webnovel

KANAGAWA'S ACE PLAYER

So this is my first time na gagawa ng fanfic about my favorite Anime Slam Dunk. Isang player doon ang bumighani sa puso ko at winiwish ko na sana totoong tao na lang siya. Hahaha AKIRA SENDOH kilala bilang "Ang Henyo sa Basketball" or "Ang Player na mataas ang Kalibre". Siya ay naglalaro sa koponan ng Ryonan. Siya ang Ace Player. SOBRANG GWAPO NIYA AT NAPAKAGALING MAGLARO. Magaling din kaya siya bumighani ng puso? SABAY SABAY NATING ALAMIN! I do not own some of the Characters of this Fan Fic. Some are from the Manga itself. Credits to Takehiko Inoue. Anyway. I just wrote this to give joy to Slam Dunk Fans. Hope you enjoy Reading

IzzaAlvaro07 · Anime & Comics
Not enough ratings
10 Chs

CHAPTER ONE

"Hanamichi! sino yang kasama mo? Aba! sino mag aakala na magkakajowa ang gung gong na ito?!" halakhak ni Mitsui.

"Manahimik ka nga dyan Michi! Kapatid ko ito!" Pasigaw na sinabi ni Kuya.

Alam niyo, hindi ko talaga alam paanong napasok ang Kuya ko sa basketball team. Pero natutuwa ako na ito na ang pinagkaka abalahan niya ngayon kaysa sa pagiging war freak at basagulero niya.

"KAPATID?" sabay sabay na sigaw ng mga teammates niya at nung dalawang babae.

"Bakit Ha?? Kapatid ko nga!" Inis na sinabi ng Kuya ko.

"GRABE HANAMICHI! SIGURADO KA BANG KAPATID MO ANG MAGANDANG BABAENG YAN?! HINDI KA BA AMPON?!" sabi ng lalakeng maliit na maitim na kulot ang buhok.

"MANAHIMIK KA NGA DYAN KULOT! SUMOSOBRA NA KAYO AH! IZZA! MAGPAKILALA KA NGA!" Sabay siko ni Kuya sa akin.

"Uh, hello po. ako si Izza. Kapatid po ako ni Hanamichi Sakuragi. Nice to meet you all po" pagbati ko sa kanila habang nakangiti. At sabay sabay naman silang ngumiti sa akin. Nang biglang may isang maputing lalakeng lumapit sa akin na masasabi ko na medyo maliit kumpara kay Kuya. May pag ka asul na kulay ang kanyang buhok.

"Hisashi Mitsui pala. Isang napakagandang umaga para sa napakagandang dalagang katulad mo." Sabi niya habang inaabot ang kanyang kamay for shake hands.

If looks could melt.. masasabi kong natunaw na ako sa pagtitig niya sa akin. Nag smile na lang ako sa kanya.

"BOLERO!" Sabi naman nung lalakeng kulot ang buhok.

"Pagpasensyahan mo na si Mitsui. Ako pala si Ryota Miyagi. Point Guard." sabi niya at kinamayan ko din siya.

"Ako naman si Kogure. Vice Captain ng Shohoku Team."

"Ako si Yasuda"

"Ako naman si Akagi. Captain ng team na ito. Hindi ko alam na may kapatid pala ang unggoy na ito. Sigurado ka bang kapatid mo siya?" Natawa ako sa tanong niya ganun din silang lahat. Grabe sila sa Kuya ko. pero hindi ko naman sila masisisi. Dahil kilala ko si Kuya. Balasubas siyang magsalita. Natahimik naman ang lahat ng may biglang lumapit sa akin na kasing tangkad ng Kuya ko. Ang gwapo at ang lakas ng dating niya. Inilahad niya kamay niya for a handshake. At nakita ko ang pagkagulat sa mga mata nila Kuya at mga teammates niya.

"Kaede Rukawa. Nice to meet you." mukhang misteryoso ang isang ito ah. Kinamayan ko siya at nag smile sa kanya.

"TOTOO BA ITO? LUMAPIT SI RUKAWA SA BABAE? AKALA KO BAKLA TOH EH!" Pasigaw na tumatawa si Kuya.

"Ano? ako bakla? Gung gong" Sabi naman ni Rukawa natawa naman ako. Bakit inaasar ni Kuya na bakla ito?

"BAKIT HINDI BA? GRABE KA NGA KUNG MAKATITIG KAY SENDOH MINSAN EH!" sabi ni Kuya.

"Oo nga Rukawa. Bakit nga ba ganun ka na lang kung tumitig kay Sendoh. Nadadala ka ba pag ngumimgiti siya sayo ha?" Tanong ni Mitsui.

"Mga bugok! Depensa tawag don. hinahamon ko siya hindi ba?! Mga gunggong" Inis na sinabi ni Rukawa at lumayo sa kanila.

"HINDI MO KAYANG TALUNIN SI SENDOH. AKO TATALO SA KANYA! TANDAAN MO YAN RUKAWA!" Paghahamon ni Kuya.

"Gung gong. akala mo ba talaga kaya mo din talunin si Sendoh? kay Fukuda pa nga lang nahihirapan ka na!" Sambit naman ni Mitsui.

"Tama na yan kayong tatlo" Pag-aawat ni Kogure.

"UMPISAHAN NA NATIN ANG PRACTICE. TEAM! ASSEMBLE!" Sigaw ni Captain Akagi sa Gym.

"Ayako, ikaw muna bahala sa kapatid ko." Sabi ni Kuya .

"Walang problema Hanamichi Sakuragi. Makakaasa ka."

"Tara upo tayo." sabi ni Ayako. Ang ganda niya.

Habang nagppractice sila Kuya kinakausap naman ako neto ni Ayako.

"Izza. ilang buwan palang namin nakakasama si Sakuragi kaya nabigla kami na may kapatid pala siya."

"Ang totoo po niyan. Kambal kaming dalawa." Mukhang nabigla siya sa sinabi ko dahil nanlaki bigla ang mga mata niya.

"Ka..Kambal?? Seryoso ba yun? pero.. sa Height walang duda dahil ang tangkad mo. Kasing tangkad mo siguro si Mitsui. pero.. sa itsura..di ko lubos maisip."

"Madaming nagsasabi na iba nga ang itsura ko kumpara kay Kuya. Siguro dahil mas kamukha ko ang mama namin at si Kuya naman nagmana sa Papa namin." Explain ko sa kanya.

"Uh.. ate? matanong ko lang.."

"Wag mo na akong tawaging Ate, Izza. Ikaw naman. Masyado akong maganda para tawaging mong ate." Sabi niya habang tumatawa.

"Ahh. Okay hehehe. Ayako. Matanong ko lang kung paano nasali si Kuya sa basketball team. Kase, hindi naman sportsman yan."

"Alam mo kasi na inlove yang kuya mo sa kapatid ng Captain namin na si Haruko. Dahil doon nagka interest ang Kuya mo sumali ng basketball."

"Ganun pala. Matagal din kase kami hindi nagkasama ni Kuya. Nawalay ako sa tabi niya ng maghiwalay ang mga magulang namin. Lumaki siya sa papa namin. Ako naman sa mama namin. Pero, hindi tumitigil si Kuya na makipag-usap sa akin. Masasabi ko na kahit gung gong at balasubas yan. May puso pa din naman siya."

"Kaya naman pala ganyan si Sakuragi. Di ko alam na malungkot pala ang buhay ng taong yan. Masasabi ko kasing Siya ang mood changer sa team namin."

Bigla kaming napatigil ng makitang nag dunk si Rukawa. ANG LUPEEET! Ganito pala siya maglaro.

"MA-MA-MAYAAAAAABAAAANG! NAGPAPASIKAT KA NANAMAN RUKAWAAAA!" Sigaw ni Kuya. Hindi naman siya pinansin ni Rukawa.

Hanep maglaro. Ang galing. Naalala ko bigla ang usapan kanina. May mas magaling pa daw kay Rukawa.

Sendoh?? Sino naman si Sendoh??