Iniangat ko ang aking paningin at sa unang pagkakataon ay napagmasdan ko ang buhay na mga mata ng isang maharlika.
Gulat, sa una at naging... payapa? Sa ganitong kalagayan, papaanong ang payapa parin ng kanyang mga mata.
"Naiintindihan ko, sige...alis na ako." Paalam nito at hirap na naglakad.
Binigla ko ito kaya mabilis kong napaupo.
"Hindi kita hinanap para makipaglaro." Sabi ko.
Pinunit ko ang tila sa braso nitong dugoan at tumambad ang pahabang sugat na likha ng kuko ng tigre kanina.
"Lapastangan!" Itutulak niya sana ako pero naunahan ko siya.
Itinali ko ang kanyang katawan ay mga kamay.
"Ang sugat mong iyan ay likha ng hayop kaya naman ay may kakayahan akong gamutin yon." Paliwanag ko.
Ngunit doon lamang siya nakatingin sa ipinanggapos ko sa kanya na nagliliwanag.
"Ang kadina ng katutuhanan." Pagkilala niya sa doon. "Pagmamay-ari ito ng Hari, paanong napunta sayo?"
"Bigay ito ni Haring Delon kay General Lunai na siyang nagbigay sa akin. Kawal?"
"At sa tingin mo ay maniniwala ako sayo?"
"Hindi ko hinihiling na maniwala ka, kawal? Baka nakakalimutan mong ikaw ang nakagapos."
Idinapo ko ang aking palad sa sugat ng nito na unti-unting naghihilom.
"Magkamag-aral at matalik na magkaibigan sina haring Delon at heneral Lunai. Dinala nila ang heneral sa papunta sa Paldreko upang patawan ng parusa dahil sa nasabing pagkamatay daw ng prinsepe."
"At ano naman ang kinalaman ko doon?" May lungkot na tanong nito.
"Hindi ba at kawal ka ng Paldreko?" Tanong ko dito pero hindi ito sumagot kaya nagpatuloy ako. "Ikaw ang magdadala sa akin doon."
Kinaumagahan ay nagpatuloy na kami sa paglalakbay. Nauuna ito na nakagapos parin at hawak ko ang dulo ng niyon.
"Magpahinga muna tayo." Wika nito na kaagad na naupo sa lupa.
Pawisan ito.
"Hindi pa ba tayo naliligaw?"
"Eh kung alam mo naman pala daan, pakawalan mo na ako."
Naupo din ako sa lupa at sumilip. Sa di kalayuan sa baba ng bundok ay natanaw ko ang mga kawal at ang ikinulong nilang heneral.
"Pwedi mo bang gamutin din itong sugat ko sa paa?" Biglang tanong nitong kasama ko.
"Totoo ba ang balitang may malalang karamdaman ang hari?" Tanong ko dito na hindi na naghintay ng sagot nito. "Kapag mamatay ang hari at pati narin ang tagapagmana ng truno, sino na ang magiging hari?"
"Edi ang punong minestro." Sagot nito. "Magkakaroon ng bagong maharlikang angkan. Mas mabuti narin siguro iyon kaysa mamuno ang isang lumaki sa ibang kaharian."
"Alam mo ba kung ano ang huling utos sa akin ng heneral? Ang alamin ang katutuhan sa pagkamatay ni haring Delon. Dahil hindi siya naniniwalang namatay ito sa malubhang karamdaman."
"Ano naman ngayon?"
"Maaaring tulad ni haring Delon ay ganoon din ang ikamatay ng kasalukoyang hari."
Nanahimik na lamang ito at di na muling nagsalita hanggang sa nagpatuloy na kami sa paglalakbay.
Dumating na naman ang gabe. Tanaw namin ang ilang kubol at apoy na ginawa ng mga kawal. Kami naman ay hinog lang ang makain dahil hindi naman kami pweding gumawa ng apoy kundi ay baka makahalata ang mga iyon na may nakasunod sa kanila.
"Malapit na tayo sa bayan, anong balak mo?" Tanong nito.
"Pangarap ko, pagmakarating ako ng Paldreko ay mag-aaral ako ng Majika." Sabi ko. "Hindi ko akalaing mangyayariti ito."