya ang layo, sa isang lumang siyudad:

"Paano ito naging posible ... lahat sila ay namatay !?"

Isang napakalaking bata na naka itim ay bahagyang nahilo. Kung si Zhao Feng ay naroon lamang, mapapansin niya na ang bata na ito ay si Luo Zun.

"Aking Lord, walang sino man sa mga dumalo sa tambagan ang nakagawang makaligtas. Hinahanap ngayon ng Zhao Family sa paligid ang Pamilya ng Yin," Iniulat na may pagkabigla ng lalaking nakaitim na cultivated ng Dao of Assassination.

Walang nakakaalam ng katotohanan tungkol sa nangyari.

"Iniisip ng kasamahan na ito na isang eksperto ang maaring tumulong sa Zhao Family. Itinakda ng Zhao Family ang bitag na ito para sa pagbabalik ni Zhao Feng, " maingat na pagkakasabi ng lalaking nakaitim.

Halos kalahati ng lakas ng Yin Family ay nawasak. Ang Luo Family ay nagpadala rin ng ilang mga tauhan, at si Luo Zun ang namamahala sa kanila. Gayon pa man, wala sa kanila ang inaasahan tulad ng isang napakalakas na puwersa ang uubos sa kanila sa loob lamang ng maikling oras sa pamamagitan ng Zhao Family.

At sa mga sandaling ito, nagsimulang mag-isip si Luo Zan. Alam niyang may ilang mga ekspertong sumusuporta kay Zhao Feng. Sinusuring mabuti ng kaniyang Divine Sense ang labanan, subalit ito ay nagambala ng isang ilusyon. Tanging mga pinapatay na kasamahan niya lamang ang kaniyang nakikita, at ang kapangyarihan ng illusion na ito ay nanggaling mula kay Zhao Feng.

"Una, bumalik at protektahan ang Yin Family!" Tila isang kidlat ang kumislap sa mga mata ni Luo Zun nang biglang naalala niya ang isang bagay.

Matapos ang labanan, ang karamihan sa mga elite ng Yin Family ay pinatay. Ginamit ng Zhao Family ang pagkakataon na ito upang ubusin ang buong Yin Family. Sa sandaling maubos ang buong Yin Family, ang Zhao Family ang mamamahala sa buong lugar ng Yunling. At sa puntong iyon, ang Luo Family ay wala nang magagawa dahil sila ay napakalayo.

Sa mga sandaling ito, si Luo Zun at Luo Family ay hindi maaaring direktang makagambala dahil ang Luo at Zhao Family ay mayroong relasyong nakabase sa kasalan. Nais tanggalin ng Luo Family ang kasalan, at ang Zhao Family ay nagpadala na ng Engagement Rejection Letter - alam ng lahat ang tungkol dito. Bukod pa dito, si Zhao Feng ay isang Central disciple ng Ten Thousand Sacred Clan, at hindi na ito malayo upang siya ay maging isang Core disciple.

Kung aatakihin ng Luo Family ang Zhao Family ng walang kahit anong dahilan, maaaring humingi ng tulong si Zhao Feng sa Ten Thousand Sacred Clan upang sila'y protektahan, o hindi kaya'y i-sumbong sila sa Duke Palace.

Dagdag pa dito, dahil sa mga panuntunan ng laro at pagiging patas, ang Luo Family ay hindi maaaring umatake nang direkta ng ano't ano man dahil, kahit sila man ay magtagumpay, ang pangalan ng Eighth Prince ay mapapahamak. Kung nais ng Eighth Prince makipagkumpetensya para maging isang Crown Prince at bilang isang hinaharap na Sacred Emperor ng lord dynasty, hindi niya maiiwasan ang mga halatang kasinungalingan.

Sa Zhao Family Castle, sa tuktok ng kabundukan, si Zhao Feng ay nanatiling nag cu-cultivate ng Five Elemental Wind Lightning Technique at Golden Kun Sacred Lightning Body. Na tila para bang hindi siya lumahok sa labanan kanina.

"Feng'er, sa labanan na ito ay lubhang nasaktan ang Yin Family, at nawalan sila ng maraming mga elites. Ngayon na ang perpektong pagkakataon upang tapusin ang Yin Family." Ang mga mata ni Zhao Tianyi ay kumikinang-kinang at may maalab na ambisyon. Ang buong upper echelon ay napupuno ng battle-intent, na naghihintay na lamang ng araw na maaari na nilang pamunuan ang lugar ng Yunling.

"Sige, tara na." Matapang na tumango si Zhao Feng

Pagkaraan ng gabing iyon, ang mga elites ng Zhao Family Castle – na halos dalawang daang ang bilang - na nakaupo sa kanilang lumilipad na kabayo o barko habang sila'y umaatake sa Yin Family.

Ang Yin Family ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng lugar ng Yunling, habang ang Zhao Family naman ay sa silangan. Ang dalawang pamilyang ito ay ay nakipaglaban sa isa't isa sa loob ng mahabang panahon, at sa wakas sa oras na ito makita kung sino ang mananalo.

Sumugod ang mga elites ng Zhao Family sa pangunahing himpilan ng Yin Family - ang Yin Family Castle.

Nang sila'y makarating, ang Yin Family ay naghihintay na. Ang protective array ng Yin Family Castle ay nakabukas, at ang himpapawid ay napupuno ng isang tahimik na atmospera. Ang mga guwardiya ng Yin Family Castle ay napuno ng kawalan ng pag-asa, at mayroon silang napakaonting battle-intent. Ang lakas ng dalawang panig ay hindi magkapareho antas.

Sa itaas ng mga ulap:

"Mas dumating ng mabilis ang Zhao Family kaysa sa aking inaasahan. Walang sapat na oras ang Luo Family upang palakasin ang mga tauhan nito." Tumingin si Luo Zun mula sa itaas. Ang kaniyang Divine Sense ay lubos na nakatago habang sinuri niya ang Zhao Family, at mas nagbigay siya ng tuon kay Zhao Feng at sa munting magnanakaw na pusa na nasa kaniyang balikat.

Walang may alam kung bakit, subalit ngumiti si Zhao Feng at tumingin sa direksiyon kung nasaan si Luo Zun ng isa o dalawa.

Nagulat ang katawan ni Luo Zun, Paano nadama ng isang munting True Lord Rank ang Divine Sense ng isang Void God Realm?

Gayon pa man, kung ang pagtingin ni Zhao Feng ay isa lamang pagkakataon, kung gayon ang sumunod na eksena ay tunay nakapagpagulat ng kaniyang isipan.

Miao!

Ang pusa na nasa balikat ni Zhao Feng ay tumingin rin sa kaniyang direksiyon na may paghamak at katamaran.

"Ang pusang ito, paano...!?" Nadama ni Luo Zun na tila ang kanyang pag-unawa sa mundo ay bumaliktad. Isang bagay lamang ang sigurado bagaman-si Zhao Feng at ang munting magnanakaw na pusa ay alam ng kanyang pag-iral.

Ang mas matindi pa dito na tila nagkukunwari silang hindi nila alam na naroon sila.

Sa pag-iisip ng kakaiba sa labanan noon, nadama ni Luo Zun na ang tao at cat duo ay hindi lamang simple, at tiyak na mayroon silang ilang uri ng lihim.

"Patayin!" Ang dalawang daan na elites ng Zhao Family ay naglabas ng isang pag-atake.

Boom! Boom! Boom!

Ang protective array ng Yin Family Castle ay nagsimulang yumanig, at habang nawalan ng karamihan ng mga eksperto ang Yin Family, naunahan sila ng takot at kaguluhan.

"Atakihin... ang timog-kanlurang bahagi," biglang sinabi ni Zhao Feng mula sa ibabaw ng Yinming Bird habang kinontrol niya ang labanan. Naniniwala ang Zhao Family sa kanya nang walang duda at agad na sinimulan ang pag-atake sa timog-kanlurang bahagi ng kastilyo.

"Ang timog-kanlurang bahagi ng Yin Family Castle ay ang lugar kung saan masisira ang protective array..." Walang magawa si Luo Zun kundi ang himinga ng malalim. Kinakailangan lubusang masuri ng kaniyang Divine Sense ang sira samantalang isang tingin lamang ni Zhao Feng bago ito mahanap.

Crack! Crack!

Ang timog-kanlurang bahagi ng array ay agad na nagsimulang mabitak, at ang lahat na nasa Yin Family Castle ay nagsiwalat na hitsura ng kawalan ng kakayahan at kawalan ng pag-asa.

"Hindi ko hahayaang magtagumpay ang Zhao Family ng ganoon na lamang kadali." Nanlamig ang mukha ni Luo Zun. "Sa pinakamababa, kailangan kong malaman kung gaano kalakas si Zhao Feng."

Pagkatapos nito, siya ay nagtago sa mga ulap at bumuo ng King Intent. Isang Magnificent Power ang agad na lumitaw malapit sa bitak ng array, na tumigil sa mga pag-atake.

Palihim na ginawa ito ni Luo Zun, at tanging isang taong malapit na sa half-step King level ang maaari lamang makadama nito. Hangga't si Luo Zun ay walang ginagawang anumang bagay sa labas, ang Zhao Family ay walang patunay. Ang kaniyang Magnificent Power ay palihim at walang espesyal na katangian.

Ngumisi ng malamig si Zhao Feng. Hindi ito sapat para pigilan ang Zhao Family. Inutusan niya ang Zhao Family na maghiwalay sa apat na grupo at atakihin ang ilang mga lugar ng sabay-sabay.

Ang Magnificent Power ay nabubuo kapag ang King Intent ay sumanib sa Heaven at Earth.

"Hindi kayang paghiwalayin ang kaniyang Magnificent Power sa iba't ibang pwersa maliban kung siya ay mag cu-cultivate ng teknik katulad ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique sa isang mataas na level."

Si Zhao Feng ay sigurado sa mga ito. Magagamit lamang ang Magnificent Power sa isang lugar, at kahit na si Zhao Feng sa kaniyang peak ay hindi mahahati sa iba't ibang mga puwersa.

Sa ngayon, maaaring gumamit si Zhao Feng ng Magnificent Power, subalit hindi niya gustong malaman ng lahat.

"Ang batang iyon...!" Sa mga ulap, nag-iba muli ang ekspresiyon ni Luo Zun. Masyadong magiging halata kung papalibutan niya ang buong Yin Family Castle ng Magnificent Power, at ang lakas nito ay lalong magiging mas mahina kahit na gawin niya ito.

Crack! Crack! Boom!

Ang Zhao Family ay agad na sumugod sa Yin Family Castle.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na pusa ay naging isang guhit ng liwanag na kulay pilak na abo at lumundag patungo sa Yin Family Castle.

"Arghh!"

Nagsimulang tumunog ang mga sigaw ng ilang mga upper echelon cultivators ng Yin Family na namatay gamit ang mga kamay ng munting magnanakaw na pusa.

Ang kanilang momentum ay hindi mahinto, Ang Yin Family ay sumuko na sa array at ang siyudad at ang iba ay nagsimulang bumailk. Ang mga elites ng Zhao Family ay handang habulin sila.

Ang sumunod na nangyari ay isang mabangis na pagsalakay. Si Zhao Feng ay hindi kailangang gumawa ng anumang bagay bukod sa pagtitig kay Luo Zun.

"Kalokohan~~~!" Nakalutang si Luo Zun sa himpapawid na may hindi magandang ekspresiyon. Ang Yin Family ay mawawasak maliban kung ang isang Void God Realm ay manghihimasok nang direkta o kaya naman ay lalabas ang Luo Family, ngunit si Zhao Feng ay may Ten Thousand Sacred Clan, na kung saan malapit na sa three-star force, sa kaniyang likuran. Ang iba ay walang lakas ng loob na gumambala.

Ang kina-babahala ni Luo Zun ay hindi niya parin makita si Zhao Feng kahit na nasakop na ng Zhao Family ang Yin Family Castle. Hindi niya rin makita ang munting pusa.

Sinimulang tipunin ng Zhao Family ang mga spoil of war mula sa Yin Famliy Castle, at si Zhao Feng parin ang unan mamimili.

"Walang sapat na kapaki-pakinabang na mga kayamanan ng Soul Dao, ngunit may sapat na Water-elemental at body-strengthening na materyales." Inayos ni Zhao Feng ang mga spoils of war.

Upang mamuno sa lugar ng Yunling, kinakailangang kunin ng Zhao Family ang karamihan ng mga resources ng Yin Family, kaya si Zhao Feng ay hindi maaring kumuha ng marami.

Upang gumaling ng mabilis ang kaluluwa ni Zhao Feng, kinakailangan niya ang Soul Dao items at ang level ng Void God Realm, ngunit ang mga iyon ay bihira lamang sa three-star powers.

"Luo Zun, Pinapayuhan ko ang Luo Family na huminto o kung hindi sila ang maaaring sumunod na Yin Family," isang malamlam na tinig ang lumakbay patungo sa mga ulap, at si Luo Zun, na siyang paalis na, ay nahinto.

Ito ang babala ni Zhao Feng.