webnovel

KANAGAWA'S ACE PLAYER

So this is my first time na gagawa ng fanfic about my favorite Anime Slam Dunk. Isang player doon ang bumighani sa puso ko at winiwish ko na sana totoong tao na lang siya. Hahaha AKIRA SENDOH kilala bilang "Ang Henyo sa Basketball" or "Ang Player na mataas ang Kalibre". Siya ay naglalaro sa koponan ng Ryonan. Siya ang Ace Player. SOBRANG GWAPO NIYA AT NAPAKAGALING MAGLARO. Magaling din kaya siya bumighani ng puso? SABAY SABAY NATING ALAMIN! I do not own some of the Characters of this Fan Fic. Some are from the Manga itself. Credits to Takehiko Inoue. Anyway. I just wrote this to give joy to Slam Dunk Fans. Hope you enjoy Reading

IzzaAlvaro07 · Anime & Comics
Not enough ratings
10 Chs

CHAPTER TWO

Sa kabilang dako. Alamin naman natin ang lagay ni Sendoh.

"Naku! Yari. malelate nanaman ako lagot ako kay Coach neto!" Dali dali siyang tumakbo papunta sa Gym hindi niya alam nag hihintay na sa pintuan si Coach Taoka.

"Good Morning! Nandito na ako." Pagbati ni Sendoh sabay kamot sa batok.

"GUNG GONG KANG BATA KA! LATE KA NANAMAN! SAAN KA NANAMAN GALING AH SENDOH! "

"Sorry na Coach." Pagyuko ni Sendoh at Sabay ngiti kay Coach Taoka. "Nakatulog ako eh."

Walang magawa si Coach Taoka kundi mang gigil na lamang pero hindi niya magawang sermunan ng sobra si Sendoh.. Sa isip niya..

"Kung hindi lang sa talent niya at talino niya sa basketball, matagal ko ng tinanggal ang batang toh!"

"Sendoh..kamusta?!" Sabi naman ni Hikoichi

"Nakakawalang gana talaga pagalitan ang batang to" Sambit ni Coach Taoka.

"Sige. Practice na!" Masayang pagyayaya ni Sendoh.

-------

Meanwhile.. Shohoku's Gym.

Izza's POV

"Ayako. Totoo ba yon? May practice game sila sa Ryonan sa Sabado? Di ba sabi mo isa sila sa pinakamagaling na team sa distritong ito?"

"Oo Izza, noong nakaraang practice game natalo kami sa kanila ng one point. Dahil yun sa Ace player nilang si Sendoh." Magtatanong sana ako tungkol kay Sendoh ng biglang sumigaw si Miyagi.

"NAGIGING PABIGAT KA NANAMAN HANAMICHI!"

"AHH RYOTA NAMAN. HINDI MO NAMAN KASE AKO SINENYASAN NA IPAPASA MO ANG BOLA!" Sagot ni Kuya.

"GUNG GONG KA! SINABI KO NG MAG CONCENTRATE KA SA PAGLALARO MO! UUMBAGAN NA KITA DYAN EH!" Sigaw ni Captain Akagi na nanonood sa kanila.

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na ang practice game.

"Izza. Maiiwan si Sakuragi para mag aral pa ng shooting." Sabi sa akin ni Ayako.

"Ako na ang maghahatid sa iyo pauwi!" Alok ni Mitsui.

"Hoy Mitchi! wag ka ngang galawan sa Kapatid ko ha" Sabi ni Kuya.

"Ako na lang ang maghahatid." Sambit ni Rukawa.

Nabigla pa ako ng akbayan niya ako.

"ABAAAAAA. LAYUAN MO NGA KAPATID KO. BAKA KALBUHIN KITA DYAN RUKAWA!" Sigaw ni Kuya ng itulak niya si Rukawa palayo sa akin. Natahimik sila ng bigla akong tumawa.

"Ahhh. Ang cuteeeee niyaaaa!" Sabi ni Mitsui habang tinitignan siya ng masama ni Kuya at ni Rukawa.

"Manahimik nga kayo diyan! Tigilan niyo kapatid ko mga bugok!" Sabi ni Kuya.

"Ayos lang ako. Kaya ko naman. Tiyaka may dadaanan muna ako bago umuwi. May bibilhin muna ako sa palengke." Sabi ko sa kanila. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat.

Pupunta ako sa palengke para bumili ng lemon. Favorite ko kasi iyon eh. At tingin kong makakatulong din kay Kuya. Pang gagawa ko siya ng Lemon Juice mamayang pag-uwi niya.

Finally. Nakarating din.

"Pabili po ako isang kilo po ng Lemon." Ngiting sabi ko sa tindera. Iniabot na niya sa akin ang isang plastic ng lemons at binigay ko sa kanya ang bayad.

Hindi ko akalain na makakasama ko ulit si Kuya. Mabuti na lang at pumayag na si Mama. Namiss ko din kase kasama si Kuya at pagbawalan siya sa mga kagunggungan niya. Masaya ako para sa kanya. Buti na lang maayos na ang mga taong kasama niya ngayon. Hindi na siguro siya mapapaaway pa. Siguro nga nagbago na talaga si Kuya Hanamichi.

I was cut off by my thoughts ng bigla akong nabunggo sa isang lalake.. hindi ko siya napansin at ang kanyang mukha dahil nakita kong nagkalat yung lemons sa daan.

"Ayos ka lang Miss? Sorry sorry kung nabunggo kita. Tulungan na kita." Sabi niya. Sabay namin pinulot ang mga lemons at nilagay sa plastic. Kinuha niya ang last na lemon na nakakalat sa daan at iniabot niya sa akin.

"So I assume na favorite mo ito?" Tanong niya.

"Uhh. Oo" Sagot ko habang nakatingin sa kamay niya. Ang laki ng kamay niya. Mukhang kaya niya humawak din ng bola. Basketball player kaya siya?

Unti-unti kong tinaas ang tingin ko at tila ba parang may kakaibang naramdaman ang dibdib ko ng makita ko ang mukha niya.

Nakangiti siya sa akin. Ang tangkad niya at ang gwapo. Maputi at naka style ng spiky ang buhok.

Naka-white T-shirt sya at jogging pants blue na may yellow so I assume Ryonan High School siya nag-aaral.

"Uhhh. Pasensya ka na talaga Miss hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Sabi niya.

"Ahm Ayos lang. Ayos lang." Sagot ko.

"Ako pala si Akira." Sabi niya as he offer his hands for a handshake.

"Pasensya na. Turo kase ng Kuya ko wag makipag-usap sa hindi ko kakilala. Anyway, Salamat..Akira. " Sabi ko at tumakbo palayo sa kanya.

Nagsisisi ako kung tama bang tumakbo ako ng hindi man lang nagpapakilala. Pero sabi kase ni Kuya na wag makipag-usap basta basta sa kung kani-kanino lang.

Akira.. Ang gwapo niya. Mukha naman siyang mabait. Base sa kung paano niya ako tinulungan kanina. Mukha naman siyang gentleman. Sana magkita kami ulit kung sino man ang Akira na iyon.