webnovel

Kakaibabe

Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba? Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan? O nasa kasalukuyan?

Lukresya · History
Not enough ratings
39 Chs

21 Ikaw na ba yan?

Sinikatan na ng araw si Kimmy bago ito tumayo sa higaan. Ayaw nitong tumayo at naiisip niya parin ang mga nangyari kahapon pero.... "Saan ba ako makakapagnegosyo dito?"tinatamad itong pumunta sa pagamutan. Pinapasok niya si Adlaw doon at naroon din si Enzo. Hindi na niya kailangan makipagsiksikan doon at habang absent siya ay mag iisip ito ng paraan para kumita. Kailangan niya kumita para makaalis sa baryong iyon.

"Binibini, narito po si ginang Alopesia." sabi ng isang alipin na kumatok sa kwarto niya.

"Papasukin ninyo siya." Sabay tayo ni Kimmy. Heto na ang good news. Dali dali itong naghilamos at nagbihis sa banyong ipinatayo nito sa loob ng kwarto niya at dahil wala pang poso noon ay nagpapa igib lamang ito tuwing gabi sa mga sahog at tinatakpan ang tubig sa malalaking mga banga.

Pagkatapos nagbihis ng modernong istilo ng baro't saya ay lumabas na ito.

"Salamat sa pagdalaw." bati ni Kimmy ng nakangiti sa kanya.

"Binibini," bati naman ni Alopesia tumayo ito sa kinauupuan at yumuko ng kaunti.Naging mas mabait na ito sa kanya simula ng tulungan siya nito. Hindi lang nito tinulungan ang kapatid niya,pati ang dati nitong kasintahan na makapagsimula muli ng bago at sariling buhay. Naging mas positibo narin ito dahil nawalan siya ng bigat sa dinadala.

"Anong balita?" agad na tanong ni Kimmy kay Alopesia.

"Nagustuhan ni Ama ang mga produkto lalong lalo na si Ina, para sa akin ay mas maganda ang mga gawa mo kaysa sa mga naunang produkto ni Ginoong Lorenzo." sagot ni Alopesia.

"Ha?" nagulat si Kimmy sa narinig. Ibig sabihin sinubukan na ni Enzo na gumawa ng mga sabon, shampoo, at lotion noon sa kanila at siya ang nauna kaysa sa kanya. Ngunit bakit walang nagbebenta? Hindi ba pumatok?.

"Bakit hindi niya ito binebenta?"

"Pinagamit niya ito sa Pinuno kaya nang magustuhan nito ng pinuno ay nagbaba siya ng utos na ang mga ito ay para lamang sa kanya at ang magnais nito ay kailangan munang humingi ng pahintulot sa pinuno." paliwanag ni Alopesia. Hindi malayong nakagamit ito noon dahil siya ang paboritong babae ng Pinuno.

"Hmm. masama ito."nag isip ito ng malalim at tumingin kay Alopesia. "Pakiusap, wag na wag mo muna itong babanggitin sa Pinuno.Please!" pakiusap ni Kimmy kay Alopesia dahil kapag nangyari sa kanya ang nangyari kay Enzo ay mawawalan siya ng pagkakataong yumaman at magtravel around the past.

"Please?" nagtatakang tanong ni Alopesia kay Kimmy

"Pakiusap?" sagot ni Kimmy.

"Susubukan ko ngunit matalino ang pinuno binibini, kung hindi man ako ay may iba din ang magsasabi sa kanya." paalala ni Alopesia. Iniabot naman niya ang mga alahas na ginto at perlas kay Kimmy."Heto ang mga kabayaran sa mga naunang produkto. Nais ni Ina ng kasunod pa at susuportahin iyon ni Ama."

"Wow. tunay na Gold at mga Perlas. Mayaman nako." sabay yakap ni Kimmy sa isang hakot ng mga alahas. "Pano ba ang kalakaran sa pangangalakal?" tanong ni Kimmy.

"May kinuhang dayuhan ang Ama at siya ang kumalakal ng mga ito. Mas marami ang bumbili at mas mahal binibili kapag galing sa dayuhan."paliwanag ni Alopesia. "ngunit ang ibang unang sumubok ng paraang ito ay nangabigo lamang. Sa ngayon, Ang produkto mo ang tangi."

"Hindi ba magagalit ang mga dayuhang mangangalakal at ang Pinuno kapag nalaman niya.?" pag aalala ni Kimmy.

"Isang makabayan ang Pinuno Kimmy, kahit na inilihim mo ang mga produkto sa kanya ay naging tulay naman ito para hindi tuluyang maubos ang mga ginto at perlas ng bayan natin dahil sa pagbili ng mamahaling produktong banyaga." paliwanag ni Alopesia."Ayaw ng Pinuno na maubos ang yaman ng Bayan."

'Mukhang isa siya sa dahilan kung bakit may kaunting natitira pa sa yaman ng bansa sa kasalukuyan.' pag iisip ni Kimmy sa sarili.

"May liham para sa iyo." binigay ni Alopesia ang isang maliit na parang papel na matigas.

"Mauna na ako." pagpapaalam ni Alopesia. Sa paglakad nito palabas ay bigla itong nagsisisigaw. "Walang kwentang babae! Hinding hindi mamapasayo ang pinuno!" nagpaparinig ito sa mga espiya na nairita ito kay Kimmy at kunwari'y hindi pa sila magkasundo.

Binuksan ni Kimmy ang matigas na papel. Nakasulat doon ang mga titik alibata. Napansin niya na hindi talaga sila nagsasalita ng tagalog at ang mga salitang namumutawi sa kanilang bibig ay mga sinaunang salita. Ang nakakamangha lamang ay naiintindihan niya ang mga ito na parang nagsasalita lamang sila ng tagalog at nagsasalita siya na parang nagbibigkas lang din siya ng tagalog. Nababasa niya rin ang sulat alibata na parang tagalog lang din. "Parang dubbed, Parang subtitle." pagkamangha ni Kimmy. "Mag ingat ka kay Antonia. Hindi niya ako masaktan ng personal kaya pinlano niyang saktan ang mga mahal ko sa buhay. Pinaimbestigahan ni Ama ang lalaking nakilala ni Waldo na nagtulak sa kanya sa pambabarang at saktan kami. Isa ito sa mga tauhan ni Antonia. Mag ingat ka." binasa ni Kimmy ang nakasaad sa sulat. "Antonia. Antonia...." inisip ni Kimmy kung bakit pamilyar ang pangalang Antonia ngunit hindi niya talaga ito maalala.

Sa Bahay ng babaeng si Antonia.

"Lumabas po si Ginang Alopesia na nagsisisigaw sa galit sa bahay ng binibini." balita ng isang aliping umaaligid kay Alopesia.

"...." hindi sumagot si Antonia at sinenyasan nalamang niya ang alipin na umalis kaagad. Nagsusuklay si Antonia habang nag iisip malalim. "Ikaw na ba yan?" tanong nito sa hangin. Walang ibang tao sa kwarto at walang ibang makakarinig sa tanong niya. Tumingin ito ng matalim sa salamin na ginagamit niya.

Sa bahay ng mga Donaire.

"Anak magtungo ka sa bahay pagamutan at dalhan mo ng pananghalian ang iyong sanse." habilin ni Teresa habang nagaayos ng gamit para magtrabaho.

"Opo ina!" dali dali naman nagbihis si Sol dahil nitong huli ay hindi pa niya ito napasyalan ulit. Namimiss na nito ang mga walang kwentang kwento ng ate niya tuwing pinupuntahan niya ito.

"Sol,hawakan mo nga noo ko." utos ni Salvador kay Sol at hinawak naman nito ng sandali. "Nilalagnat ba ako?"

"Hindi naman po. Normal lang po." sagot ni Sol.

"Anong hindi, sobrang init. Parang mahihimatay na nga ako e." paliwanang ni Salvador."Tara na at magpapatingin ako sa ate mo." yaya nito.

Natawa ng bahagya si Sol sa kuya niyang nahihiyang sabihin na gusto niya naring makita ang kapatid. Napakataas ng pride kahit normal lang naman ang pangungulila sa mahal sa buhay ay nahihiya ito dahil sa lalaki siya at isang alagad bantay. "Okey po." sagot ni Sol.

"Ha?" tanong ni Salvador sa kapatid. Nahahawa na ito kay Kimmy sa pagsasalita ng kakaibang salita.