Naisin mang yakapin ni Gustavo ang anak ay hindi pa maaari, napakaraming aswang pa ang nakapalibot sa tirahang iyon at kailangan pa niyang tulungan sina Milo para gapiin ang mga ito.
"Agnes, dadalhin muna kita sa ligtas na lugar. Babalikan ko kayo, kailangan ko lang tapusin ang gulong ito." Saad pa ni Gustavo at mabilis na hinalikan ang noo ng sanggol. Napangiti pa siya nnag makaramdam ng mainit na sensasyon nang lumapit ang labi niya sa balat ng bata. Senyales ito na balot na balot ang bata ng mga pangotra , ramdam niya ang tila kuryenteng pumaso sa kaniyang labi kaya naman napanatag siya sa nalamang iyon. Mabilis niyang binuhat si Aling Rita at tsaka inalalayan si Agnes na makalabas.
Nanlalaki ang mga mata ni Agnes nang ,maabutan ang madugong labanan ng mga tao kontra mga aswang na bangkilan.
"Magmadali na tayo habang wala pa sa atin ang kanilang atensyon." suhestiyon ni Gustavo at dali-daling inilipat si Agnes at Aling Rita ng lugar. Mabilis na nagpalit ng anyo si Gustavo upang walang kahirap-hirap niyang madal si Agnes at ang ina nito sa isang ligtas na lugar.
Sa Kubo ni Mang Isko niya dinala si Agnes, naroroon na rin na naghihintay si Mang Isko.
"Madali kayo, pasok na." Wika ni Mang Isko at tinulungan si Gustavo na mailagay sa papag si Aling Rita.
"Kayo na po muna ang bahala sa mag-ina ko. Kailangan ko nang bumalik at tulungan sina Milo." Wika ni Gustavo at mabilis din nilisan ang lugar. Dali-dali namang isinara ni MAng Isko ang pinto at nagsabot doon ng isang tumpok ng bawang.
"Mang Isko, si nanay po." nag-aalalang wika ni Agnes. Agaran naman tiningnan ni Mang Isko si Rita. Maingat niyang dinama ang pulso nito at agad na napabuntong-hininga.
"Maayos ang nanay mo, nawalan lamang siya ng malay. Ilapag mo muna ang bata sa higaang iyan Agnes, puno 'yan ng orasyong ginawa ni Maya, huwag ka nang mag-alala, ligtas na tayo rito," utos ni Mang Isko.
Walang pagtatanong na sinunod ni Agnes ang utos ng matanda, marahan pa niang hinaplos ang pisngi ng kaniyang anak at napangiti.
"Anak, nandito na ang tatay mo, makakasama na natin siya." Pabulong na wika ni Agnes, bakas sa mukha niya ang labis na kasiyahan.
Sa kabilang banda naman, halos magiba na ang buong bahay ni Aling Rita dahil sa walang tigil na pag-atake ng mga aswang.
"Isa kang traydor Gustavo, wala ka nang ibang ginawa kun'di ang salungatin ang mga turo sa iyo ng ating angkan. Ano, dahil lang sa isang babae? Kung ayaw mo ng katungkulan mo bilang isang pinuno, hayaan mong ang anak mo ang pumalit sayo. Tutal dugo mo rin naman ang dumadaloy sa ugat ng batang iyon." Galit na sigaw ng isang matangkad na aswag na may anyong kahalintulad ng kay Gustavo. Ang pinagkaiba lamang ng dalawa ay higit na mas matipuno ang mga kalamnan ni Gustavo at kulay abo rin ang buhok ni Gustavo habang ang sa isa naman ay itim.
"Hindi ako t*nga para ibigay sa inyo ang anak ko. Hayaan niyo na kami, hindi ba't itinakwil na ako ni ama, nariyan ka naman para humalili." Pakiusap ni Gustavo ngunit tumawa naman ang kausap nito.
"Ismael, kaya mong pamunuan ang angkan, bakit ba ninyo pinipili sa akin ang kataungkulan matagal ko nang tinatalikuran. Nais kung mabuhay ng normal kasama ang asawa at anak ko, kasama ng itinataguyod kong pamilya."
"Pamilya? Maaari ka namang magkapamilya sa loob ng angkan natin, bakit isang tao pa ang inibig mo?" Nanggigigil na tanong ni Ismael at mabilis na inatake si Gustavo. Agaran din naman iyong nasangga ni Gustavo.
"Hindi mo ako matatalo, alam mo 'yan Ismael." mahinahon pa ring wika ni Gustavo na mas lalong nagpa-igting ng galit ni Ismael. Isang sampal kasi sa kaniya ang sinabi ng kapatid. Simula't sapol ay palagi na silang naglalaban at ni minsan ay hindi pa niya nagagawang matalo si Gustavo kahit pa mas nakakatanda ito sa kaniya. Iyon din ang dahilan kung bakit ayaw ibigay sa kaniya ng kanilang ama ang pamumuno ng kanilang angkan. Siya ang panganay ngunit hindi siya ang susunod na mamumuno, dahil higit na mas malakas sa kaniya ang nakababatang kapatid na si Gustavo.
"Gustavo!!! Kung hindi ka babalik sa angkan para pamunuan ito ay mas mabuti pang mamat*ay ka na lang!!!" sigaw ni Ismael at walang pakundangang pinaulanan niya ng kalmot si Gustavo. Mabilis na iniilagan iyon ni Gustavo ngunit dahil sa sunod-sunod na pag-atake ni Ismael at nagkamali siya ng hakbang at nawalan ng balanse dahilan para taman siya sa braso. Sumirit ang masasagang dugo mula roon.
Humalakhak si Ismael nang makita ang kalagayan ni Gustavo, Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa niya itong sugatan sa isang labanan.
"Mukhang kinakalawang ka na kapatid." nakangising puna ni Ismael, walang patid na tumutulo ang laway nito at nangingislap ang mapupula nitong mga mata. "Katapusan mo na!!!" Pasigaw na umatake si Ismael sa pag-aakalang magagawa niyang patumbahin si Gustavo subalit nagkamali siya.
Dahil sa alabis na kasiyahang nararamdaman at naging kampante si Ismael, hindi niya nahalatang habang naglalaban sila ni Gustavo ay palihim na itong nagpapalipad hangin sa kaniya. Nanatiling nakatayo lamang si Gustavo habang iniinda ang kaniyang sugat nang umatake si Ismael, subalit bago pa man dumampi sa balat ni Gustavo ang matutulis nitong kuko ay napahinto ito sa ere at nanlalaki ang mga matang nakatitig kay Gustavo.
Napaubo ito at sumuka ng itim na dugo, bumulwak ang mas marami pang dugo nito sa dibdib kung saan nakatarak ang isang sibat. Marahang nilapitan ni Gustavo ang kapatid at hinaplos ang pisngi nito.
"Patawarin mo ako Ismael, ngunit hindi ako papayag na wakasan mo ang buhay ko. Kapatid kita ngunit isa na akong ama ngayon at wala pa sa plano ko ang mamat*y." Wika niya at walang sabi-sabing hinugot ang sibat sa dibdib ng aswang. Agad na natumba si Ismael nang wala ng buhay. Napatitig naman si Gustavo sa sibat na iyon at napangisi. Nakakapangilabot ang ang sandatang hawak niya, dahil sa simula pa lamang ng laban ay walang tigil na ito sa pagbulong ng mga katagang kailangan niyang bigkasin upang lumitaw ito.
Tila ba may buhay itong inuutusan siya dahil sa kasabikang makapasl*ng ng aswang.
"Nakakapangilabot ka, pero salamat sa iyong gabay kaibigan." Bulong ni Gustavo at mabilis na tumakbo patungo sa iba pangmga kalaban at walang pakundangang itinarak niya sa mga ito ang kaniyang sibat. Sa bawat pagtarak ng sibat sa katawan ng aswang ay siya namang pagkain ng apoy sa mga katawan nito. Kahit daplis lang ay nagagawa pa rin nitong kapitan ng sumpa ng kamatayan ang mga aswang na iyon.
Gayunpaman aya maingat itong iwinawasiwas ni Gustavo sa takot na baka pati siya ay masugatan nito. Ilang ulit ding ipinaalala ni Milo sa kaniya na maging siya ay hindi sasantuhin ng sibat na iyon sa oras na masugatan siya nito. Lalo pa't isa siyang aswang at ang sibat na iyon ay gamit sa pagpat*y ng mga aswang.
Nagpatuloy pa ang labanan hanggang sa tuluyan na nga nilang malipol ang mga umatakeng aswang sa Talusan.
Halos mapaupo naman sa sobrang pagod si Milo. Mahilo-hilo pa sila dahil sa lagusan ni Liway nang makaramdam sila ng napakaraming presensya ng mga aswang. Paglitaw pa lamang nila sa bukana ng Talusan ay ang umaalingasaw na baho ng mga aswang ang kaagad na sumalubong sa kanila. Hindi pa sila nakakabawi ay kaagad din silang napalaban, Mabuti na lamang at marami na sila at mabilis na nagapi ni Gustavo ang pinaka-pinuno ng grupo ng aswang na sumalakay sa bayan.
"Tumayo ka na diyan Milo, bumalik na tayo sa bahay ni Mang Isko." tawag ni Simon na agaran din naman niyang sinunod. Pagdating nila sa bahay n Mang Isko ay sinalubong naman sila ng yakap ni Klarissa at Lira. Tuwang- tuwa ang mga ito sa kanilang pagbabalik. Maging si mang Isko ay nakangiting sumalubong sa kanila at malugod silang pinapasok sa bahay nito.